-Baby 10-

263 11 0
                                    

-Erin-

Di tuloy niya maiwasan na mapangiti ng malapad kahit nagmumukha na siyang timang at naiiling na pasulyap sulyap sa kanya si Flynn habang nagmamaneho.

"Ang lakas parin ng hatak ng tao sa'iyo no?" komento niya.

"Yeah, comes from the model itself" sabi nito at sumulyap naman sa kanya ng isa pang beses.

Hubby! Kinikilig ako sa pasulyap sulyap na yan!

"You're also a model Flynn in case you forgot" balik niyang sabi rito.

"Yeah, thanks to you" walang gana nitong sabi peru tinawanan lang niya.

She was going to endorse a baby cologne a product created by del Pierro's manufacturing company at dahil gusto niyang makasama si Flynn sa photoshoot na iyon ginawa niya lahat ng klaseng tantrums sa mundo mapapayag lamang ang binata sa gusto. Actually they can get any child endorser of the product but Mrs. del Pierro stick with her at aliw na aliw ito sa kanya kaya napakiusapan si Flynn. Noon masaya na siyang makasama si Flynn sa mga photoshoot nila di lang sa isang baby cologne kahit sa ibang produkto.

Peru ang nakakalungkot when Flynn reach fourth year college he totally quit modelling at nagfocus ito sa pag-aaral at ngayon sa company.

Di niya namalayan na nakahinto na pala siya sa tapat ng mansion nila.

"Erin" seryosong sabi nito.

Kinabahan siyang napalingon rito.

"Please stop already, I am already tired of you following me around" parang pinipiga ang puso niya sa mga sinasabi nito at sa mukha nitong pilit nagpapa unawa.

Gusto na namang tumulo ang luha niya habang nakakatitig sa blue nitong mata.

"I'm sorry..." iyon lang ang binanggit niya at nagmamadaling lumabas ng sasakyan.

Di niya napigilan ang luha.

Napansin agad niya na may bisita kaya pinahid niya ang luha at pumasok sa loob.

Nadatnan niya na nakaupo ang Kuya Rain at Cloud niya habang may apat na babae umiiyak sa harapan ng mga ito naalarma agad siya sa nadatnan.

"Kuya? Sino po sila...? Kinakabahan niyang tanong. Sakto kasi ang bilang nga mga babae sa Kuya niya hindi pa niya matanggap na mag-asawa na ang mga Kuya niya.

"Max, you're home" sabi ng Kuya Rain niya at agad ngumiti peru ang mga mata niya nakapako lang sa apat na babae na nakatingin din sa kanya na may namumulang mata at ilong.

"Kuya...?" she asked again waiting for explaination.

"Max go to your room now!" halatang nagtitimpi sa galit ang Kuya Cloud niya masyado na namang mainit ang ulo nito. Sana "Sun" nalang pinangalan sa kanya.

Peru nagmatigas siya.

"Hi! Ako pala si Erin ako ang bunso sa kanila bakit po kayo umiiyak may problema po ba?" tanong niya sa mga babae na parang inaapi talaga sa hitsura.

"Thunder bed me and then runaway" nagsimula na namang humikbi ang babae at nagsipag sang ayunan din ang tatlo malamang iyon din ang dahilan.

"Grabeh, si Kuya noon pa isa-isa lang pumupunta dito ngayon apat na" di niya mapigilang bulong.

"Ms. Montenegro, Ms. Vera, Ms. Jinto, and Ms. Dolce as of now we don't know Thunder whereabouts di pa siya umuwi ng tatlong araw na just leave your number and we will let Thunder fix this mess" hinilot ni Cloud ang sentido nito at halatang stress na stress na talaga.

"Baby Blue Eyes"Where stories live. Discover now