Special Chapter

7.2K 115 4
                                    

People pass by not just because of being foreign from one another but for a reason.

Parang isang panaginip. Ganoon niya mailarawan ang mga araw na nagdaan pagkatapos nila muling magkasama. Yung kambal halos ayaw pakawalan ang daddy Clyde nila. Tuwing lalabas sila para mamasyal ang kambal ang unang humahatak kay Clyde papunta sa store.

Hindi na siya magtataka kung bakit ganoon na lamang ang kambal kay Clyde. Sabik ang mga ito na makasama. Halos limang taon silang nangulila rito at ngayong magkasama na muli sila ay mahihirapan siya, sila ng kambal na pakawalan at mawala rito.

Clyde has been a good father for the kids. Every breakfast, nagluluto muna ito bago pumasok sa trabaho. He handled the company more than the agency. Si GB ang namamahala sa dalawang agency kapag wala ang asawa niya. Well, hindi naman sa ayaw na niyang i-handle ang agency pero naisip lang niya na kailangang mas bigyan ng pansin ang dalawa nilang tsikiting, ang safety lang naman nila ang iniisip niya and with that lalo lang siya humanga rito.

"Good morning," bati niya rito. Kita niya na nagbago ang porma ng labi nito at ngumiti. Hindi niya rin naapigilan na mapangiti rin.

Her husband is wearing a white sando which hugs its masculine built. Yung mga muscles nito sa braso at s pectoral region talagang detailed and not to mention the abdominal structures... Perfect!

"Did you have a good sleep? It's alredy past 10 in the morning."

Lumapit ito sa kanya at tumabi. Inayos nito ang ilang buhok na nakaharang sa mukha niya.

"Clyde..."

"Still beautiful eventhough there were some strands of hair that covered your face..."

Ngumiti na lang siya at inipit niya sa likod ng teinga ang buhok.

"Am I?" tanong niya rito at saka ito dahan-dahang tumango.

"Still beautiful as ever. My Aphrodite, my wife, my one and only..." dagdag nito at saka siya nito dinampian ng halik.

"Oh, Clyde. Ang galing mo paring mambola..." sagot niya rito at ganoon na lang ng sumingkit lalo ang mata nito at sumilay ang ngiti nitong nakakaloko.

"You are indeed beautiful, Paula. Walang halong biro,'' rinig niyang sabi nito at saka muli siya dinampian ng halik.

"I looked like a big fat blue whale, Clyde. Yung skin ko, it was not fair as before. I have stretched marks in my tummy.''

Ngumiti lang ito at saka nito hinawakan ang pisngi niya at pinaharap siya rito. Nakangiti ito habang nakatitig sa kanya.

''Yes, you may look fat but that is because you are pregnant. I do not care if your skin is not that fair anymore, if you have stretched marks or even if you gain weight. All about you is what I truly desire. So do not make yourself down."

Ngumiti siya at saka kinurot ang tagiliran nito. Aaminin niya, kilig na kilig siya rito and that feeling, it makes her heart pound fast and erratic.

Pagpasok pa lang nila sa agency ay agad na bumati ang mga taong naroroon. Yung mga trainees niya noon, nasa field na at expert na agent. Well, she know that they will do their best to be one of the greatest top agents in the agency.

"Paige!"

Hinanap niya kung saan nanggaling iyon at nakita niya si Drake kasama ang ate niya na buntis rin sa pangalawang anak nila.

Tanda niya noon na halos aso't-pusa ang dalawa. Hindi mo maipagsasama sa isang kwarto pero ngayon kita mo nga naman nagkatuluyan rin at may isang cute na Greece Aileen.

'Drake, Ate..." bati niya sa dalawa at saka niya niyakap ang ate niya. Napatawa na lang silang dalawa dahil halos hindi sila magpang-abot gawa na buntis sila.

"Buti napapasyal ka. Kamusta na ang pinakamakulit kong agent?"

Tumawa siya nang marinig iyon. Naalala niya kasi ang mga panahon na sumusuway siya sa eye niya na si Drake. Tapos yung babalik lang siya ng agency kapag may problema siya at gusto niyang maglabas ng sama ng loob.

"Still the hard-headed agent, Gabrielle."

Sabay sila nagkamustahan at doon niya nalaman na lalake ang dinadala nito. May makakalaro na ang kambal niya at si Greece. Isama mo na rin ang dinadala niya.

Well, she is on her 35th week of pregnancy kaya medyo mabigat at mahirap na sa kanya para gumalaw at gumawa ng mga gawaing bahay.

But still being her hindi siya mapakali. She likes being busy. Ayaw niya yung tipong uupo na lang at mapapaanak na lang.

"So, after you give birth, babalik ka ulit sa GKO?" tanong ni Drake at tumango naman siya.

Napag-usapan na nilang dalawa ni Clyde iyon. Light assignments lang ang kukunin niya para mabantayan niya parin ang mga anak nila. Even though Paigee and Cace is in grade school, gusto pa rin niya na naibibigay niya ang buong motherly love niya rito together with her baby in the womb.

"Napapayag ka ng makulit na buntis na ito, Clyde?" tanong ni Gabrielle rito at kita niya na tumingin muna sa kanya si Clyde at saka nito hinawakan ang kamay niya.

"Yes. Napapayag niya ako and I will do anything to make her happy. If going back to the agency and being an agent makes her happy and I will support her."

Napangiti na lang siya sa sinabi ng asawa niya at saka niya naramdaman ang pagkirot ng tiyan niya. Huminga siya ng malalim para mabawasan ang sakit na nararamdaman pero walang epekto ito.

"Paige.. Are you okay?" rinig niya pero hindi niya iyon masyado pinansin. Kumikirot masyado ang tiyan niya.

"Paula.. What are you feeling?" rinig niyang may nagtanong sa kanya. Hindi niya alam sa tatlo kung sino.

"H-hospit-al..." mahinang sambit niya at ramdam niyang na-alerto ang lahat hanggang sa biglang dumilim na lang ang paningin niya.

NOTE: Thank you! Thank you po sa lahat ng tao na nagbabasa at nagmahal kay Clyde at Paula. Maraming salamat po!

Nakapasok po pala sila Paula at Clyde sa Wattpad shortlist and.... Pwedeng-pwede for award! Sana po suportahan natin!

Iloveyou guys!

By the way the continuation of the special chapter will be available soon.

Please also read my other stories.

Loving Nathaniel Croux

The Heartless Heiress 《 Claudette Paigeė Sanchez story 》

Cradle of hope 《 Caden Cennarch Sanchez story 》

Search on PCastasus

-JungLeeHyoWoo06 (Paulina Castasus)

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Where stories live. Discover now