Chapter 30

8.1K 170 4
                                    

Blessing raw kung ituturing na buntis pero sa posisyon niya, napakahirap 'nun. Kailangan niyang maging ma-ingat as the same time ay mapangahas. Buhay pa si Winston at hindi pa natatapos ang labanan. Natatakot siya sa kung ano ang mangyari sa anak nila ni Clyde. Gusto niya na makita pa nito kung gaano kaganda ang mundo sa kabila ng mga tao na pilit sinisira ang magandang katangian nito.

Gusto niyang umiyak hindi sa lungkot kundi sa saya. Blessing iyon at hindi parusa. Blessing.

Hanggang ngayon hindi pa rin nagsisink in sa sarili niya kung paano sasabihin kay Clyde. Oo. Magiging masaya ito pero ang daming mga balakid sa mundo na ang maging hantungan ay kapahamakan ng buhay na nasa loob ng sinapupunan niya. Pinapangako niya sa sarili niya na hindi niya ito papabayaan. Parte na rin ito ng pamilya niya.

"Huwag kang umiyak. Makakasama sa baby mo 'yan." tukso sa kanya ng doktor. Ito yung doktor na nag ultrasound sa kanya. Pinilit niya na ngumiti rito at saka niya pinahid ang luhang lumabas.

"You know Miss Matiag, I see within you how strong you are. Pilit mong kinakaya ang mga pagsubok at dahil alam ng Diyos na kailangan mo ng mapagkukuhanan ng lakas ng loob, biniyayaan ka niya."simpatya nito.

She slowly caressed her tummy and smile. She needs to be strong. Dalawa na sila.

"Thank you Dra. Kirth."

Iyon na lamang ang sinabi niya sa doktor at saka umalis. Panigurado nag-aalala na si Clyde. Tinext niya ito para malaman kung anong room ang pupuntahan. Nalalimutan niya kasing itanong rito kanina.

To: Clyde-masungit
15:17 p.m

Hi! Kakatapos ko lang. What room is it? I love you.

She press the send button at hindi naman nagtagal ay nagreply na ito sa kanya.

From: Clyde-masungit
15:18 p.m

Room 806. Left side. I miss you already. What did you do? It seems so slow.

Napangiti siya sa reply nito. Halatang kanina pa nga siya hinahanap. Na-mi-miss na siya nito at ganoon rin siya. Mukhang ito pa nga ang pinaglilihian niya. Ayaw niyang mawalay sa tabi nito.

To:Clyde-masungit
15:19 p.m
Mabagal pa po? Haha. I am going there. Wait for me. Okay? I miss you! Damn much.

Napanguso siya at saka agad na pumunta sa tapat ng elevator. Pinimdot niya ang number eight sa panel at saka niya hinitay na makarating roon. Kaso, pagdating sa fifth floor, may pumasok na pasyente na nakahiga sa gurney. Tumabi muna siya para makapasok ito.

Tiningnan niya ang hitsura nito. May bandages na nakapulupot sa may balikat nito. Idagdag mo na ang namamaga nitong mukha na may mga sugat rin. Halatang hinang-hina na ito at kita niya sa cardiogram nito na napakahina ng pintig ng puso nito. Naaawa siya rito. Bata pa kasi ito. Mga nasa mid twenty's pa lamang ito pero ganito na ang sitwasyon. Nag aagaw buhay na kaagad.

"Ahm, pwede magtanong?" baling niya sa nars na nagtulak rito papasok.

"Yes po, mam."

Pinagmasdan niya ulit ang mukha ng pasyente at saka niya tinanong ang nars.

"What happened to her? Bata pa siya pero mukhang..." ayaw na niya ipagpatuloy ang sasabihin niya. Respeto na lamang niya at mukha naman na nakuha ng nars ang gusto niyang sabihin.

"Gun shot po. Duguan na siya nang dinala rito. Nalulungkot nga po ako dahil namatay yung angel niya."

"Angel? Buntis siya?"

"Yes at nakakalungkot nga po dahil konting buwan na lamang ay manganganak na siya kaso napagtuwaan si mam kaya ngayon kailangan namin dalhin sa ICU." kwento ng nars sa kanya. Hindi niya mapigilang hindi maawa rito. Nanlamig pa nga ang katawan niya na parang binuhusan ng isang baldeng yelo. Naisip niya kasi na baka ganoon ang mangyari sa kanya. Natatakot siya.

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora