Chapter 11: The Shot

10.9K 248 4
                                    

Hawak kamay silang lumabas ng elevator. Tinawagan kasi si Clyde ng isa sa mga ine-endorse nitong clothing line. Sa tingin niya ay ngayon ang photoshoot nito dahil noong tinawagan ito ay may kinuha lamang ito na bag na maliit lang at saka nito sinukbit sa katawan. Pagkalabas pa lamang nila ng elevator ay may sumalubong na agad na babae rito.

"Clyde. Kanina ka pa hinihintay."sabi nito. Pinagmasdan niya mung titingnan ba nito ang babae kasi talagang nakatingin ito kay Clyde kaso siya ang tiningnan nito at saka ito ngumiti sa kanya.

"Don't worry. Everything's fine." Sabi nito sa kanya at saka niya naramdaman ang pagpisil nito sa kamay niya. Yes. Siguro nga kailangan niyang paniwalaan ang sinabi nito. Since he gave her the assurance that everything is just all right.

Pumasok sila sa isang kwarto. May mga nakaset up na mga ilaw na roon at camera. May kulay pula pa ngang vintage na coach. Ang itsura nito ay halos katulad noong Renaissance era. Pahaba ito at ang sandalan ay nakamoldeng pababa. May itsura na salamin sa likod nito at puting kurtina.

"Great! Clyde. You are here." bati sa kanila ng photographer. Halos nakangiti ito kay Clyde at sa kanya naman ay isang irap.

Bwisit a! Sarap i-umpog sa pader hanggang sa mawala ang eyeballs nito sa loob. Napatikom siya ng bibig dahil sa pagtitimpi. Yes. Pasalamat ang baklitang iyon na nakakapagtimpi siya. Kundi, nakatihaya na yun dito sa lapag.

"Royce this is Paula. Paula this is Royce."pakilala ni Clyde rito. Tiningnan niya ng masama si Clyde kaya nito ginulo ang buhok niya. Tinampal niya ang kamay nito para patigilin kaso tinawanan lang siya.

"Ganyan lang talaga iyan. Nang iirap lalo na kung hindi pa kilala pero harmless iyan." Siguro nga harmless. Sa ngayon. Tingnan lang natin. Wala siyang nagawa kundi ang tumango rito at saka siya nakipagkamay doon kay Royce.

"Paula. Nice to meet you Royce."

Umalis na si Clyde at nagpunta sa dressing room. Iniwan siya nito sa isang beach chair na malapit lang sa photographer. Nakakwentuhan na nga niya si Royce and she didn't expect na totoo nga ang sinasabi ni Clyde. Asikasong-asikaso kasi siya nito. Royce is so bubbly and witty. Nakakatuwa.

"Royce, ilang taon na ba sa pagmomodel si Clyde?"
"Eight years." Tipid nitong sagot sa kanya. Bale, kasabay pala ng pagiging photographer ni Clyde ang pagmomodel. Nakakatuwa naman.

Hindi naman nagtagal ay lumabas na si Clyde. Damn! Damn! And damn! What the heck is that?! He's only wearing his undergarment and not his shirt on. Jesus!

Kung may salamin lang, sigurado nakakahiya ang itsura niya. Bakit ba naman kasi ganoon ang suot nito? Kung sa picture nakakalaglag panty na paano pa kaya ngayon? Live show! A fucking live photo shoot slash pictorial. Nate-tempt tuloy siyang ibato ang robe rito para matakpan ang itinatago nitong katawan. Dapat siya lang! Selfish na kung selfish pero dapat sa kanya lang.

Bumaling sa kanya si Clyde at saka ngumiti. Napilitan na lang tuloy siyang ngumiti nang pilit mula sa pagkakabusangot. Kahit gusto niyang ipakita na hindi niya gusto ay kailangan. Ayaw naman niya na isipin nito na may mali sa ginagawa ni Clyde e ngayon nga lang sya nakasama rito sa isang photo shoot.

Nagsimula agad ang photoshot nito. Para sa isang brand ng underwear ang photoshot na ito kaya kahit anong gustuhin niya na takpan ang katawan ng binata ay hindi niya magawa dahil kailangan iyon sa trabaho. Exposed yung detailed abs nito tapos yung v-line... Yum! Nakakagutom talaga! Ibaba pa lang iyon a. Tapos yung broad chest and shoulders nito talagang nakakaakit na tipong kahit siya tatalon upang mapapunta at mayapos nang katawan na iyon. Idagdag pa yung tattoo nito sa may left arm. Lalo tuloy maka-laglag panga.

Nasa harap lang sya at nakatingin sa pinaggagawang pose nito. Kahit saang anggulo talagang gwapo ito. He can make women's breath away. Ganoon kalala!

''Okay! break muna.'' sigaw ni Royce at saka naman may nag-abot ng robe kay Clyde. Nakatingin pa rin siya rito. Hindi binabaling ang tingin sa iba...

''Water?'' alok niya na siya namang kinuha at ininom ni Clyde.

''So, how was it?''

''I am impressed. Looking at you is like a dream come true. Alam mo yung sa mga magazines ko lang nakikita pero seeing it live... Just wow!''

Ngumiti lang ito sa kanya at saka nito niyaya na umupo sa tabi niya na siyang ipinaanyayahan naman niya. Tuwing malapit siya rito, hindi niya mapigilang hindi makaramdam ng kung anong ekspresyon. Tipong nasa alipaap at ayaw na niyang bumaba. Gusto niya na nasa tabi at malapit lang siya kay Clyde. 

''I am flattered to know your perspective. You know what Paula, sa iyo lang ako natuwa. I mean sa sinabi mo doon ko naramdaman na worth it ang ginagawa ko.''

Napangiti siya habang nakayuko. Hindi niya ineexpect na sasabihin iyon ng binata sa kanya. Knowing Clyde Sanchez, hindi iyan masyadong vocal at talagang reserve person. But hearing what he just said, it just make her butterflies in he stomach fly. Baka nga nagwawala pa.

''Hey...''

Clyde hold her chin and lift it up. Nagtama tuloy ang tingin nilang dalawa at naiilang siya dahil sa mga titig nito kaya umiwas siya ng tingin. Hindi niya talaga matagalan ang titig nito. Nakakatunaw!

''Look at me please. Paula.'' pagsusumamo sa kanya nito kaya tumingin siya muli.

''Hindi ko na uulitin ang sasabihin ko kaya makinig kang mabuti.''

Tumango na lamang siya bilang tugon.

''Paula Joice Matiag, meeting you was an accident. Aaaminin ko ilang na ilang ako ng makita kita noon. Naiinis ako tuwing ngumingiti ka pero Paula alam mo kahit anong inis na ipakita ko hindi nito pwedeng takpan ang tunay na nararamdaman ko. I like you Paula. No... I think I am falling in love with you.''

Inilapit ni Clyde ang mukha nito sa kanya hanggang sa naramdaman niya ang banayad na pagdampi ng labi nito sa kanya. Nagulat siya sa ginawa nito kaya napalayo siya agad at kita niya na ngumiti si Clyde sa kanya.

''I am falling for you... Paula Joice Matiag.''

Kung panaginip ito, huwag niyo na siya gisingin dahil ayaw niya.

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon