Chapter 13: The Ride

10.5K 226 3
                                    

Maaga siyang gumising para makapagjogging sa labas. Isa kasi sa mga bucket list niya ay magjogging habang pasikat ang araw sa buhanginan at ito na ang araw na iyon. Medyo madilim pa dahil ala cinco pa lamang ng umaga. Medyo mahamog dahil sa dagat pero napakapresko sa pakiramdam.

Isinuot niya ang sweater na dala niya kahapon at ang cellphone holder sa kanyang braso. Isinalpak rin niya sa kanyang tainga ang earphones. Panghuli, isinuot niya ang sneakers. Dahan-dahan siyang umalis ng tinutuluyan nilang bahay ni Clyde at saka siya nag strech up at saka tumakbo pagkatapos.

This past few days, naging masaya siya. Well, obviously masaya siya na kasama si Clyde. Hindi nga niya inaasahan na sa assignment na ibinigay sa kanya ni GB, dito siya lubusang naging masaya. Masaya naman ang iba niyang assignments na siyang tungkol sa mga mayayamang tao na may kinalaman sa smuggling o kaya ay sa iba pang malalang kaso at sakit ng lipunan pero katulad nga ng sinabi niya, mas masaya siya ngayon. Madami na siyang bala na pinaputok, madami na din ang mga tao na siyang dumanak ng dugo dahil sa kanya. It may seems that she looks like a murderer but she is not. She just making those bastards pay with her silly actions. Ganoon naman talaga hindi ba?

Patuloy lang siya sa pagjogging sa labas. Medyo sumisikat na ang araw dahil sa unti-unting pagliwanag ng kalangitan kaya tumigil muna siya sa pagja-jogging at saka umupo sa isang malaking bato na malapit sa tubig. Tumingala siya at nakita niya may papalapit na helicopter sa kinaroronan niya. Nagiging mahangin at maingay. Ramdam niya ang pagdaplis ng tubig alat sa kanyang suot na sapatos dahil sa papalapit na sasakyang panghimpapawid.

"Paula." May naramdaman siyang biglang humawak sa kanyang balikat. Hinawakan niya kaagad iyon at saka pinilipit. Pasensyahan na lamang kung sino ang tao na iyon dahil sa pagpilipit niya ng kamay nito. Kaso, naramdaman niya ang pagpigil nito sa kanyang kamay upang pilipitin ito. Napatingin tuloy siya.

"Clyde!" Si Clyde ang taong humawak sa kanya at pilipiti niya kaso hindi natuloy.

"Nagulat ba kita?"
"Obviously, yes."

Ngumiti lang ito sa kanya at saka siya nito inakbayan.
"You jog early in the morning."
"Yes."
"Bakit hindi mo ako ginising? Sana sinabayan kita."
"Hindi na. Tsaka, I want you to rest. Napagod ka kaya kagabi."
"Not really."
"Oo kaya. Ang hirap kaya ng ginawa mo."
"Hindi naman. Tsaka, tuwang-tuwa ka nga kagabi diba?" nakangisi ito. Hindi niya napigilan na kurotin ang tagiliran nito kaso iniiwas lamang ni Clyde ang katawan habang tumatawa ito.

"Oo na lang. Haha." sagot niya rito. Ineexpect niya na alam na nito na parang nagtatampo ang tono ng pananalita niya at maya-maya na lamang ay susuyuin siya nito. Ito ang gusto niya sa binata e. Sinusuyo siya nito kaso hindi nga lang sa lahat ng oras. Pero at least 'di ba?

"Si Paula talaga. Ngiti na. 'Wag ka na magtampo. Pero masaya naman ang flairing na ginawa ko kagabi. Hindi naman nakakapagod." paliwanag nito. 

Kagabi kasi, nagpunta sila sa isang bar na malapit lang sa kwarto na tinutuluyan nila. Obviously, malakas na tugtugin, iba't-ibang kulay ng ilaw, mausok na paligid pero malamig dahil sa malapit ang kinatitirikan nito sa dagat, at saka mga tao na naghihiyawan at nagsasayawan. Pumasok sila rito at saka may tumawag kay Clyde na isang lalake na kilalang kilala niya, si Bryan Dominic Mancilla.

Inayayaan sila nito na uminom ng cocktail drinks katulad ng margarita, tequila, rum, gin at iba pa. Hindi naman sila nahiya rito na tanggapin kaya nga ininom nila ito at ito namang si Clyde, kinausap ang bartender at siya ang nag-flair. Hinahagis niya paitaas ang mga bote na may lamang alak at pinai-ikot niya ito. Tapos, isinalin niya ang alak sa isang glass. Halos magsisigaw na nga siya dahil sa kaba. Paano ba naman, habang hinahagis nito ay lumalapit sa kanya si Clyde at saka bumubulong. Nakanang! Ang galing. 

 ''Oo. Ang galing mo. Sa galing mo nga nakakabulong ka pa sa akin.'' sarcastic niyang sagot na alam naman niyang totooo. Ang gulo. 

''Basta ba may sasabihin ako sa iyo, sasabihin ko. No matter what situation I am into.''

''Blah-blah-blah'' Tinalikuran niya ito at saka siya naglakad papuntang cottage nila ni Clyde. Kaso, hinawakan siya ni Clyde at hinila siya papunta sa katawan nito. Niyakap siya sa kanyang bisig at saka ito may binulong.

''Will you join me into a wonderful ride, Paula?''

''What ride?''

''A helicopter ride.''

''Helicopter ride. Yung katulad ng kay Anastacia Steel at Christian Grey?'' tanong niya rito. May nabasa kasi siya na libro at may ganoong scene doon. Ang sabi doon sa libro, masaya at romantic daw na nasa itaas ka ng isang lugar dahil abot tanaw mo na ang syudad o ang mismong lugar na siyang dinadaanan.

''I think so... Yes.'' medyo may pag-aalinlangan sa sagot nito base sa tono ng pananalita at pagsagot. 

Inilayo niya ang sarili niya rito at saka niya kinuha ang stick na hindi naman kalayuan sa kinatatayuan niya. Nagsimula siya na magsulat sa buhangin at pagkatapos nito ay itinapon na niya palayo ang stick at saka siya yumakap kay Clyde na siyang niyakap din siya.

''PM loves CS.''

''Yes.''

''Hindi ba baligtad?''

''Ha?''

''Dapat CS loves PM. By the way, what is the meaning of M?''

''Matiag. Sorry if I did not tell you as soon as I remember it.''

''It is okay with me. No worries.'' Hinalikan nito ang ulo niya habang nakapulupot ang braso nito sa kanya.

''Thank you.''

''So, it means, Paula Matiag-Sanchez?''

''Clyde!''

''What?''

''Bakit mo idinagdag ang apelyido mo sa akin?''

''Why? You don't like it?''

''It is... All of a sudden.''

''I... Sorry.'' Umiwas ito ng tingin sa kanya at natuwa naman siya rito. Nahiya pa. Jusko!

''Well, you know Clyde, it sounds good in my ears.''

Umalis na siya sa kinaroroonan niya at saka siya pumunta sa helicopter. Hinawakan niya maigi ang buhok niya para hindi masyado liparin ng hangin. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa narinig niya na kinakausap siya ni Clyde.

''Paula. Soon, I will ask you to accept that surname of mine.'' Tumakbo na ito papunta sa sasakyan at saka siya nito hinintay sa may pintuan. May hawak ito na head set sa kaliwang kamay samantala, ang isang kamay naman nito ay inaabot ang kamay niya. Tinanggap niya ito at saka siya nito ginabayan pataas. Magkatabi sila sa upuan at sinuotan nito ng headset na may microphone para magkarinigan sila.

''I will wait for it, Clyde Ryan Gregory Sanchez.'' ngumiti siya rito at saka biglang umandar ang sasakyan at tanaw na nga niya ang dagat at ang isla ng Boracay. 

''I will count on you, Paula. I will.''


Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon