Chapter 35: Last Chapter

10.7K 189 32
                                    

Pagkagising pa lamang niya mula sa pagkakatulog ay inis na inis na siya. Hindi niya pa kasi nakikita si Clyde ngayon dahil magkahiwalay sila ng kwarto. Ngayon kasi ang araw ng kasal nila at isa sa pinakamasayang araw ng buhay niya kung hindi lang talaga siya natatakot sa maaaring mangyari mamaya.

Kilala niya si Winston. Base na rin noong kinidnap sila noong bata pa lamang ay talagang wala itong awa. Mamamatay ang lahat ng haharang sa kagustuhan nito. Ganoon ito at hindi niya papayagan na maulit ang mangyari noon. She doesn't want history to repeat itself. Ayaw na ayaw niya 'nun.

"Paula, on the edge of the bed," turo sa kanya ni Royce. Pictorial na niya ngayon at pagkatapos nito ay sasakay na siya ng bridal's car papuntang simbahan.

Umupo siya sa may gilid at saka siya ngumiti sa harap ng camera. Ganoon lang ang ginagawa niya. Ngiti roon, ngiti rito. Hanggang sa pumasok ang ate Gabrielle Beverly niya sa kwarto.

"Nandyan na yung sasakyan. Halika na," nakangiti ito sa kanya. Alam niyang tinatago lamang nito ang pag aalala para hindi siya malungkot o masira man ang araw niya.

"Sige." Dinampot niya ang bouquet niya at saka nagtungo palabas. Nakasunod naman sa kanya sila Royce at mauuna pa ito sa kanya makarating sa simbahan dahil ibang sasakyan naman ang gamit nito.

Paglabas pa lamang niya sa kwartong tinuluyan niya ay abot na ng bati ang nakukuha niya. Matatamis na ngiti at masasayang pagyakap. Kung hindi lang talaga siya naka eye liner, iiyak na siya sa tuwa.

"Hija," ngumiti siya rito at saka niya niyakap.

It was Clyde's mom. Ang babaeng dahilan kung bakit nandito sa mundo ang mapapangasawa niya.

"Mommy," halos maiyak na talaga siya lalo nang niyakap siya nito. Ang tagal na rin na hindi niya nasasambit ang salitang, 'mommy'. Simula noong nawala na ito nawala na rin ito sa bokabukaryo niya.

"Congratulations, hija. Masayang-masaya ako para sa iyo."

"Ako rin po. Masaya po ako ngayon mommy."

Hindi na niya mapigilang mapalumuha. Niyakap pa niya ito ng mahigpit at saka niya isinubsob ang mukha niya sa balikat nito. Iyakin pa rin siya.

"Hush..." Pagpapatahan nito sa kanya at saka nito pinunasan ang luha na lumabas mula sa mga mata niya.

"Nandito lang kami ng Daddy Claude mo. Kapag may ginawang kalokohan yang anak ko, isumbong mo kaagad sa amin nang masermonan ko. Aba! Nagulat na lamang ako na pinapauwi kami dahil ikakasal na raw siya e, wala ngang pinakilala."

Napangiti siya sa ekspresyon ng ginang. Paano ba naman, nakabusangot ito at naka cross ang mga braso sa dibdib na wari'y nagtatampo na totoo naman.

"Pabayaan mo mommy, ako bahala sa kanya. I-gaganti kita." kinindatan niya pa ito na siyang naging sanhi kung bakit tumawa na ang ginang.

"Ikaw talaga Paula. Hindi ka pa rin nagbabago. Buti na lamang at ikaw ang pakakasalan niya kung hindi nako, itatakwil ko ang anak kong iyon!" pabirong sabi nito.

Tumawa na lamang siya hanggang sa kailangan na nitong pumunta sa sariling sasakyan dahil naghihintay raw roon si Daddy Claude. Mainipin pa naman raw ito. Kaya kahit ayaw pa niya ay pinayagan na niya ito.

Magkasama sila ng ate niya sa bridal's car. Ito ang maid of honour niya na sana ay sumunod na sa kanya kasi talagang hinding hindi niya maaatim na tumanda itong dalaga. Wala sa linya nila ang napupunta sa sacred blessedness. Wala!

Habang nasa biyahe sila ay tinext niya si Clyde na papunta na sila at konting panahon na lamang ay magiging mag-asawa na sila. Ang ganda sa pandinig. Mag-asawa. Asawa.

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon