Chapter 4: The Syndicates

14.5K 315 17
                                    

Kung siya siguro ang nagdrive malamang ay baka kanina pa sila naroroon sa pupuntahan nila. Hindi naman sa sinasabi niya na mabagal magpatakbo si Clyde ang sinasabi niya lang mas mabilis siya. Aba. Kanina pa nga sila sa expressway na may takbong 100 kph pero hindi pa rin nila natatanaw ang dulo ng daan. Wala pa ngang toll gate. Nakakaloka. Naiimbyerna na siya dahil kanina pa siya nakaupo. Yung pwetan niya talagang ngalay na ngalay na.

"Where are we going?" tanong niya ulit rito. Kanina pa siya nagtatanong at wala ni salitang lumabas sa bibig ni Clyde. Mukhang pipi talaga ito! Nakng! Ano yung kanina? Patikim lamang ng mabilis na sandali?

"Clyde! Magsalita ka naman. Mukha akong tanga rito na kumakausap lamang sa sarili ko!" She is pissed. Idagdag mo pa ang maladagat na tanawin na nakikita niya sa labas ng sasakyan. Puro tubig!

"Umayos ka Paula kundi ihuhulog kita." banta nito sa kanya. As if naman na matatakot siya sa banta nito. Nakakaloka!

"Kung kaya mo ba e." she dare him to do that to her. Aba! Baka hanggang salita lang ang impaktitong ito tapos matatakot lamang siya. Goodness!

Lumiko ito papunta sa kanang linya at saka tumigil. Nanlaki naman ang kanyang mata dahil mukhang hindi nga ito nagbibiro.

"Hey! Chill! Umandar ka na ulit!" utos niya rito pero mukhang hindi ito nakinig dahil narinig niya ang pagbukas ng lock ng sasakyan. Tapos nakita niya na matalim na nakatingin sa kanya si Clyde. Idagdag mo pa na nagbabadya ang kamay nito na tanggalin ang seatbelt na suot nito.

"I am warning you Paula. Don't get into my limit." Nakakatakot ang tono nito at kahit siya ay nanindig ang balahibo siya. Nako huwag naman sana maulit ang mangyari na iyon. Grabe pala kung manakot at magalit iyon.

Buong byahe tahimik na lamang siya na nakaupo at nakatingin sa may bintana. Hindi na siya tumingin sa lalake dahil hindi niya alam kung paano rito makikisama.

Shoot Paula Joice Perez Matiag! Kailan ka pa natakot dahil sa isang banta? Kailan ka pa natakot sa isang lalake kung simula pa lamang na maglabing dalawang taon ka ay nakikipagpatintero ka na sa mga bala? Jusko! Hindi ikaw iyan! Hindi!
Sabi niya sa sarili niya. Sabagay. Totoong labindalawang taong gulang pa lamang siya ay nakikipagpatintero na siya sa mga bala. Hinawakan niya ang kanyang kanang kamay at hinimas ang gitnang parte ng hinlalaki at ng hintuturo niya. May maliit na peklat siya roon at tandang tanda niya kung saan ito nanggaling.

"Agent Paige. Paige. Alert. " Narinig niyang sabi ni Drew sa LD na suot niya. Tiningnan niya ang katabi niyang lalake. Mukhang hindi nito naririnig si Drew.

Kinuha muna niya ang earphones niya at inilagay iyon sa tenga niya. Props niya lang iyon para kunyari may kausap siya sa telepono kahit ang totoo ay wala naman.

"Why?" tanong niya. Nakita niya na napatingin sa kanya si Clyde at saka muli tumingin sa daan.

"There are four cars in the end of the road. They are syndicates and their going to kill Clyde. Do not go at the end of the road. Kung kaya mo patigilin mo si Clyde na pumunta sa convention na pupuntahan niyo ngayon. Do this now. Alert Paige. Alert. Code Blue."

Hindi na siya sumagot sa sinabi ni Drew. Nagisip kaagad siya ng plano para patigilin si Clyde sa pagpunta sa convention. So, sa bandang dulo pala ng daan ay may mga syndicates na nakaharang sa kanila. Mukhang alam nila na pupunta ito sa convention at talagang pinagplanuhan na kaagad ng mga ito. She has to think of something to postponed it. She need to.

"Clyde. Naiihi na ako. Pwedeng bumalik na lang muna tayo?" she acted. Kailangan kumagat ito sa plano niya.

"Hindi pwede Paula. Malapit na tayo sa toll." Pagkasabi na pagkasabi nito ay nakita na niya ang warning sign na TOLL AHEAD. 1 KM.

Shit! Napapamura na talaga siya sa sarili niya.

"Clyde. Please!"

Pamimilit niya rito. Tapos nakita niya ulit ang signage na.

TOLL GATE. 500 meters.

Putcha! Bakit ba ang hirap kumagat ng damuhong ito?! Nababanas na siya! Nakakabeast mode naman e! Kaya niyang makipaglaban para protektahan ito kaso paniguradong makikita siya nito na nakikipagbarilan sa mga kalaban at kapag nangyari iyon. Huli na siya!

Makulit talaga ang impaktito na iyon kaya wala na siyang magagawa. Kinuha niya ang Faint away. Mukhang lipstick ang Faint away. Isa rin ito sa mga gadget na meron siya at ginagamit iyon para mawalan ng malay ang isang tao. Mabilis umepekto ito at konting segundo lamang ay mawawalan na kaagad ng ulirat ang taong paglalagyan. Good thing that she already take the antidote para hindi siya mawalan ng malay kaya pwedeng pwede niyang i-apply sa labi niya ang Faint away. Pagkatapos niya maglagay ay walang patumpik-tumpik na inilapit niya ang mukha niya sa mukha ni Clyde. Inilagay niya ang kamay niya sa pisngi nito at hinimas ng kaunti at dali-daling hinalikan niya kaagad sa labi si Clyde.

His lips where terribly soft and the moment that she laid her lips to his naramdaman niya na hinapit nito ang mukha niya at saka tumugon sa halik na binibigay niya. Nagbibilang siya sa utak niya at hinihintay na mawalan ng malay ang binata.

20..
21..
22..
23..

Naramdaman niya na hindi na ito tumutugon kaya tiningnan niya ang mukha nito at nakita niya na nakapikit na ito. Dali-dali niyang tinigil ang sasakyan. Inilipat niya ito sa may backseat at saka siya nag U-turn. She badly needs to return him home. Safe and sound. He should be alive.

Medyo nakakalayo na siya sa toll ng biglang nakarinig siya ng putok ng baril. Tiningnan niya iyon sa side mirror at kitang-kita niya na may sumusunod na apat na sasakyan sa kanya. Tapos sa bawat sasakyan ay may taong nakalabas ang kalahati ng katawan nito at may hawak na baril.

Shit! This is definitely trouble.

Lalo niya pang diniinan ang gas pedal at pinaharurot ang sasakyan. Kailangan makaalis kaagad sila. Kailangan na kailangan.

Nakarinig muli siya ng putok mula rito at sunod-sunod na ang pagputok na naririnig niya. Habang siya pinipilit niya na hindi matamaan ang sasakyan dahil panigurado kapag natamaan ito baka tumigil sila dahil kanina pa pinupuntirya ng mga sindikato ang gulong nito.

"Agent Drake. Code Red. Nakita nila kami at hinahabol na."

"Just drive fast Paige. Tapos kapag may nakita ka na maliit na building doon mo itigil then do as follows."

Great! Do as follows 'yan ang gusto niya rito e. Dahil makikipagbakbakan na siya rito. Kaya pagdating niya sa sinasabi ni Drake ay lumabas kaagad siya at hinugot niya kaagad ang SIG sa hita niya at ang N14 sa may bandang suso niya. Maliit lang ito pero kayang umasinta nito kahit ang distansya ay umabot sa 500 m. Ganoon katindi.
Pagkakita niya sa mga sasakyan nito ay kaagad siyang pumunta sa gitna at saka mabillis na nagpapuntok. May pagkakataon na tumatakbo siya papunta sa gilid para iwasang matamaan. Hindi na niya mabilang ang putok na ginagawa niya. Madami na ring bala ng baril ang kanyang napapakawalan at kada putok ng kanyang pinakamamahak na mga armas ay siyang pagbagsak ng ilan niyang katunggali.

"It is just you and me." sabi niya sa sarili niya at saka muli nagpaputok. Yung totoo, bakbakan ata ang pinunta niya rito at hindi yung pagsama niya. Tsk.

BILLIONAIRE SERIES HAS FACEBOOK GROUP.
FOR MORE UPDATES, QUERIES YOU CAN POST IT THERE.
THANK YOU!

SINCERELY,
JUNGLEEHYOWOO06

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang