Chapter 2: Her Name

18.9K 361 8
                                    

Kanina pa umalis si Bryan, yung kaibigan ni Clyde dito sa bahay. Since wala namang katulong itong lalakeng ito ay silang dalawa na lamang ang natira sa loob. Nakakunot ang noo nito pero hindi parin nagpapabawas ng kagwapuhan nito. Umakto siyang walang alam at tila inosente kahit sa loob-loob niya ay natatawa na siya dahil nakakunot nga ang noo nito ngunit namumula naman ito. Nanggigigil tuloy siya!

"Pumanik ka na sa itaas. Mamili ka ng kwarto." Utos sa kanya nito. Gustong-gusto niyang pukulan ito ng masamang tingin dahil sa buong buhay niya tatlong tao lang ang nag-uutos sa kanya at hindi kabilang ang malayelong lalake na iyon. Pero syempre kailangan niyang nagmukhang inosente kaya tumango na lamang siya kahit gusto niyang magdabog.

Pagkarating niya sa itaas ay may anim na pinto ang naroroon. Pare-parehas ang kulay ng pinto. Binuksan niya isa-isa ito at doon tumambad ang pagkakaiba. Ang unang kwarto ay may kulay dilaw na pintura tapos may halo itong kulay puti na disenyong ulap. Maganda ito pero baka may mahanap pa siyang iba. Kaya nagbukas pa muli siya hanggang sa dumako siya sa pinakahuling kwarto na kulay puti, pula at itim na pintura. Bagay na bagay sa kanya iyon kaagad ang naisip niya.

Nilagay na niya ang gamit niya at saka humiga sa kama. Tumingin siya sa ilaw na nasa itaas at iginala niya ang kanyang paningin sa buong kwarto. Pagbaling niya ng tingin sa may bandang itaas ng closet ay may nakita siyang napakaliit na camera. Hindi iyon ganoon makikita dahil nakatapat ito sa kulay itim na pintura pero dahil nga matalas nag kanyang paningin ay nakita niya kaagad ito.

"Paige there?" rinig niyang sambit ni Drake mula sa LD.

"Acknowledge Drake."

"Paige, Act natural. Kailangan mong bantayan si Mr Sanchez dahil may balitang gusto siyang ipapatay ng mga sindikato at ng mga katunggali niya sa negosyo."

"Acknowledge"

Pagkasabi niya nito ay pumasok siya sa cr at saka niya hinubad ang kanyang LD, Lace-isang gadget na siyang kayang gumawa ng laser na siyang tatagos sa kahit anong bagay. At ang kanyang SIG P226 pistol gun mula sa bandang itaas ng kanyang hita. Pinasok niya iyon sa bag niya na may sari-saring gadgets mula sa headquarters ng GKO.

Nagpalit siya ng damit mula sa bistidang suot niya ay nagbihis siya ng panjama. Lumabas siya pagkatapos at saka niya itinago ang kanyang bag sa loob ng closet. Pahiga na muli siya ng marinig niya na may kumakatok kaya binuksan niya ito at tumambad ang lalakeng kinaiinisan niya kanina pa.

"Are you comfortable?" tanong nito sa kanya. Gusto niyang irapan ito dahil bakit iyon ang tinanong sa kanya? Pwede naman na bukas na lamang nito itanong sa kanya pagkagising niya kaso bakit ngayon pa. Nambulabog pa ang kumag.

"Yes. Thank you Clyde." Ngumiti siya ng matamis ngunit alam niya sa sarili na peke ito. Nako! Dapat manalo siya ng Best Actress sa GKO Awards Night na siyang ginaganap tuwing December 31st.

"Welcome.... Paula"

Nanlaki ang mata niya ng marinig niya ang sinabi nito. Her name. How could he? Does he? Halos manigas ang kanyang katawan dahil sa sinabi ni Clyde. Yung lintik na lalake na iyon! Palagi na lang talaga siya pinapakaba! Ano bang meron doon at palaging nagpapasabog? Oo! Siya na ang may ari ng security agency sa Asia. Siya na ang kilala pero hindi ba niya alam na may kaabit itong disgrasya? Kaya madaming gustong pumatay rito. Isa kasing malaking hadlang!

"Nakalagay sa kwintas na suot mo. Liit-liitan mo nanan ang mata mo. Luluwa na e!" paliwanag nito sa kanya kaso sinungitan siya sa bandang huli. Umalis kaagad ito at sinarado niya ang pinto. Di lang sarado. Binalibag niya pa iyon.

"Pucha! Paula makikitira ka na nga lang magdadabog ka pa. Umayos ka!" sigaw sa kanya nito mula sa labas. Napasabunot siya sa kanyang buhok at saka niya pinagbuntunan ang unan. Nilagyan niya ng litrato ito na siyang nakuha niya sa website at saka sa sources mula sa kay GB.

"Sorry." halos mamatay na siya ng humingi siya ng paumanhin. Sa buong buhay niya! Palagi na lamang kasi siya ang nagpapatawad but never in her life that she ask for forgiveness. Halos masukasuka siya sa pinagsasabi niya ngayon.

Wala na siyang narinig na sagot mula rito. Malamang ay umalis na ito at saka pumunta sa kwarto nito para magpahinga. Napangisi na lamang siya dahil may naisip siyang isang magandang ideya! Binuksan niya ang closet muli at saka niya kinuha ang gadget na Trix. Ang gadget na ito ay kayang magaccess sa kahit anong security cameras. Kaya nito magrecord at makuha ng madali ang isang pangyayari. Kumbaga, para itong hacking device kaso ang pinagkaiba nito ay maisesend ang mga scenes sa utak ng isang agent. Parang magrarun lang ito na mabilis na photo album at ayun. Sinarado niya ang bag at ang closet saka siya pumunta sa may higaan at tinext niya si Drake.

To: Drew masungit
I need you to hack the security cameras here inside Clyde's house.
With gorgeous smile and smirk,
Paula

Sinend niya kaagad ang text niya rito at naghintay ng reply. 'Kahit kailan talaga iyon o! Napakabagal magtype.' Sabi niya sa sarili niya. Kung tutuusin ay wala pa ngang tatlumpu't segundo ang nakakalipas ng sinend niya iyon. Sadyang napakamainipin siya.

From: Drew masungit
What are you planning to do now Paula?

Napatawa na lamang siya sa reply nito. Malamang ay nagsisigaw na ito. Ganoon kasi ito sa kanya. Kung hindi nagsusumigaw ay malamang ay underdog niya ito. Kaya talaga gusto niyang inisin ito.

To: Drew masungit
Well you know. Find it out Drew. Figure it out! Hahaha.

She hit the send button and then she waited for his reply. Tuwang-tuwa talaga siya na inisin ito. Humiga siya habang nakapataong sa kanyang dibdib ang Trix. Maliit lang naman ito at kahit anong camera hindi ito makikita. Parang alikabok nga lang kaso syempre kaya niya kailangan ang tulog ng butihing eye niya sa headquarters ito ay dahil makikita siyang naglalagay nito sa parte ng security camera. Nagiging maingat lang siya kahit sabihin na natin na sarap na sarap siyang inisin si Drew.

From: Drew masungit
Paula Joice Matiag!

Lalo pa siyang napatawa pero sa loob loob niya ay natatakot siya. Buong pangalan na niya ang sinabit nito ibig sabihin seryoso na ito at konting-konti na lang ang pasensya nito.

To: Drew masungit
Sorry na. Timothy. Pleasiee. *beautiful eyes* I just want to put the Trix in the security cameras here.

She is hoping na sana bumenta ang pagbe-beautiful eyes niya rito dahil diba dahil nga kilala na niya ito simula pagkabata ay alam niyang hindi iyon ganoon madali i-please. Kumbaga mas malala pa ito sa nirereglang babae. Kaso ngayon, hindi niya alam kung sino nga ba ang mas malala sa nirereglang babae, si Clyde ba o itong Drew na ito.

"Hay! Mas malala pa kayo sa akin! Mga lintian kayo!" napasigaw na lamang siya at pabagsak na humiga sa kama.

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon