Chapter 1: The Encounter

22.8K 466 12
                                    

May mga batang naglalaro ng piko at naghahabulan sa labas ng kanyang kinaroroonan. Katapat lang kasi ng restaurant na kinakainan niya ay ang children's park ng subdivision na tinitirahan ni Clyde Sanchez ang lalakeng kailangan niyang bantayan para masigurado ang kaligtasan nito.

Kanina pa siya nakaupo roon at hinihintay na lamang niya na dumaan ang sasakyan nito sa kinaroroonan niya. Base kasi kay Drake, itong kalye lang na ito ang tanging daanan para pumasok ng subdivision. Kanina nga na wala siyang ginagawa ay pinasok na niya ang subdivision. Umakyat siya sa pader nito sa may gilid na siyang malayo sa guard house. Medyo nahirapan pa nga siya dahil napakataas ng bakuran ng lugar pero dahil na rin sa tulong ng kanyang tools ay napadali ang kanyang pag akyat. Tinakbo nga niya ang daan papunta sa bahay nito este sa mala mansyon na bahay nito na punong-puno ng security cameras! Sa unang tingin hindi halata na may camera sa may puno na siyang malapit sa gate nito pero dahil suot niya ang Eyesight, ang bagong gadget na ginawa ng mga experiment department ay nakita niya kaagad ang camera kahit wala pa siya roon sa lugar.

Napakalaki ng bahay nito. Mayroon itong tatlong palapag at sobra pa sa pagkatinted ang bintana nito na siyang ikinagulat at pinagtaka niya. Ito lang kasi ang bahay na nakita niya na tinted. Paniguradong maloloka siya.

Pasadong ala singko na ng hapon at malapit na dumilim. Unti-unti na ding nagsisiuwian ang mga batang naglalaro kanina. Bukod pa roon nabuburo na ang pwetan niya dahil dalawang oras na siyang nakaupo! Feeling niya tinubuan na ng ugat ang katawan niya at nakadikit na sa silyang kinauupuan niya ang ugat na tumubo.

"Paige, parating na ang sasakyan niya. Magbayad ka na." rinig niyang sabi ni Drake sa Listening Device o LD na nakasuot sa teinga niya.

Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at nakita niya na tumingin ang waitress. Sumenyas siya ng bill at saka tumango sa kanya ang waitress. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang waitress dala ang bill niya. Tiningnan niya ito at saka naglagay ng pera sa loob nito. Kinuha niya kaagad ang maleta na nasa gilid ng upuan at saka umalis.

Paglabas niya ng restaurant ay may nakita siyang paparaang sasakyan kaya hinanda niya ang sarili niya upang magpasagasa. Oo, iyon ang plano niya. Magpapasagasa siya sa sasakyan ng binata at magkukunyaring nahimatay sa harapan nito at para mas maganda magkukunyari siyang may amnesia para alagaan siya nito. Tapos magkukunyari pa siya na siya ang nobyo nito. Ang ganda talaga ng plano niya!

Kaya ng makita na malapit na sa kanyang kinatatayuan ang sasakyan ay tumakbo kaagad siya. Narinig niyang binubusinahan siya ng sasakyan at ng malapit na talaga sa kanya ay sinumulan na niyang umakto.

'Okay, Paula... Iyan na.. Huwag lang sana ikaw banggain' sabi niya sa sarili niya. Huminga siya ng malalim at saka siya umaktong nawalan ng malay sa harapan nito. Wala siyang naramdamang tumama sa kanya kaya nabunutan siya ng tinik na baka sagasaan siya.

"Miss! Miss!" rinig niyang tawag nito sa kanya. Ginalingan niya pa ang pagpikit at ang pag kukunyaring walang malay.

"Miss who ever you are, wake up! Hindi kita nasagasaan!" rinig niyang sigaw nito. Napangiti siya sa sarili niya dahil talagang ang galing niyang umakto.

"Dude, ang ganda niya o." rinig niya sa nagsalita. Alam niyang hindi iyon si Clyde dahil talagang pinag aralan niya ang boses nito. Pinakinggan niya ang recorded na salita nito mula sa mga sources at alam niyang hindi ito iyon.

"Stop staring at her, Bryan Mancilla!" suway ni Clyde rito. So, ang pangalan pala ng lalake ay Bryan ah. Sounds like a playboy.

"Ipasok na lang natin si Miss Beautiful. Kawawa siya kapag iniwan natin rito at tsaka mamaya niyan may sumantala sa kalagayan niya."

Yeah! Tama nga iyan Bryan! Convince that man! Ayaw pa yata!

Narinig niyang naiinis na sumang ayon ito at saka niya naramdaman na may bumuhat sa kanya. Malamang ay ipinapasok na siya sa loob at narinig niyang nag aaway pa ang dalawa dahil gusto pa sana ni Bryan na nasa backseat ito kaso hindi sumangayon si Clyde.

Naramdaman biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan at ang pagsimulang uminit. Pinatay na siguro nag aircon ng sasakyan. Hindi nagtagal ay naramdaman niyang binuhat siyang muli. Medyo matagal ang pagbuhat sa kanya kaya ang ineexpect niya ay ang paglalagay sa kanya sa kwarto kaso hindi dahil naramdaman niya mula sa kanyang likuran ang matigas at malamig na sahig. Kungkaya ay dumilat siya ng dahan-dahan at nagkunyaring kakagising lamang niya. Ito na ang simula...

"Sino kayo?" iyon kaagad ang lumabas sa kanyang bibig at saka inikot ang kanyang paningin sa lugar. Maganda ang loob ng bahay at masasabi niyang mamahalin ang mga nakalagay na mga muwebles sa loob. May mga paintings pa ito na nakasabit sa may itaas ng vase at ang ilaw nito na talagang kumikinang na parang bituin. Ang ganda talaga!

"Miss, who are you? Bigla ka na lang nawalan ng malay sa gitna ng daan. Pasalamat ka at hindi ka nasagasaan ng butihin kong kaibigan, Right Clyde?" tanong sa kanya ng lalakeng nagngangalang Bryan. Gwapo rin pala ito! Nakakaloka! Bakit umuulan ng gwapo rito? Sana meron rin sa headquarters!

"Sino kayo? Nasaan ako? Why am I doing here?!" Umakto na siya na nagwawala at walang maalala sa harapan nila. Nakita niya na medyo lumambot ang tingin sa kanya ni Clyde at lumapit sa kanya.

"Miss. Sino ka ba? At saka bakit ka ba tatanga-tanga na nahimatay sa gitna ng kalsada?" tanong nito sa kanya. Kitang-kita niya ang pagkainis nito dahil halata iyon sa mga mata nito.

"Mister! Sino ka? Sino ako? Sino tayo?" tanong niya rito. Talagang ginalingan niya pa ang pag arte. Mamaya kasi niyang baka mahuli ang plano niya. Huminga ito ng malalim at saka tumingin sa kanyang mga mata.

"I am Clyde. Clyde Sanchez. You are?"
"I... I do not know..." Ginawa niyang pabaling-baling ang kanyang ulo at nagsimula na siyang umiyak para talagang umepek ang kanyang pagkukunyari.

"Shit dude! Why did you make her cry?" Saway naman ni Bryan sa kaibigan. Nakita niya na nagpanic ang itsura ni Clyde at doon pa lamang alam niyang nagtagumpay ang plano niya.

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora