Epilogue

9K 147 14
                                    

The Legendary Elemental Princess
=Last Chapter=
(Chapter 60)

*****

Yvonne POV

"Aray!!" Daing ko sa sakit. Aish istorbo nabitin ako sa halik ni Knight in shining armor.

"Bakit ba ang aga mo!?" Singhal na tanong ko kay Yoona na sya pa lang humampas sa labi ko

"Gaga ka ba! O sadyang gaga ka talaga? Hindi ba at sinabi ko sayo na may blind date tayo mamaya!" Galit na wika nya sakin

"Mamaya pa naman eh" Dahil siguro sa sinabi ko ay nakatanggap ako ng masarap na batok sa bestfriend ko.

"Bibili tayo ngayon ng isusuot mamaya,Bilisan mo aantayin ka namin sa baba in 15 minutes" Dirediretsong wika nya at pumunta na sa pintuan

"Teka 15 minutes? Baka nga nagsasabon pa ako---"

"4 seconds na ang nasayang mo" Wika nya at tuluyan nang lumabas. Napakamot ako sa ulo ko at dali daling naligo. Binilisan ko ang paliligo dahil baka sapakin ako ni Yoona pag nalate ako.

10 minutes natapos na din ako sa paliligo at hinigit ko na lang ang kahit na anong dress ang nasaibabaw. Humarap ako sa salamin para mag lip gloss ng maalala ko ang panaginip ko.

Napahawak ako sa labi ko dahil feeling ko ay nararamdaman ko pa din ang malambot nyang labi.

"3 minutes na lang!" Sigaw ni Yoona kaya nilagay ko na lang yung lip gloss sa maliit na bag pati na din ang pabango ko suklay at tsaka Cellphone at dali daling bumaba

"Your 2 seconds late" Wika ni Yoona at tumayo na sa sofa

"Yvonne anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo?" Sinamaan kp ng tingin si Jessica at KK na nagpipigil ng tawa. Inirapan ko sila at nauna na ako sa kotse ni KK.

Nagsimula ng magmaneho si KK at ako naman ay nagsimulang magayos. Nandidito ako sa tabi ni KK na syang nagmamaneho habang yung tatlo ay nasa likod.

"Oo nga pala,Bakit kasama ka?" Tanong ko kay KK na nag mamaneho

"May date ako mamaya so sinabi ko na sasama kami para group date" Paliwanag nya. Napatango naman ako. Ngayon ko lang nabalitaan na may ida-date pala si KK

"Maganda ba?" Tanong ko "Later you will met her" Wika nya at kinandatan ako

Makalipas siguro ang 20 minutes ay nandidito na kami sa parking lot ng mall.

"O my gosh! Excited na me!!" Tili ni Jessica. Buti na lang at kami lang ang tao dito

"Let's go"

Kung ano anong boutique ang pinasukan namin pero wala pa rin kaming mapolo hanggang sa pumasok kami sa isang boutique na may pangalang 'Elemental Tales'

"Hi Sir,Hi mga Ma'am I am Valet Monteo the owner of this shop,What kind of dress are you looking for?" Pakilala nung Valet daw. Napatulala ako. Valet? San ko nga ba iyon narinig?

"Oh that one!"Sigaw ni Jessica at tinuro yung Asul na dress

"Bagay sayo yan Jessica,Wear it" Wika ni Yoona at tinulak si Jessica sa Dressing Room.

The Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon