Chapter 54:The War [6] Died

5.2K 109 0
                                    

Yvonne POV

"Kill them"

Without hesitating una kong sinugod si Machie na nasa gilid. Nanlaki ang mata nya at nanggawa ng maraming clone. Hindi ko inalis ang mata ko sa totoong sya at pinutok ko lang ang mga clone nya. Nang tuluyan na ako ng makalapit ay sinalag nya ang espada ko gamit ang pana nya. Inilapit ko ang bibig ko ko sa tenga nya at ibinulong ang plano ko. Agad syang tumango at pinatalsik ko na sya. Nagpakawala ako ng apoy sa kamay ko na naglikha ng malakas na pagsabog at naging dahilan ng pagkapal ng usok.

Napangisi ako ng tahimik. Naisahan ko sila.

------

Third Person's POV
(Di ako sanay sa Third Person,Sorry kung maguguluhan kayo ^_^)

Habang makapal ang usok ay pilit na inaaninag ni Blood ang nangyayari. Napangisi siya ng makitang isa isang pinapatay ni Yvonne ang mga estudyante na walang kamalay malay kung gaano sya kalakas.

"Good Girl" Bulong ni Blood sa kaniyang sarili

Sinenyasan nya ang iba nyang tauhan na tumulong kay Yvonne. Sumugod sina Yale,Ziane,Agatha samantalang ang iba ay nanatili sa likudang bahagi.

Habang unti unting nawawala ang usok ay mas lalong lumalawak ang ngisi sa mga labi ni Blood. Nakikita nyang kakunti na lang ang natitirang nakatayo. Kasalukuyang nakikipaglaban si Yvonne kay Ice na hanggang ngayon ay ayaw ni Ice saktan si Yvonne.

Ang iba ay nagtutulong tulong para matalo ang mga alagad ni Blood. Marami na ang nakahandusay sa lupa at puno ng dugo ang katawan.

"Yvonne ano bang balak mo?" Mahinang bulong ni Ice Kay Yvonne ngunit hindi ito sumagot. Sa halip ay binigyan lang sya ni Yvonne ng malamig na titig. Muntik na sanang masaksak ni Yvonne si Ice kung hindi ito nakailag. Labag man sa kalooban ni Ice ang labanan ang babaeng nagugustuhan nya ay wala syang magagawa. Puro salag lang ang ginagawa ni Ice pero minsan ay gumagamit sya ng kapangyarihan upang masugatan si Yvonne.

Sa kabilang banda,Sa laban ni Elaine at Jessica ay lubha na silang nanghihina. Muntik ng mamatay sa lason si Elaine dahil sa usok ni Devor at lubha namang napagod si Jessica dahil pinalitaw nya ang agila na dapat ay ilalabas lang nila sa oras na mawalan sila ng pagasa. Hindi nya batid na malakas sumipsip ng enerhiya ang Spirit na pinalabas nya.

"Aahh!!" Daing ni Elaine ng matumba sya at sasaksakin ni Ziane at tumama ito sa tagiliran ni Elaine galit na sumugod si Jessica at sinipa ng malakas si Ziane at tumama sya sa malaking pader ng kastilyo at nalaglag ang malalaking tipak ng bato.

Huli na para makaalis si Ziane dahil nalaglag sakanya ng mabilis ang mga bato dahil pinabilis ito ni Jessica gamit ang natitira nyang lakas. May ngiti sa mga labi na nawalan ng malay si Jessica kasama si Elaine.

Sa laban nila Violeta at Valet kay Vladimir na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Kamukang kamuka ito ni Blood kaya sa tingin nila ay kapatid ito ni Blood. Pumasok sa utak nila na baka kasing lakas din ni Vladimir si Blood dahil posibleng tinulungan din ni Rushanya na mawala ang pagiging bampira ni Vladimir kaya nagkaroon din ito ng malakas na kapangyarihan.

Habang nakikipag laban ay tumalsik sa malayo ang espada ni Violeta. Ngunit di na sya nakatakbo upang kunin ang kaniyang espada ng hawakan ni Vladimir ang kaniyang leeg. Nanlilisik ang mata na sumugod si Valet kay Vladimir ngunit iniangat lang ni Vladimir ang kaniyang kamay at sa isang iglap ay hawak na rin nya sa leeg si Valet.

Nakangising tiningnan nya ang magkaibigan. May bingkas syang salita na hindi naintindihan ng dalawa.

"Este y ve lye covad glamur y victus¿"

"Aaaaahhh!!" Sigaw ng dalawa ng biglang maginit ang kamay ni Vladimir. Tuwang tuwa na ibinalibag ni Vladimir ang dalawa sa lupa.

Nagiwan ng isang marka sa gilid ng leeg nila. Nanlaki ang mata nilang dalawa ng makilala ang Marka na iniwan ni Vladimir.

30 years ago,Isang diwata ang nakita ni Shiranya na may markang ganito. Nagalit sya dahil napagalaman nya na isang Bampira ang may gawa nito. Hinanap nya ang bampira at natagpuan nya ito sa isang kweba walang alinlangan nya itong pinatay nang makabalik sya sa diwatanh iyon ay nagilaw ang marka nito sa leeg at unti unting sinunog ng marka ang katawan ng diwatang iyon.

Kinabahan sila dahil sa oras na mamatay si Vladimir ay mamatay din silang dalawa.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Violeta kay Valet na nasa malalim na pagiisip

Tumunghay si Valet at tinitigan sa mata si Vladimir na nakangisi.

"Ang nararapat" Sagot ni Valet at sa puntong iyon ay alam na ni Violeta ang pinupunto ni Valet.

Ang mamatay para sa kaligtasan ng marami.

Walang alinlangang sumugod ang dalawa kay Vladimir na prentent pinagmamasdan sila. Napatigil ang dalawa.

"Alam nyo bang sa oras na mawala ako ay mawawala din kayo" Nakangising wika ni Vladimir. Nagkatinginan ang dalawa at sabay na tumango

Nanlaki ang mata ni Vladimir ng hindi siya pinansin ng dalawa. Napatigil lang sya sa kanyang pwesto at hindi alam ang gagawin.

Alam ni Vladimir na sa oras na ito ang katapusan nya dahil handang ialay ng dalawa ang kanilang buhay para sa kaligtasan ng marami. Nanlaki ang mata ni Blood ng makitang unti unting bumabaon sa katawan ng kapatid nya ang dalawang espada ng dalawang babae. Tahimik na namaalam si Vladimir sa kapatid nyang walang nagawa.

Tuluyang nawalan ng hininga si Vladimir at nagkatinginan ang dalawang magkaibigan.

Kung nandidito lang sana si Arden' Wika ni Valet sa isip nya

Nagyakapan ang dalawang magkaibigan ng may luha sa mga mata. Naramdaman nila ang pagkasunog ng balat nila sa paa at dahan dahang tumataas

"Ate!!!" Sigaw ni Thunder at nanlaki ang mata. Sa kahuli hulihang pagkakataon ay namaalam si Valet sa kapatid nyang si Thunder. Dahil dito ay nahati ang atensyon ni Thunder kaya nagkaroon ng pagkakataon si Yale na gamitan ng itim ba kuryente si Thunder at halos mapaiyak ito sa sakit. Hindi pa man sya nakakilos ay naramdaman nya ang pagtalsik nya sa malayo at kasabay noon ay nakaramdam sya ng init sa kanyang dibdib at nanlaki ang mata nya nang makita nya ang espada nya na nakatusok sa dibdib nya at sa pagkakataong ito naisip nyang magkakasama na agad sila ng kapatid nya.

*****

Author's Note

So I hope hindi kayo magalit dahil may pinapatay ako.Hahaha.Keep reading

Follow me on Wattpad and read my other works.

The Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon