Chapter 10:Home

11.3K 316 1
                                    

Yvonne POV

'Am I Breathing?'

Ang tanong ko sa sarili ko.Feeling ko humihinga ako pero.Feeling ko hindi.Alam nyo yun yung feeling na hindi mo alam na ginagawa mo ang isang bagay.Kasi yun yung pakiramdam ko ngayon eh.

Bigla na lang akong napaatras ng may hamahagibis na tubig ang biglang lumitaw.Napalingon ako sa pinangalingan nito.Nakita ko si Yoona na gulat na gulat habang hawak hawak ang espada nya

"Yoona?"Tawag ko sakanya at saka lang sya nakabawi sa pagkagulat.

"O my gosh!Sorry Yvonne!God!"Wika nya

"Okay lang tara umahon na tayo"Wika ko at itinago na ulit ni Yoona ang espada nya.Lumangoy na kami pataas dahil di namin namalayanna nasa pinakailalim na pala kami ng tubig.

Pagkaahon namin nakita namin ang mga Diwata nanlalaki ang mga mata habang nakanganga.Nagunot ang noo ko at sinundan ang kanilang tinitingnan

Napanganga na lang ako ng makita kong may malaking hati yung yelo na Falls

"D-Did I do t-that?"Gulat na tanong ni Yoona

Bigla na lang natunaw ang yelo at bumagsak na muli ang tubig mula sa Falls.Tulad kanina nahati nanaman to sa gitna at iniluwa si Valet kasama ang isang babae na halos kaidad lang ni Valet na nasa around 20's,Nakasuot ito ng Pinkish na napakahabang gown,May maliliit din na Dyamante ang nakadikit sa Tabi ng mata nya at kumikinang.Umahon na kaming lima sa tabi nitong Falls

"Mga dalaga pasensya na kayo kung binagsak ko kayo sa tubig,Nagulat lang ako sa pagpasok ni Valet eh"Nakangiting wika nya

"Ahm...Ayos lang po,Tsaka Binata po ako"Wika ni KK sa likodan namin

Napatawa na lang ako at yung babaeng kaharap namin

"Sigurado ka ba?"Nakakalokong tanong nung Babae

"Opo"Nakapout na wika ni KK

Napailing na lang ako sa kakulitan nya.

"Ako ng pala si Alice,Ako ang namamahala sa buong tirahan ng mga diwata o mas kilala bilang Flower Of Life"Wika nya

"Valet,Pwede mo ba sakin ipakilala ang sinasabi mong Elemental Princess?"Tanong ni Alice kay Valet

"Opo,Ito po si Yvonne.Sa mundo ng mga tao ko sya nakita at binatayan.Ang Elemental Princess"Pakilala nya at hinugit nya ako pauna

Narinig kong nagsinghapan ang mga nakarinig samin.Nakita kong ngumiti ng malapad.

"Sabi ko nanga ba at ikaw yun.Unang sulyap ko pa lang sayo nakita ko na agad ang skills mo"Nakangiting wika nya

Di ko man alam kung paano nya nakita ang 'skills' ko kuno'

Ngumiti lang ako sakanya pabalik.

"Alam nyo na bang apat ang kakayanan nyo?"Tanong ni Alice sa kanilang apat

"Konti lang po"Magalang na wika ni Elaine

"Kung gayon kinakailangan nyo munang magaral sa School of Magic o mas kilala bilang Elements Academy"Wika nya habang naglalakad

Tumango lang kaming lima sa winika nya.Kung gayon pala ay may paaralan din dito sa Elemental World.

"Lahat po kami?"Tanong ni Jessica

"Oo,Kayong apat.Ano nga pala ang mga pangalan nyo?"Tanong ni Alice

"Elaine po"

"Yoona"

"Jessica"

"Kurt Kaizer po"

Tumango lang sya na parang iniintindi ang mga pangalan nilang kakaib.Hindi ko sya masisi dahil iyon ang kinagisnang pangalan namin.

Nagpatuloy sya sa paglalakad habang katabi ako nasalikod naman namin yung Lima.

"Kaya mo na bang kontrolin ang kapangyarihan mo?"Tanong nya sakin

"Ang totoo po nyan may mga kaunting bagay akong nagagawa ngunit hindi ko matukoy kung ano ba talaga ang kaya kong gawin"Wika ko sakanya,Nakita kong nangunot ang noo nya bago muli magsalita

"Wala ka pa bang kapangyarihan?"Takang tanong nya sakin at umiling lang ako

"Kung gayon nararapat na isagawa ang paghahati ng lahi bukas ng umaga"Wika nya

Napansin kong kumislap ang suot nyang kakaibang kwintas

"Bakit?"Tanong nya sakin dahil napansin nya sigurong nakatingin ako sa kwintas nya

"Napansin ko lang na kuminang yung suot mong kwintas"Wika ko at napahawak naman sya dito.

"Ganon ba?O sya kailangan ko nang umalis.Valet ikaw na bahala,"Wika nya at may tinawag na isang babae

"Iparating sa lahat na isasagawa bukas ng umaga ang paghahati ng lahi,Sa Bulaklak ng buhay"Wika nya bago maglaho at naging daang paru paru na nagliparan patungo sa magkakaibang direksyon

"Halina kayo at iikot ko kayo dito bago kayoagpahinga"Wika ni Valet kaya sumunod lang kami sakanya

"Pupunta tayo kung saan mismo naninirahan ang mga diwata"Wika nya

"Excited na this"Rinig kong bulong ni Jessica

"Valet,Anong klaseng school ba yung Elements Academy?"Tanong ko

"Ang Elements Academy ang kaisa isang Paaralan dito sa Elemental Worlds.Dito nagaaral ang mga anak ng Hari at Reyna,ng mga Protectors,Anak ng Warriors o anak ng Ordinary.Sila ang mga susunod na magtataguyod sa Elemental Worlds,Pero may naiiba sa Elements Academy,May isang taga Vamparious Kingdom ang nakapasok sa akademyang iyon"Litanya nya

"You mean may kalaban sa loob?"Tanong ni Yoona

"Oo,Hanggang ngayon hindi makita ni Alice o nang namamahala ng paaralan"Malungkot na wika nya habang patuloy pa rin kaming naglalakad.

"Bakit hindi isa isahin ni Alice ang mga estudyante?"Takang tanong ko

"Hindi nagpapakita kaninoan ang mga Diwata"Wika nya

"Bakit kami?"Wika ni Jessica

"Dahil naiiba kayo,Si Yvonne ang Elemental Princess at kayo ang protectors nya kaya maari nyo kaming makita"Wika nya

"Protectors?Kami?Ni Yvonne?"Tanong ni Yoona

"Oo,Hindi ko sana 'to sasabihin sainyo dahil wala ako sa tamang posisyon,Pero alam kong dapat nyo rin 'tong malaman"Tumigil muna sya sa paglalakad at hinarap kami

"Hindi kayo magiging Protectors,O pipiliin ng bawat lahi o Elemento kung...

...

Hindi kayo nanggaling dito"Wika nya na ikinagulat naming lima

"Ibig sabihin..."

"Your right..Because Elemental World is your Home

--------------

The Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon