Chapter 6

11.9K 319 4
                                    

CHAPTER 6

"TEAM Elements!" Sigaw namin. Nagkatinginan pa kami bago humarap sa pinto. Pagbukas pa lang ng pinto narinig ko ang pagtahimik ng paligid. Maaring iniisip nila ngayon na Monsters o Demonyo kami. Pero wala akong pakialam sa iniisip nila

Ang tanging gusto ka lang ay mailigtas si Nanay Lourdes sa kanila , Pati narin ang parents ng mga kaibigan ko.

Tumaas ang kilay ko ng makita kong naka kadena na ang gate namin. Palalabasin tapos nilagyan ng kadena.Bobo.

Nakita kong hinawakan ni Kaizer yung kadena at bigla na lang nya itong hinigit dahilan para masira ang kadena at mapasinghap ang mga taong nakakita.

Paghakbang pa lang namin sa labas ng gate ay napaatras ang nga taong nandidito. Nakaluhod sa gitna ng kalsada ang mga parents nila at si Nanay Lourdes. Nagbabadya na namang tumulo ang luha ko ng makita kong umiiyak si Nanay Lourdes.

Hahakbang na sana ako ng biglang umikot na naman ang ang paningin ko sa paligid.

"1.."Mahinang bigkas ko

"..2.."Bigkas ko ulit

"3..4..5..6..7..8..9..10"Bilang ko sa mga sniper na nakita ko

"10 ang mga sniper sa paligid" Wika ko kaya napatingin sakin ang mga kaibigan ko pati ang mga sundalo na may hawak sa kanila.

"Imposible" Rinig kong bulong ng isa.

"A-Ayaw namin ng g-gulo, kaya nakikiusap kami sa inyo,Ibigay nyo na sila samin" Wika ni Elaine na alam kong nagcra-crack na ang boses

"Umalis muna kayo dito sa Earth!!"Sigaw ng lahat

What the heck! Were not even a Alien or what so ever. Kung pwede lang sabihin na nangyari 'to samin dahil sa isang libro. Who will beleave us?

Bigla na lang humangin ng napakalamig dito sa pwesto namin. Masyadong malakas ang hangin na nagaganap kaya hindi ko mailpaliwanag kung anong nangyayari.

"Jessica.."Napalingon ako kay Jessica ng tawagin sya ni Yoona. She made it.

Kita ko ang galit sa mga mata nya. Nalakuyom na din ang mga kamao nya.

"Nagkasa na sila"Rinig kong bulong ni Elaine. She's talking about the guns.

Nagulat na lang kaming lahat ng biglang lumitaw sa harap namin si Violet Hood.

"Pasensya na at ngayon lang ako" Wika nya.

Bigla na lang may lumabas na liwanag sa palad nya at itinapat sa mga tao sa paligid.

"A-Anong ginagawa mo?" Tanong ko

"Inaalis ko ang mga alaala nila ukol sa pangyayaring ito kaya pumasok na kayo sa loob at isama nyo na ang parents nyo" Wika nya at patuloy lang sa ginagawa nya.

Hindi na kami nagdalawang isip pa at agad na inalalayan patayo nng parents namin. Pumasok kami sa bahay kasama sila.

Mga ilang sandali pa ay bigla na nam ang lumitaw sa harap namin si Violet Hood.

"Ayos na" Wika nya

Sinilip namin ang labas at nakita naming nag aalisan na ang mga tao. Napahinga kami ng maluwag dahil 'don. I sigh in relief.

Pinaupo ni Violet Hood ang parents namin sa sofa at kami nakatayo lang sa gilid.

"Una sa lahat,Ako si Valet at hindi Violet hood" Wika nya at tumingin sakin.

Ipinaliwanag lahat ni Viol---Valet ang nagaganap sa kanilang apat.

"Nais kong hiramin sainyo ang mga anak ninyo at isama sa mundo na kinabibilangan nila." Napasinghap ang apat sa sinabi ni Valet ngunit hindi sila nagsalita.

"Papayag lang kami kung maiipangako mong magiging ligtas sila" Wika ng nanay ni Elaine. Pero bakit feeling ko,Ang dali nilang ibigay ang anak nila. They didn't do any protest.

Sa kanilang apat si Elaine ang pinakamahinhin sa lahat,Minsan lang magsalita ngunit matapang sa kaloob looban nya. Na confine noon sa ospital si Billie bili dahil nakaaway sya ni Elaine.

"Magiging ligtas sila ngunit hindi ko ito maiipangako sa inyo" Wika ni Valet.

'Pero bakit?'

"Hindi namin alam" Wika ni Elaine di na ako nagtaka kung nabasa nya ang isip ko.

"Pero--" Aangal pa sana ang tatay ni Kaizer ng magsalita ulit si Valet.

"Tapos na ang paguusap na ito" Wika nya at humarap samin--Mali..Sa kanila pala.

"Susunduin ko kayo mamayang gabi at inaasahan ko ang mga kakayanan na malalaman nyo si tulong ni Yvonne at nang aklat" Wika nya kaya napatingin ako sakanya.

"Ako?"Wika ko at tinuro pa ang sarili ko

"Oo,Hindi ka pangkaraniwang tao lamang Yvonne.Nabibilang ka sa kanila.Paalam"

"Sanda---" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay naglaho na naman sya. Natahimik lang ang paligid pagkaalis nya. Napailing na lang ako at nilapitan si Nanay Lourdes.

"Nay Lourdes" Tawag ko sakanya. Nginitian lang nya ako at niyakap ng mahigpit.

"Pasensya na po kung hindi nyo naiintindihan ang nangyayari" Paumanhin ko.

"Naiintindihan ko,Von," Wika nya.

"Magluluto ako ng pagkain para sa tanghalian ng lahat" Wika nya at pumunta na sa kusina. Nakita kong kinakausap ng mga kaibigan ko at ang parents nila.

Lumipas ang mga oras at nagulat na lang ako ng pagabi na pala nang hindi namin namamalayan.

Tinakloban namin ang lahat ng bintana,Sa taas at baba ng bahay. Patay ang ilaw at tanging liwanag lang na nangagaling sa libro ang tanglaw namin.

Nasaharapan ko yung apat at ako naman ay hawak ang libro. Nakaupo lang sa sofa ang parents nila at si Nanay Lourdes.

Inilapag ko sa sahig ang libro at iniharap sakanila.Nakabuklat ang libro kung saan may apat na box ang nakaguhit

Unang naglagay ng daliri si Yoona habang nakangiti,Kasunod si Elaine,Si Kaizer at si Jessica.

Bigla na lang umusok ang gilid ng libro at bahagyang umangat ang pahina. Tinanggal nila ang mga daliri nila at dahan dahan kong binuksan ang pahina. Ngunit hindi mga letra kung hindi mga larawan naman ang nakita namin. Apat na Bracelet at isang singsing.

Nakita ko nanaman ang salitang 'Release' sa baba ng mga larawan

Sinulyapan ko sila at nakita kong nagaabang sila sa susunod kong gagawin.

"Release" Bigkas ko sa salitang iyon. Hindi tulad nang kagabi,Ang mga Bracelet ay lumitaw lang sa libro pati narin ang singsing.

Nakita kong inilahad ni Yoona ang kamay nya sakin at ngumiti. Kinuha ko ang berde na Bracelet at sinuot sakanya.

"Ang luwag--Aaahh!!" Napatayo ang magulang ni Yoona at nagulat naman kami.

"Joke lang,Nagulat lang ako" Natatawang wika nya kaya nakahinga kami ng maluwag.

Bigla na lang kasing lumiit ang Bracelet at naging fit sakanya.

"Anong ginagawa mo?" Takang tanong ko

Ang weird nya kasi nakaform yung kamay nya na parang may hawak.

"Para kasing may hawak ako" Wika nya at ginagalaw galaw ang kamay nya.

Bigla nalang kaming napasinghap ng biglang may lumabas na tubig sa Bracelet nya at gumapang patungo sa kamay nya. Inintay namin ang mangyayari ng biglang nagform yung tubig sa kamay nya ng isang...

"Sword.."

_________________________________________________

[Edited]

Vote and Comment are highly appreciated.

Follow me on Wattpad and read my other works.

The Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon