Chapter 44:Introduction

5.9K 141 0
                                    

Yvonne POV

Isang linggo na ang nakakalipas at nakakapagadjust na ang mga mata ko,

Wala sila ngayon dahil nasa bayan sila ng Kyazzi,Dumating kasi ang balita dito na nilusob ito ng mga kalaban,Dahil hindi pa ako 100% na magaling ay iniwan nila ako dito,Pero sa totoo nyan ay kaya ko nanamang tumingin sa liwanag,Pinatanggal ko na nga sa kwarto ko ang makakapal na tela dahil hindi na sumasakit ang mata ko pag nakakakita ako ng liwanag,

Isa pang good news,Pinapansin na ulit ako ni Yoona,Bumalik ang dating samahan naming lima,Nang malaman nila na niligtas ko si Elaine ay hindi sila makapaniwala sa ginawa ko,Hindi sila makapaniwala na sumugod ako don ng mag isa,Sinabi nilang madali kong matatalo ang Vampirious pero sa tingin ko...Hindi

Hindi dahil natatakot sakin ang mga kawal nila,Kung hindi dahil plano nila ito,Sino ba namang tangang hari ang iwan ang kanilang kaharian na tanging kawal lang ang laman,Hindi din nila ako hinabol o pinigilan nang kunin ko sya,Hindi ko din sila naramdaman unless tinatago nila ang mga sarili nila,Napansin ko rin na maraming mata ang nakatingin sakin,Isa pa noong gabing yun may napansin akong kakaiba maaring h---

"Yvonne?"Napalingon ako sa taong nasa pintuan ng kwarto ko

"Alice"

"Pwede ka bang makausap?

"Sige lang"

Tahimik na unupo sya sa tabi ko

"Siguro oras na para magplano ka"Basag nya sa namuong katahimikan

"Saan?"Tanong ko kahit alam ko kung ano ang tinutukoy nya

"Yvonne,Mas lalong mapipinsala ang lugar sa labas kung hindi ka pa kikilos"Wika nya ulit

"Pero hindi ko alam kung paano,Hindi ko din alam ang totoong kapangyarihan nila"

"Kaya nga ako nandito upang tumulong"Wika nya

"Makinig ka"Wika nya at hinawi ang hangin at may lumabas na isang hologram ng babaeng nakalaban namin sa Normal World

"Sya si Rushia,Siya ang Heneral ng mga kawal ng Vamparious,Kaya nyang kumontrol ng kahit na anong elemento kapag nasa loib sya nito"Paliwanag nya

Kasunod na lumabas ay isang hologram ng lalaking puti ang balat

"Si Cell,Heneral din sya ng mga halimaw tulad ng mga Argon,Arzenik,Clyd at iba pang halimaw"Hindi ko alam kung aning mga halimaw iyon at nagpatuloy ako sa pakikinig

"Si Ziane,Magiingat ka sakanya dahil maaring hindi mo mamalayan nakokontrol ka na nya,Kaya nyang bumasa ng isip ng tao"

Pinagmasdan kongabuti ang muka nya,Hanggang bewang ang buhok nya na itim na itim may makapal din syang make up at nakasuot ng mahababg dress na hanggang talampakan nya

"Sya si Yale,Ang taong may kakayanang manggaya ng kapangyarihan ng ibang nilalang at kung walang kahit anong kapangyarihan sa paligid nya ay wala syang kwenta at ito si Cheska,Isa syang fire user at kasintahan nya si Yale.Kaya nyang magiba ng wangis ng isang tao kung sino man ang gusto nyang gayahin"

"Sila ai Agatha at Aaron,Kambal na kapatid ni Blood,Si Agatha ay kayang pumatay ng isang tao sa isang segundo pag nahawakan ka nito at si Aaron naman ay kayang bumuhay ng tao o kahit na anong bagay"

"Sya si Hunter,Hindi ka makakatakas sa kanya dahil sa bilis ng kilos nya,Para lang syang si Thunder dahil sa kuryenteng bumabalot sakanya"

Nanlaki ang mata ko ng mamukahaan ko yung Hunter na sinasabi nya,Sya yung unang nanakit sa puso ni Elaine noon,Hindi ko akalain na nandidito din sya at kaaway

"Ito naman si Josh--"Pinutol ko ang sasabihin nya

"I already met him"nakita ko ang gulat sa mata nya ngunit pinagpatuloy nya ang pagpapakilala sakin sa mga kaaway

"Sya si Devor,Nagagawa nyang maglabas ng iba't ibang klase ng usok kasama na dyan ang nakakalason at nakakahimatay meron ding Temporary death pero after 100 years bago ka makahinga ulit,Kasama sya sa uri ng mg Wizard na tumaliwas at gumamit ng mga bawal na kapangyarihan"

"Ito si Blink--"

"Sandali,Kasali sya?"Di makapaniwalang tanong ko

"Oo,Sya ang naging mata ng taga Vamparious kaya nakapasok sila sa akademya,Kailan ko lang din ito nalaman,Isa syang HalfBlood anak sya ni Harold na ama ni Hunter,Anak ni Harold si Blink sa isang tao sa normal world"

Ibig sabihin ay si Hunter ay pure blooded at ampon lang sya ni Tita Marie without knowing na isang Vampirious ang inampon nya then nagkakilala si Harold at Tita Marie at duon na nabuo si Blink at kinalaunan ay nalaman ni Harold na yung ampon ni Tita Marie ay anak nya sa una nyang asawa at si Blink ay ipinanganak,Ang gulo!

"Your conclusions are right"Wika nya

"Halfblood is the best Allies,Do you know why?"

"No"

"Because Halfblood can see the truth

"At ito si R-Rushanya,Ang kapatid ko"Nagaalanganin sya kung sasabihin nya ba o hindi

"Isa syang diwata na tumaliwas sa pagiging diwata dahil hindi nya kaya ang patakaran dito,Gusto nyang minu-minuto ginagamit ang kapangyarihan nya sa isang walang kwentang bagay,Pinagbawalan namin sya,Nagalit sya at sa hanggang hindi na namin sya nakita,Nalaman na lang namin na asawa sya ni Blood,Isang bampira na noo'y naligaw lamang sa mundo namin,Dahil sakim sya sa kapangyarihan nagtulungan silang dalawa at dahil din kay Rushanya kaya nawala ang pagiging bampira niya"Malungkot na paliwanag nya

Parang wala lang sakanya at nagpatuloy sa pagpapaliwanag

"Si Blood,Ang hari nila,Undefiend ang kapangyarihan nya dahil isa syang bampira na inalis ang tunay na pagkatao"

Natahimik ako matapos nyang ipaliwanag ang kapangyarihan ng bawat isa sa kanila,Pinaliwanag nya pa sakin ang ibang abilidad ng mga alagad ni Blood.Hinayaan ko ang utak ko na bumuo ng kung ano anong bagay na maari naming gawin

"Alice...May plano na ako"

Nakita ko ang paglawak ng ngisi sa kaniyang mga labi.Tumayo sya mula sa pagkakaupo bago sya magsalita

"It's good to hear"

The Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon