Chapter 46:New Allies

5.8K 134 0
                                    

Yvonne POV

"Nalaman nyo na ba kung sino ang may gawa ng harang na iyon?"Tanong ni Elaine

"Hindi" Sagot ni Yoona

"Yvonne hindi ka pa ba gagawa ng plano?"Tanong nya sakin habang nakakunot ang noo

Marahan akong umiling "Hindi na tayo gagawa ng plano dahil ligtas tayo sa lugar na ito.Isa pa hindi tayo susugurin ng kaaway dahil masisira ang lugar na ito at mawawalan sila ng kapangyarihan"Paliwanag ko sakanya

"Good" bulong nya pero hindi iyon nakatakas sakin

"Good?Bakit?"

"Ah G-Good kasi h-hindi tayo lulusubin dito.You know s-safe tayo"Nauutal na wika nya kaya lihim akong napangiti

"Sige mamasyal lang ako" Wika nya at tumalikod na

Bago pa sya makalayo ay tinawag ko sya.

"Elaine"

Pagkaharap na pagkaharap nya ay sinuntok sya ng malakas sa muka dahilan upang mawalan sya ng malay.

Agad na dumating si Cara at ang iba kong kaibigan.

"Gayahin mo na sya Cara" Tumango lang si Cara at maya maya lang ay nagkaroon na ng ikatlong Elaine sa harap namin

"Sa may malaking puno,Sa labas nito.Magiingat ka" Paalala ko sakanya at umalis na sya

Pinagaan ni Jessica si Cheska at nilabit sya ni Kaizer.

"Saan natin sya dadalin?" Tanong nya sakin

Ngumiti ako ng malapad sa kanila

"Sa Death Maze"

-----

"Pakawalan nyo ako dito!!"Sigaw ni Cheska sa loob ng Death Maze samantalang nanunuod lang kami sa kanya dito sa labas. May malaking parang screen ang nakalagay dito at kita namin ang nangyayari sakanya dito.

Tumayo na ako aa kinauupuan ko.

"Boring. Magfo-focus na lang ako sa plano" Wika ko at walang sabi sabong umals na

May gagawin din ako. Hindi naman pwedeng kami lang ang kumilos para dito.

Susubukan kong ipakalat sa lahat ang paghahanda sa paglusob namin sa Vamparious Kingdom.

Habang naglalakad ako ay napadaan ako sa portal kung saan kami dumaan noon.Napabuntong hininga ako

Kamusta na kaya sya?Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanila.Gumagawa ba sya ng paraan para makabalik.Pero sana bago ang paglusob namin aa Vamparious kingdom ay makita ko na sya.Dahil sa totoo lang ay miss na miss ko na sya.

Tumingin ako sa taas para pigilan ang luha na nagbabadyang tumulo.

Alam kong ligtas sila doon kaya hindi dapat ako magalala sa kanila.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit napatigil lang ako ng biglang may sumitsit sa kung saan.

"Pssstt"

Nagpalingon lingon ako sa paligid ngunit wala namang ibang taon.

"Psstt"

"Ano ba!Nasan ba kasi kayo---"

Di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng may nagtakip sa bibig ko at hinila ako sa kung saan.

"Hmmpff!"

Sh*t!Baka kalaban..!

Agad kong inilabas ang espada ko at hinila ang kamay na tumatakip dito bago ko itinutok ang espada na hawak ko

"T-Teka lang" Napatigil lang ako ng makita kong takot na takot sya. Mali ang ginawa ko mali

Binaba ko ang espada ko at tiningnan sya.Bigla na lang may lumabas na dalawang babae sa gilid nya

"G-Gusto ka lang namin tulungan"

"Tama"Sangayon nung isa.

Bigla na lang naglitawan ang iba pa nilang kasama.Ang iba ay nagtago sa mga halaman at yung iba ay gumamit ng Invisibility

Saka ko lang napansin na hindi nga sila kaaway.Mga singedad ko lang din sila at ang iba ay pamilyar na sakin

"G-Galing kayong lahat sa academy?"Tanong ko

Tumango lang yung tatlo,Kung bibilangin siguro mahigit 50 silang nandidito.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang pamilyar na lugar na ito.Ito ang naging tirahan ni Valet noon

"Paano nyo to nakita?"Tanong ko habang pinagmamasdan pa rin ang paligid

"Napunta kami dito noong isang buwan,May humahabol saming mga Kaaway at napasok na lang kami dito bigla" Paliwanag nung babaeng tinutukan ko ng espada

Mabuti na lang pala at may magkakasamang grupo dito at hindi na ako masyadong magiikot para maghanap ng mga kakampi o mga estudyante.

"Ako nga pala si Jinky,Eto si Marie at si Lina"Turo rin nya sa dalawa pa nyang katabi

""Pasensya na sa paghigit ko saiyo kanina,Gusto ka lang naming tulungan dahil may mga kaaway ang pagalagala"Paliwanag ni Jinky

"Yvonne,Pasensya na rin" Paumanhin ko sakanila

"Ang totoo nyan kaya ko naman eh,Pero salamat na din."

"Isa pa hinahanap ko rin kayo para sa isang plano"Wika ko

"Plano?Sa mga kaaway?Jusko ano namang laban natin sa kanila?"Wika ni Lina

"No worries may kasama din tayo"Nakangiting wika ko

Tinanong ko sila kung aangayon at lahat naman ay sumangayon sakin

"Ilan ba kayong lahat dito?"Tanong ko sakanila

"Nung una 93 kaming lahat pero nung napunta kami dito namatay ang iba kaya 78 na lang kami"Malungkot na wika ni Marie

"Ilan ang Elemental Users?"Tanong ko

Naglipatan sila sa kanang bahagi para malaman kung sino ang Elemental Users.

"Gusto ko na walang makakalabas na kahit na anong salita sa lugar na ito kahit na buhay nyo pa ang kapalit.Ito na lang ang huling choice natin at pag nalaman 'to ng iba.Hindi lang plano ang masisira pati na ang buong Elemental World" Saglit akong tumigil para huminga

Ngumisi ako ng malapad "So here is the plan"

-----

After kong sabihin ang plano ay umalis na ako sa lugar na iyon.Sinabi kong magensayo silang lahat para makapaghanda.Hindi pa din nila alam na ako ang Elemental Princess.

Isa na lang ang tanong ko saking sarili?

Saan ako kasunod na maghahanap?

The Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon