Chapter 14:Yoona,Water Element

9.1K 211 1
                                    

Note:Sinadya ko po talaga na hindi dugsungan yung Chapter 13,Promise maiintinidihan nyo rin.

-------------------

Yvonne POV

Pinilit ko na huwag munang tumayo at umiyak na lang nang tahimik sa inuupuan kong napakalaking bato.Sariwa pa rin kasi sakin ang mga nangyari kani-kanina lamang.Hindi ko mapilit ang utak ko na intindihin ang mga pangyayari.

Kahit na mahirap sakin ang mga mangyayari at nangyari pinilit kong gawin pa rin ang nararapat para sakin lamang.

Napahinga ako ng malalim ng maramdaman ko ang pagtalsik ng tubig saking balat.Napalingon na lang ako sa paligid ko at natagpuan kona nasa gitna pala ako ng karagatan.Wala kang matatanaw na kahit ano sa lugar na ito maliban na lang sa tubig na nasa paligid ko ngayon.

Pinahid ko ang luhang nadaloy sa mga mata ko at tumayo,Muntik na din akong matumba dahil sa dulas ng tinatapakan ko ngayon.

Buti na lang at may nasandalan akong tao na hindi ko kilala kung sino.

Lumingon ako sa taong yun at nanlaki ang mata ko nang makita ko sya.

"Yoona?"Bigkas ko sa pangalan nya

Akmang yayakapin nya ako ng umatras ako at inihanda ang sarili,Ito ang isa sa natutunan ko kay Elaine,Maging maingat.

Kumunot ang noo nya bago magsalita.

"Ano ka ba?Ako 'to si Yoona"Wika nya at akmang lalapit ulit sakin ng umatras ulit ako

"Sino ka this time?"Matapang na wika ko

Nakita ko ang nakakapangilabot na ngisi ang lumabas sa bibig nya.

"Natatakot ka ba sakin?"Wika nya

"Dahil mas matapang ako"Wika nya ulit at hamakbang papalapit sakin kaya napaatras ulit ako

"Dahil mahina ka?"Wika nya muli at humakbang,Umatras lang muli ako

"Paano kung wala ako jan sa tabi mo?"Wika nya at humakbang ulit pero bago pa ako makaatras bigla na lang bumulwak ang tubig sa bato na inaapakan namin at pumalibot saming dalawa.

"Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya kong lumaban?Dahil may kahinaan din ako Yvonne,Di ko nga lang pinapakita."Wika nya at inilabas ang espada nya

Minabuti kong tumalon ng napakataas dahil alam kong wala akong kawala sakanya.Idinikit ko ang palad ko sa tubig na nakapalibot samin at pinilit kong gumawa ng espada mula sa tubig ngunit walang nangyari.Hindi katulad kay Elaine na madali lang gumawa ng espada mula sa buhangin.Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Yoona na pasugod din paitaas sakay sa tubig na mula sa nakapalibot samin.Umatras ako habang nasa taas pa ako ngunit mali yata ang ginawa ko dahil nakaramdam lang ako ng matinding sakit dahil sa pagdikit kong iyon.

Nawala ako sa focus kaya naramdaman ko na lang na babagsak na ako.Napalunok lang ako ng makita kong babagsak ako sa bato.Huminga ako ng malalim at itinapat ko ang kanang kamay ko sa batong iyon.

I close my hand,Maya maya lang
Nasira na lang ang malaking bato na iyon at kasabay nunang pagbgsak ko sa tubig.agad akong lumangoy paibabaq upang hanapin sya ngunit hindi sya mahgilap ng mata ko.Sinubukan ko ring gamitin ang kakayanan kong makiramdam ngunit wala pa ring nangyari.

Napapikit na lang ako ng biglang may humila sa akin hanggang sa kailaliman ng dagat.Buong lakas ko syang sinipa nang bitawan nya ako at nakita kong tumilapon sya sa batuhan.

Nakaramdam ulit ako ng kakaiba sa pakiramdam ko,Tulad nang naramdaman ko nang masugatan ko si Elaine.

Naiintindihan ko na.Sa bawat sugat na nagagawa ko sa kalaban ko ay sya ring paglakas ng nararamdaman ko at kapabgyarihan ko.Tama,Sa oras na sugatan ko sila nang sugatan ay nababawasan ang lakas nila kaya yun ang gagawin ko.

Pero paano?Paano ako makakalaban?Hindi ko pwedeng asahan ng asahan ang mga bato sa paligid.

Napatigil ang mata ko sa baba or sa pinaka sahig nitong dagat.

Buhangin?

Pwede akong gumawa ng espada mula sa buhangin.Lumangoy ako hanggang sa maabot ko ito.

Napasinghap ako ng hawakan ko ito.

Tuyo?

Nakalutang ang tubig mula sa sahig ng dagat mga 6 inches siguro ng taas nito.

Muli kong hinawakan ang buhangin at gumawa ng espada.Nakagawa naman ako ngunit natunaw din ng idinikit ko ito sa tubig.

Napapikit na lang ako ng biglang may napakalakas na pwersa ng tubig ang tumama sa katawan ko

"Aaaaahhh!!!"Daing ko matapos kong maramdaman ang napakatigas na bato na tinalsikan ko.Ramdam ko ang sugat na nasa likod ko,Lasa ko dinang dugo na lumabas sa bibig ko.

Nahihirapan din akong huminga dahil sa pagtira nya at pagtama ng likod ko sa mga bato.Napalunok ako ng maramdaman ko sa leeg ko ang talim ng espada nya.

"Any last word?"

Napapikit ako ng mariin.Hindi pwedeng matalo nya ako ng wala pang kahit anong laban sakanya.

Muli akong nagmulat at pasimpleng tiningnan ang inaapakan ko.

Sea Weeds.

Pasimple ko ring iginalaw ang kamay ko at dahan dahan ko itong kinontrol.Pinahaba ko ito at pinalibutan nito ang paa ni Yoona naglagay din ako sa may likod nya just in case.

"Are you really sure that you can beat me?"Nakangising wika ko

"Yes,Because you do not have any weapon"Confident na wika nya

Biglaan kong iginapos ang paa nya pati na rin ang katawan nya.Nakapaskil sa muka nya ang gulat sa nangyari dali dali akong lumangoy papunta sa may buhangin.This time alam ko na ang gagawin ko.

Gumawa ako ng espada sa ilalim bago ko isipin na balutan ito ng tubig.Nagtagumpay naman ako.Kulay silver ang talim.At medyo kulay green ang hawakan nito.Mas gumaan sya sa gawa ko kanina sa laban namin ni Elaine.

Agad akong sumugod sakanya nang walang pagaalinlangan ngunit di ko inasahan ang kanyang ginawa.Bigla na lang syang naglaho at nalanta ang Sea weeds na nakabalot sakanya.

Lumingon lingon pa ako sa paligid para hagilapin sya ngunit hindi ko sya matanaw

"Aahhh!!"Sigaw ko ng bigla na lang syang lumitaw sa harap ko at iwinaksi ang espada nya.Agad ko rin naman itong sinangga ngunit mas malakas parin sya nahihirapan akong pigilan ang pagatras ko dahil mas may alam sya sa kapangyarihan ng tubig.

Dire-Diretso nya akong tinulak hanggang sa maramdaman ko nanaman ang pagguhit ng tilos ngbato sa likod ko

Pinigilan ko ang pag daing ko na malakas dahil maagaw lang nito ang atensyon ko.

Huminga ako ng malalim bago ako magsalita

"Sorry Yoona,Sorry"At kasabay ng pagbigkas ko ng mga salitang iyon ay ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

The Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon