Chapter 12:Death Maze

10.7K 253 2
                                    

Yvonne POV

Kinakabahan ako habang papunta kami sa Flower of Life kung saan ako isinilang 'daw'.Hindi pa rin namin alam kung nasan si Kaizer dahil hindi sya nagpakita kagabi samin.Medyo kinakabahan din ako dahil baka hindi sya sumipot

Pinagsuot ako ni Valet ng simple white dress ang above the knee,Walang kahit anong mahika sa damit na ito.Tinanong ko rin sya kung pwede ay yung bigay na lang nya na dress ang suot ko pero hindi sya pumayag.

"Ayos lang kaya sya?"Tanong ni Yoona

Napabuntong hininga na lang ulit ako dahil wala man lang nakakaalam kung nasan sya.

"Malapit na tayo"Wika ni Valet na nasa unahan namin ngayon

Naririnig ko na mula dito ang ingay at paguusap ng ibang mga Diwata.Literal na napanganga kami sa ganda ng lugar na ito.

Maraming nagkalat na bato sa paligid ng batis.Sa gitna ng batis ay may mataas na bulaklak na rose katabi nito ang apat na bulaklak din na rose na hindi ganon kataasan meron din akong napansin na maliit na bulaklak sa tabi nung pinakamataas na bulaklak.

"Wala pa ba si Kaizer"Malungkot na wika ni Elaine at napakamot na lang sa ulo nya

"No need to worry,Im here"Napalingon kami sa likuran namin at laking tuwa namin ng makita namin sya na kumakaway,Pero agad na napawi ang ngiti ko ng makita ko na may kasama syang babae na may pulang buhok na hanggang likod nya,May suot din itong white na Dress at may belt na red,Halos isang dangkal lang ang palda.

Napairap na lang ako ng tumingin sakin si KK,Alam kong nagtaka sya kung bakit ko sya inirapan pero di man lang nya ako tinanong kung bakit!!!Urghh!!

'Stupid me!!Ano sa tingin mo ang nararamdaman mo Yvonne!?Nagseselos ka ba?!Yvonne bakit ka magseselos eh kaibigan mo lang naman sya?!'

Napabuntong hininga na lang ako at napansin ko na gulat na nakatingin sakin si Valet at si Elaine kaya nagtaka ako

"Bakit?"Tanong ko sakanila kaya napalingon sakin sina Jessica,Yoona,KK,at yung babae na kasama nya

'Nagseselos ka?'

'Selos ka?'

Partida sabay pa silang nagsabi kaya napa facepalm na lang ako sa katotohanang nababasa nga pala nila ang isip ko,Mga minsan magaaral ako kung paano hindi nila mababasa ang isip ko.Nakakahiya.

'Excuse me?Nagseselos ako dahil may iba na syang kaibigan'

Paliwanag ko sa kanila gamit pa rin ang isip ko.Alangan namang sumagot ako sa kanila gamit ang natural voice ko?Mas lalong nakakahiya yun.

"Ahh..Okay"Wika ni Elaine

"Sabi mo eh?"Wika naman ni Valet at nagkatinginan silang dalawa at sabay na tumawa.

"They using telepathy"Wika nung babae na kasama ni KK

Napapigil hininga ako ng malaman nya ang aming ginagawa.Maari kayang nababasa nya rin ang pinaguusapan namin.

'Don't worry,Hindi nya naririnig ang pinaguusapan natin'Wika ni Valet sa isipan ko

Napahinga na lamang ako ng maluwag dahil hindi pala nya kami naririnig

"Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang paghahati kaya nais ko munang kausapin kayong lahat"Wika ni Valet at tumango lang ako

"Kurt dun muna ako sa bato"Paalamn nung babae na kasama ni KK

Kurt?Bakit Kurt ang tawag nya kay KK?

Napakagat labi na lang ako para pigilan ang pagiisip ko ng kung ano ano.Pero hindi ko maiwasang isipin kung bakit Kurt ang tawag nung babae kay KK.Napakatagal na panahon na nung huli kong marinig na may tumawag sakanya na Kurt.Hindi pumapayag si Kaizer na may natawag sakanyang Kurt.Unless hindi ka importante sakanya,Well,Importante din naman kami sakanya kaya KK ang tawag namin sakanya pero,Kurt?Ibang usapan na pag may Kurt na tumawag sa kanya.Girlfriend lang nya ang piababayaan nyang tumawag sakanya ng Kurt,At huli ko yung narinig 4 years ago kay Amea.His girlfriend 4 years ago

"O sige,Pupuntahan kita jan mamaya pag natapos na ito"Nakangiting wika nya dun sa babae

'Valet sino yun?' Tanong ko kay Valet sa aking isipan

'Fuchsia,Siya yung babae na sinasabi kong Equipers din'

Wika nya kaya napabuntong hininga na lang ako ulit.Nakita kong umalis na si Fuchscia.

Pinatayo kami ni Valet tabi ng batis.

"Makinig kayong mabuti,Hindi magiging madali ang pagdadaanan nyo sa bawat sigundong lilipas sa oras ng pahahati,Mahihirapan ang bawat isa sainyo,May masasaktan,May matutuwa at may iiyak,Kaya pagtibayin nyo ang loob nyo,Physically at Emotionally"Wika nya at nagbuntong hininga.

"Shall we start?"

Napatingin kami sa nagsalita at nakita namin si Alice na nakangiti sa aming lahat.Sabay sabay din naming sinuklian ng isang ngiti si Alice.

Nakita naming kinumpas nya ang mga kamay nya kasunod nun ang paglapit sa amin ng mga bulaklak na parang pinasasakay kami

Inalalayan ako ni Valet na makaupo sa gitna ng rose na iyon.

Naramdaman ko na lang ang pagangat namin at mapunta sa taas.Napatingin ako sa gilid ko ng maramdaman kong nagsasara yung bulaklak pero bago pa ako tuluyang matakpan.May narinig akong winika ni Valet sa aking isipan.

'Huwag kang magaalinlangan na pumatay,Magiingat ka Yvonne,Hindi lahat ng naririnig at nakikita mo ay totoo,Minsan may mapagpanggap lang talaga sa paligid mo at pilit na ginugulo ang isipan mo'

-----------------

Valet POV

'Huwag kang magaalinlangan na pumatay,Magiingat ka Yvonne,Hindi lahat ng naririnig at nakikita mo ay totoo,Minsan may mapagpanggap lang talaga sa paligid mo at pilit na ginugulo ang isipan mo'

Wika ko sa isipan ko,Ipinagdarasal ko na sana ay narinig ko ang babala para sakanya.Ayokong matulad sya sa nangyari noon nang may biglang nagpanggap na Elemental Princess at apat na Protectors.Nagaalala rin ako dahil nasa loob pa ang mga nagpanggap na iyon ilang dekada na ang lumipas.

"Valet ngayong nasa ilalim sila ng kapangyarihan ng iyong ina ay napagisipan ko na hin---"Agad kong pinutol ang sasabihin nya dahil alam kong ititigil nya ang pagpaparusa sa kasalanan na nagawa ko noon

"Ituloy nyo na po ang gagawin nyo,Ayokong itigil nyo ang kaparusahan sakin dahil ina ko sya"

Napabuntong hininga na lang sya at naglakad na.

Naglakad na patungo sa lugar kung saan pinaparusahan ang mga diwatang lumabag sa kautusan dito.

Sa....

...

...

...

...

Death Maze
--------------------

The Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon