37 : Clothes

75.9K 1.6K 36
                                    


Break up Plan :
You won't be needing clothes now, Babe - Blue

-----

Makky

Pinark na niya ang kanyang sasakyan sa harap ng Laxamana's ng makarating kami. Hanggang sa nakarating kami. Medyo konti narin ang mga tao kaya naman maraming ng bakanteng upuan.

Ginaya kami ng isang restaurant staff nila sa upuan namin bago niya nilahad yung pagoorderan namin. Ako na ang nagorder para sa aming dalawa. This guy wouldn't order himself if I won't. Ito na siguro ang ugali ng mga Jaguars na halos lahat sila meron. If it talks about food. Girls always do the job of choosing what food will be on the table. Napansin ko rin sa mahabang panahon na hindi mapili sa pagkain ang mga Jaguars. They eat whatever you have chosen and prepared for them. Kahit na kung tutuusin mo, sobrang yaman ng mga Jaguars na 'to para sa ugaling ganon.

Habang sinasabi ko sa waiter yung order namin, hindi na ako nagtataka pa kung bakit nakatingin lamang sa waiter ang mga mata ni Blue. At talagang binabantayan niya yung waiter. Naiilang tuloy yung waiter na alam kong may lahing babae.

Pagkatapos makuha ang order namin, umalis narin yung waiter. Hinarap ko agad si Blue.

" Stop staring like that, Blue. Hindi magandang tignan iyan. Baka matakot pa yung staff sa 'yo sa ginagawa mo eh." I told him

" Tinitignan ka nung gago eh" Ang babaw ng dahilan niya.

" May gagawin ka ba dito sa Pilipinas at nandito ka?" Baka kase busy pala yung tao tapos nandito siya, kasama ako.

" Ano sa tingin mo Makky. May iba pa ba akong dahilan bukod sa 'yo?" Literal na binalik niya sa akin ang tanong. Bigla tuloy gustong umusok ng ilong ko sa sinabi niya.

" Tinatanong kita ng maayos Blue. Sagutin mo naman ako ng maayos" Saad ko sa kanya. Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin dahilan para mapailing ako.

" Ikaw ang tanging dahilan ng pag-uwi ko Makky. Ayokong mabaliw sa ibang bansa sa kaiisip sa babaeng mahal ko kaya umuwi ako para makita at makausap ka ng ganito kalapit" Makahulugan niyang saad sa akin. Halos umatras na ang katawan ko sa narinig ko mula sa kanya.

Iyan kase Makky. You ask so much questions. Sa huli, hindi mo rin naman kayang panindigan.

At salamat na lang at dumating na ang order namin. Napansin kong nakatingin parin sa waiter si Blue.

" Blue" Tawag ko sa kanya, dahilan para mapabaling sa akin ang atensyon niya.

Agad namang nagpasalamat at umalis yung waiter pagkatapos niyang mailagay sa mesa namin 'yung pagkain.

" Huwag mo ngang titigan yung lalaki. Hindi maganda" Saad ko sa kanya ngunit tanggap ko ng hindi niya yun papansinin.

Nagsimula na kaming kumain. At halos nararamdaman ko ang kakaibang tensyon sa mga mata ni Blue. Ibang ibang ang ibig ipahiwatig ng mga mata niya ngayon habang nakatingin sa akin.

Nilayo ko ng bahagya ang aking atensyon sa kanya at nagconcentrate na lamang ako sa pagkain. Hindi ko na inintindi pa ang mga titig niya sa akin.

Ilang minuto lamang ang nakakalipas at natapos na rin kaming kumain. Nagbayad na siya bago kami tuluyang lumabas ng restaurant. Agad naming tinungo kung saan nakapark ang kanyang sasakyan. Agad naman akong nakaramdam ng kakaibang kaba ng tuluyan na kaming makapasok na dalawa sa loob ng sasakyan niya. Hindi ko kase alam kung ano ang balak ng lalaking nasa tabi ko ngayon.

" Uhmm, masmabuti na ata kung iuwi mo na muna ako Blue. Bukas na lang siguro tayo mag-usap" Dahil hindi kita kayang makausap ngayon. Kakaiba kase ang awra niya. Tila ba hindi ko mawari kung ano 'yun.

The Break up Plan (Completed)  [R-18]Where stories live. Discover now