31 : Cards

70.6K 1.7K 145
                                    


Break up Plan :
You cannot be the Ace all the time because a joker still stands.

-----

Makky

Halos pumikit na ang mga mata ko ng tumalima na ng alas sais ang oras. Si Gray kase ang katabi ko ngayon, kanina niya pa ako kinakausap.

'Tong lalaking 'to. Akala mo hindi nakikinig tapos pagkarating ng pagsusulit, perfect niya.

Parang bumilis ata ang oras. 6:30 na ng makita ko 'yung wrist watch ko. Natapos na rin 'yung diskusyon ng matandang.

Lumabas na lahat ng mga kaklase namin. Tumayo na din ako mula sa kinauupuan ko upang lumabas na rin. Napansin ko namang tumayo din si Gray.

" Pupuntahan mo ba mga kaibigan mo?" Tanong niya sa akin.

Agad naman akong tumango sa sinabi niya.

" Nagyaya kase sila Bash. Hindi ako makatanggi." I told him. Tiyak na sesermonan ako ni Bash kung sakali mang hindi ko sila sisiputin.

" Hatid na kita." Saad niya. Umiling agad ako.

" Hindi na kailangan. Baka susunduin daw ako ng isa sa mga Jaguars" I told him. Kilala naman niya ang mga Jaguars. Lalong lalo na si Luis.

" You mean Valdemar?" He asked.

Pero mukhang si Shawn na ang susundo sa akin.

Umiling ako.

" Baka si Shawn na. Busy rin kase si Valdemar eh." I told him.

Nagpapayaman din 'yun para mapaghandaan ang pagbalik ni Gabby.

Lahat na siguro ng mga Jaguars, may planong punuin ang bangko ng mga kayamanan nila.

" Sabihin mo na lang kay Shawn. Ako na ang maghahatid sa 'yo." He said.

Pero ayokong ihatid niya ako.

Get a hold of yourself Makky, bakit ka pa ba naapektuhan sa Alvarez na 'yun.

" Huwag na Gray" I politely said.

" Babe. Sige na. Ihahatid lang naman kita eh. Wala naman akong gagawing masama." He said

Alam ko, Gray.

" Hindi ka pa ba pagod. Halos buong araw din tayong nakaupo. Umuwi ka kaya muna at ng makapagpahinga ka na." I told him ngunit umiling lamang siya.

" Gusto kong makitang maayos ang kalagayan mo bago ang kapakanan ko, Makky." He said.

Batid kong napaghahalataan na ako ni Gray ngunit ayaw lang niyang sabihin sa akin.

Ano ba naman kase 'tong nangyayari sa buhay ko ngayon.

Ilang minuto pa ang nakakalipas ng tumunog 'yung phone ko.

It's Bash.

Si Bash lang naman ang puwedeng tumawag sa akin ngayon.

" Hoy Makky, malapit ng magalas siyete. Saan ka na. Sinundo na ng mga Jaguars si Alvarez mo. Dapat nga sumama ka 'dun eh. Hinintay ka pa man din nila. Ang tagal mo kaseng dumating." Sunod sunod na saad sa akin ni Bash.

Dapat nga sumama ka 'dun eh.

What for?

It's not as if I'm needed.

" Papunta na ako jan. Kasama ko si Gray" I told her

" You are not going to bring that man, Makky. Kung ayaw mong magkagulo. Alalahanin mong teritoryo ng mga Jaguars ang pupuntahan mo. Makky, hindi natin pamamahay 'yun." Tama ang sinabi ni Bash. Teritoryo nga ng mga Jaguars ang gagamitin namin ngayong gabi. Bakit pa kase kailangang dun pa kaming lahat magkita kita.

The Break up Plan (Completed)  [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon