6 : Perfumes

68.8K 1.4K 48
                                    


Break up Plan :
Perfumes aren't expensive for no reason. There's something in it that you need to find out.

-----

Makky

Umuwi akong lasing kagabi at ang sakit sakit ng ulo ko dahil sa pag-inom ko ng maraming alak.

Ba't ko pa lase naisipang umiinom ng madami?

Sakto namang tumunog ang aking alarm clock. It's eight oclock already and it's freakin' Saturday.

Lalabas kami ngayon nina Bash. Baka sa mall lang din ang bagsak namin kung sakali mang hindi sasama si Gabby. May sariling lakad 'yun kasama ang mahal na hari.

Minsan din kase may pagkaarte din 'yung Luis na 'yun. Parang bata kung umasta kapag si Gabby ang kasama pero nakakatakot din minsan 'yun kapag wala naman si Gabby.

'Tong Alvarez na 'yun walang kasweet sweet bones manlang. Hindi ko nga alam kung paano niya niligawan si Venice eh.

Never ko pa iyan nakitang lumandi sa harap ng maraming tao.

Sa kama ako lumalandi

Damn it! Ang kapal din ng mukha niyang sabihin sa akin iyun.

" Makky, darling. May bisita ka sa baba" Tawag sa akin ni mommy.

Ang aga aga naman para puntahan ako nina Bash. Saad ko sa aking sarili.

" Sino daw po mommy" Tanong ko kay mom.

" Si Liam, 'yung pinsan mo" Saad naman pabalik sa akin ni mom.

" Sige po mommy, bababa na po ako." Saad ko naman kay mom.

" Hey Chubby!" Bungad agad sa akin ni Liam pagkababa ko sa hagdan.

" Payatot! Buti naman at naisipan mo akong dalawin" I mockingly said.

" Sinong naghatid sa 'yo kagabi?" Tanong niya agad.

Si Blue ang naghatid sa akin kagabi. Hindi ko na din matandaan kung papaano nangyari 'yun basta ang alam ko, nakasakay ako sa bago niyang sasakyan. I'm in the back seat and that freakin' Venice is at his side.

" Alvarez did" I told him.

Napangiti lamang si Liam sa sinabi ko.

" Ba't ka andito?" I asked him.

" Bawal na bang bisitahin ang mahal kong pinsan na ubod ng kasungitan" May halong pangaasar niyang saad sa akin.

" Himala ata at nagawa mo pa akong bisitahin, Payatot" Saad ko sa kanya.

" Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

" Hindi pa nga eh. Bakit? Papakainin mo ba ako" He asked.

" Oo siyempre, payatot ka eh" We both laughed. Nagtungo na kaming pareho sa kusina.

" Kumusta 'yung pakikipag-usap mo kay Venice kagabi" Sinadya ko talagang tanungin 'yun sa kanya.

" She's a good companion. Ang gaan niyang kausap. She doesn't talk about herself. And I like the way she smiles. Kaya naman pala, nainlove 'yang crush mo sa kanya." Gusto kong itapon 'yung plato dahil sa narinig ko.

The Break up Plan (Completed)  [R-18]Where stories live. Discover now