34 : Key

71.7K 1.6K 87
                                    


Break up Plan :
Who's going to be the key to one's heart? The key to her heart.

-----

Makky

Halos isang oras din ang lumipas ng pagkasunduan na ng mga Jaguars na umuwi. Alam din naman kase nilang pagod galing sa biyahe si Blue na hindi naman halata.

Nagawa nga niyang makipagsuntukan kanina.

" Bash uwi na rin siguro tayo" Saad ko kay Bash na medyo ramdam kong lasing na 'rin. Si Gelo ang hindi muna uminom dahil siya ang magmamaneho mamaya.

Blue didn't even dared to drink. Hindi siya uminom. Nakipaglaro laro lang siya ngunit hindi siya nakipag-inuman. Unlike Code who's so damn drunk because he literally drunk almost a lot of it.

Wala talagang sinasanto ang Castaneda na 'yun.

Ni kamatayan hindi niyan kinakatakutan.

Sa ngayon.

You never know what's ahead of you.

Agad na nabaling ang tingin sa akin ni Blue.

" You want to go home now, Babe." Tanong niya sa akin. Damn it!

Sina Bash sana ang maghahatid sa akin. Ngunit talagang ayaw rin akong tantanan ng Alvarez na 'to. Kung alam ko lang, sana dinala ko na lang ang kotse ko.

" Kung ako sa 'yo, hayaan mo na siyang ihatid ka Makky. Wala namang mawawala kung hahayaan mo na lang siyang ihatid ka. Hindi siya uminom para lang maihatid ka Makky" Saad sa akin ni Gelo.

Gabi na at pagod na rin ako. Wala rin silbi kung aayaw pa ako.

Sa huli, siya rin lang ang maghahatid sa akin.

" Magpapaalam lang ako sa mga kaibigan ko." Saad ko kay Blue na hinihintay ako.

I saw him smile.

Napatingin naman ako kina Bash na medyo lasing na nga sa lagay niya

" Huwag ka ng magpaalam Makky. We know you're in good hands" The heck Bash.

" Agree. Si Papa Blue na iyan, Makky. More than safe ka na diyan" Rinig saad ng lasing ding si Dave.

Kung 'di lang talaga lasing 'tong mga kaibigan ko.

" Mauna na ako Gelo. Ikaw na muna bahala kina Bash" Pakuway saad ko naman kay Gelo.

" Sige, mag-ingat kayo. Si Dave lang naman talaga iuuwi ko. Baka si Shawn rin lang ang maghahatid kay Bash" Saad ni Gelo.

" Si Shawn na naman. Ang pangit pangit ng pangalun nun. Shawn the sheep" Mungkahi ng lasing na si Bash na narinig ni Shawn.

" Hoy Bashang! Tinatawag mo ba ako" Tawag sa kanya ng lasing na si Shawn.

Mukha yatang may sakit ng loob 'tong si Bash kay Shawn.

" Ikaw na lang ang maghatid kay Bash, Gelo. Hindi makakapagmaneho ng maayos si Shawn. Alak na din ata ang naging dugo niya eh" Saad ko kah Gelo.

Tumango naman siya.

" Alis na siguro ako. Kailangan ko na ding magpahinga at may pasok pa ako bukas" I honestly told her.

Napatingin akong muli kay Blue na hinihintay ako.

" Tara na Blue" I told him.

Nagpaalam na muna siya sa mga Jaguars. Nagtataka naman ako at mag-isa lang niyang dumating. Ginamit niya ang kotse niya.

The Break up Plan (Completed)  [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon