The BOOK

1.1K 77 13
                                    

Hi guys!

Kaye is the bida in the story.. hahaha anu daw? Ang arte lang..

Anyways, ganito pa din ang set-up guys. May mababasa pa din kayong author's note ko or sabihin na lang nating ka-etchosan ko para masaya hahaha.

Kagaya ng sabi ko si KAYE CAL pa din po ang bida sa story natin and this time makikilala nyo sya hindi bilang isang singer dahil hindi po ito FANFICTION. Character lang po sya pero ibang iba ang Kaye Cal dito sa story sa totoong Kaye Cal na idol nating lahat.

Kaya guys! Please lang. Kung may mga bagay kayong hindi nagustuhan sa character ni Kaye dito hindi ibig sabihin nun ay ganun na talaga si Kaye Cal sa totoong buhay. BAWAL ANG IMMATURE DITO nakakamatay.

KAYE CAL is suuuppeeerrr mabait, gwapo, talented, mabango (haha totoo po mabango talaga sya) at lahat na nasa kanya kaya madaming nagmamahal sa kanya at ISA na po si Simply_Author dun kaya ang Wattpad account ko na 'to ay ginawa para lang lumikha ng mga kwento na ang tanging bida ay si Kaye Cal lamang. Kaya kung ayaw nyo sa character na ginagamit ko AYAW ko na din sa inyo! Hahahaha Bawal ang basher ni KIKAL dito.

Okay back na sa story dahil maliwanag na sa inyo lahat.

ENJOY!!!!!!!
















*****

KAYE'S P.O.V.

"Hoy Kaye! Ano laro tayo mamaya?" Tanong ni Jake, kaibigan ko.

"Past muna ko kailangan kong umuwi ng maaga para magreview kailangan ko din kasing bumawi sa grades ko ngayon alam mo namang napagalitan na naman ako ni Mommy." Sagot ko habang naglalakad kaming dalawa.

"Balita ko nga, na kwento sa akin ng kapatid mo. Sayang naman akala ko pa naman makakabawi na tayo sa grupo nila Simon hindi pa pala. Oh sya sige umuwi ka na ingat ka." Sabi nya sabay tapik sa balikat ko.

"Ingat ka din next time na lang tayo maglaro kapag naka-UNO na ko sa grade ko." Pabirong sabi ko.

"Tol naman parang sinabi mo namang kahit kailan hindi na tayo maglalaro." Natawa ako sa sinabi nya.

"Eto naman syempre joke lang! Sige na una na ko ingat ulit!" Sabi ko.

Hindi na nagsalita si Jake naglakad na lang din sya palayo sa akin dahil nakita nya na din yung iba pang mga kaibigan namin.

Nakakainis na nakakaingit lang dahil hindi na naman ako makakasama sa mga lakad nila dahil mainit na naman dugo ni Mommy sa akin dahil nga sa mga alanganin na grades ko. Kailangan kong bumawi ngayon.

Naglalakad lang ako papunta sa LRT station dahil pati kotse ko kinuha ni Mommy para hindi daw ako makapunta kung saan-saan, kasama 'to sa mga parusa nya sa akin.

Habang naglalakad ako hindi ko sinasadyang masipa yung lata na nakatayo sa tapat ng isang pulubi.

"Shit!" Nagmamadali akong kinuha yun at dinampot isa-isa yung mga barya na nagkalat.

"Sorry po hindi ko sinasadya." Sabi ko sa matandang babae na punong-puno ng dumi sa katawan nya.

Inilapag ko ulit sa harap nya yung lata at ipinasok yung mga barya kasama ng benteng hinugot ko sa bulsa ko.

"Salamat apo." Nakangiting sabi nya.

Ngumiti na lang din ako at lumakad na ulit papunta sa LRT station




















*****

"Kamusta school?" Tanong ni Daddy habang kumakain kami.

Fall In TimeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu