Chapter 9: Fear

935 32 10
                                    

FEAR


Hindi ko tuloy alam kung pano ko icocollect ang sarili ko at kung pano ko ieexplain kay ate Nath na ayoko na talagang ichat si Tristan.

Mukha naman kasing hindi narin pwede ngayon.

Naiinis nga ako sa sarili ko dahil talagang napaka-naive ko pala. Masyado akong inosente at baguhan sa ganito kaya ganito tuloy ang nararamdaman ko ngayon.

Parang babaliktad ang sikmura ko sa sobrang disgust ko sa sarili ko. Hindi ko matanggap na kinilig at nangulit ako sa taong may girlfriend na pala. Sa taong may girlfriend pa pala.

Pakiramdam ko sobrang ilegal ng nagawa ko kaya halos literal na masuka ako dahil sa anxiety.

Kilala ko yung babaeng nasa story niya dahil nakwento narin sakin ni ate Nath yung tungkol sa previous relationship niya. Pinakitaan niya rin ako ng picture ng ex niya kaya walang dudang ex niya nga yung nasa story. Na mukhang ngayon ay hindi na.

Tsk. Akala ko naman ako yung magcocome back, sila pala.

Lupit nga naman ng tadhana ano? Kung kelan akala ko swerte na ko sa crush ko, biglang magsstory naman siya ng ex niya. Hays!

Dapat nga siguro magfocus nalang ako sa sarili ko. Sa studies tsaka sa mental health ko. Hindi pa siguro para sakin ang love life.

Uminom muna ako ng tubig bago ako bumalik sa paghiga. Niclear ko na yung search history ko dahil ayoko ng makita ulit ang pangalan niya. Sumasama lang kasi ang sikmura ko tuwing naiisip ko yung nangyari.

Pero totoo kayang sila na ulit? E bakit binebenta parin siya ng ate niya?

Oh diba sobrang likot ng utak ko? Sabi ko ayoko na siyang isipin pero nagtatanong parin ako. Hays! Talaga naman, Romalyn. Hirap mo ma-gets.

Pero nakakaintriga kasi e. Yung picture pa naman parang nagkita talaga silang dalawa.

Hindi naman sila magkasama sa frame pero mukhang magkasama sila nung araw na yon. Mukhang si Tristan yung nagpicture sa ex niya na may hawak na potato curls both hands habang nasa harap siya ng food stall sa isang street.

Nakangiti siya at ang ganda niya. Mukha siyang american na may halo ding Thai. She looks like a model at classy din siyang manamit.

Kung hindi ko lang alam kung bakit sila nagbreak, baka tanggapin ko na na bagay talaga sila ni Tristan. But no, he deserves better.

Tumunog ang cellphone ko sa chat ni ate Nath kaya natigil ako sa pag-aanalyze.


Nathalie Mae:

Anuna siz

Baka di mo parin nachachat yon ha

Hihilahin ko na buhok mo :)))


Natawa ako pero at the same time, nagtaka at naguluhan din dahil ganun parin ang mood niya. Sa mga kwento niya kasi, hate na hate niya talaga yung ex na yon ni Tristan kaya hula ko ay hindi niya pa nasasagap yung balita.

Impossible kasing maging light parin ang mood niya kapag nalaman niya na yon. Siguro hindi niya pa nakikita yung story ni Tristan kaya ganado pa siyang mang-bugaw.


Me:

Issa prank

Mukhang di ko na need mag-suggest ng movie :))

My Pandemic Love TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon