Chapter 2: Notif

1.4K 69 40
                                    

NOTIF


Nakabusangot ang mukha ko habang naghuhugas ng pinggan sa kusina. Nakacharge kasi ang cellphone ko at dahil wala akong ginagawa, nautusan tuloy ako ni Mommy.

Lalo pa kong tinotoyo dahil hanggang ngayon ay hindi parin lumalabas ang result ng entrance exam sa university na pinag-applyan ko. Incoming college na kasi ako ngayong taon at napepressure ako dahil malapit ng magsimula ang semester pero hindi ko parin alam kung nakapasa ba ako.

Actually, isa na ko sa mga umulit ng exam dahil bagsak ako nung unang take. Nareconsider naman ako dahil kahit papaano, maayos naman ang grades ko nung senior high.

Yun nga lang, paghihintayin ka talaga dahil hindi ka na priority. Kumbaga, yung mga may sobrang slot nalang na course ang pwede mong kunin kahit ayaw mo. Wala kang pagpipilian.

Ewan ko ba naman kasi sa parents ko kung bakit don pa nila ako gustong mag aral. Alam kong libre don pero hindi ko talaga masyadong gusto ang kalakaran. Marami kasi akong naririnig na bad feedback mula sa mga kaibigan ko dati na doon nag aral ng senior high.

Ngayon palang tinatamad na kong pumasok.

Hay. Buhay.

Isa din pala sa mga araw araw kong pinoproblema ang future ko. Pakiramdam ko kasi hindi ako magiging successful at wala din akong mararating sa buhay.

Sinalansan ko na ang mga nahugasan ko at lumabas muna para tumambay sa may terrace. Hindi pa kasi full charged ang cellphone ko at ayoko namang humiga sa kwarto dahil paniguradong mag iisip na naman ako.

Napahawak ako sa tagiliran kong sumasakit na naman. Ilang araw naring tong sumasakit pero hindi ko pa nasasabi sa parents ko. Bukod sa ayoko mag explain, wala rin naman kaming pera pampacheck up.

So ayun, grabeng stress na to.

"Mahal ka non."

Napatigil ako sa pagtulala nang dumaan ang kapitbahay naming nakangisi sakin at feeling close na naman. Hindi ko siya pinansin at pumasok nalang sa loob dahil sira na ang araw ko.

May paupahan kasing tindahan sa may tapat ng bahay namin at may dalawang lalaki don na papansin sakin. Ni hindi ko naman sila tinitingnan ng lampas 2 seconds.

Palaging ganon. Ang daming gumaganyan sakin dahil tahimik ako at hindi nakikihalubilo. Close sila sa pamilya ko at ako nalang ata ang hindi pa nila nakakausap kahit isang beses. Wala din akong balak.

Alam kong hindi ako kagandahan pero likas na sakin ang maging suplada. Ewan ko, defense mechanism ko siguro para di ako lapitan ng tao. Ayoko kasi ng naeexpose since madami akong weakness.

Una na don yung acne ko na since grade six pa namamayagpag pero hanggang ngayon hindi ko parin nagagamot. Hindi na sya masyadong malala ngayon pero hindi parin magandang tingnan. Maputi ako at maganda naman daw pero dahil may pimples, bagsak parin sa criteria.

To be honest nga, sobrang lalang pambubully ang naranasan ko dahil sa pimples ko. Yung ginagawa akong target lagi ng katatawanan nila.

Grabe. Buti talaga nakaya ko yon.

At dahil balik na naman ako sa kwarto, kahit hindi pa puno ang cellphone ko, binunot ko na. Buti nalang at last year pa kami may sariling wifi. Ang mahal kasi pag load tapos sa FB ka nalang nabubuhay.

My Pandemic Love TaleWhere stories live. Discover now