Chapter 3: Reply

1.3K 59 28
                                    

REPLY


Sobrang hiyang hiya ako. Sana talaga hindi nalang ako naging tao.

Matapos kong maibato ang cellphone ko ay di ko na namalayang nakatulog na pala ako sa kahihiyan. Nagising nalang ako nang pumasok si mommy sa kwarto at sinigawan akong hapon na daw at gumising na ko.

Hindi ko chineck ang cellphone ko kahit kating kati na kong malaman kung nagreply kaya sya ulit at kung ano naman kaya ang nireply niya.

Nagsaing na ko ng panghapunan at naghugas na ulit ng pinggan. Hindi pa ko kumakain pero apaw na agad ang plato sa lababo. Sino ba naman ang hindi tatamarin maghugas kung ganyan diba? Tapos ako pa ang sasabihang tamad. Sila naman yung kumain at nag iwan nalang basta.

Akala mo mga nasa restaurant e. Apat lang namin kami sa bahay pero ewan ko ba. Minsan sarap narin talaga maglayas.

Pagkatapos ko sa kusina ay naligo na ako. Mas gusto ko talagang naliligo ng pagabi kesa sa umaga. Di ko rin alam kung bakit pero hindi naman siguro weird yon.

Nag oversized t-shirt na black lang ako at red na shorts. Nagsuklay lang din ako at humiga na ulit sa kama.

Heto na naman ako at thrilled na thrilled na namang icheck ang cellphone ko.

Dumapa ako at binuhay na ang cellphone. Lampas alas singko narin pala. Nagdadalawang isip pa ko kung magfefacebook na ba ko o sa IG muna.

Excited ako na parang nahihiya din. First time ko lang kasi talagang mag first move sa buong buhay ko. Lagi lang kasi akong dalagang filipina kung kumilos at pabebe kung magsalita.

Hays!

Sige na nga, buksan ko na. Ganun din naman.

Bakit ba ko nagkakaganto e di niya naman ako nakikita? Ni hindi ko nga picture yung DP ko kaya bakit ako mahihiya? Hindi niya naman ako kilala sa personal. Hindi niya naman alam saan bahay ko. Hindi niya naman ako mahahanap.

Kaya sige na self, buksan mo na yan. Okay lang naman mareject. Kasama yan sa paglaki.

Nang finally ay in-on ko na ang wifi, wala naman agad lumabas na notif from my messenger kaya naghintay muna ako saglit.

Hindi ko din alam kung ano bang gusto ko. At hindi ko rin talaga alam kung bakit ba bini-big deal ko masyado to. Gaya nga ng sabi ko, hindi niya naman ako kilala.

Nang medyo matagal na kong naghihintay at wala paring lumalabas, hindi ko alam kung bakit parang disappointed ako. Nag IG nalang muna ako kahit yun parin ang nasa isip ko.

Siguro ganito lang ako kasi first time ko nalang ulit makakita ng gwapo mula ng magpandemic. Ngayon nalang ulit may crush e.

Hanggang sa hindi ko narin natiis at chineck ko na kung may reply na ba siya. Umaasa akong meron kahit na reaction lang sana ulit. Kasi diba nga sabi ko, hangga't may response, go. Pag wala, try mo ulit. Hanggang sa wala na talaga.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabuksan ko na ang messenger. Mukhang napalakas ata ang pagmamanifest ko at mukhang narinig ng langit ang panalangin ko.


Me:

Hello! Hindi ko alam kung nag-bday ka na ba or hindi pa kaya advance and belated happy birthday nalang po sayo. Sana masaya ka dyan sa Zurich :))

My Pandemic Love TaleWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu