Chapter 6: Later

1.1K 42 18
                                    

LATER


Wait!

What?

Seryoso ba siya?

Nasa wow mali ba ko?

Sa sobrang gulat at kilig ko, hindi ko na siya nagawang replyan. Hindi ko rin kasi alam kung paano ako magrereact sa nabasa ko. Hindi talaga ako makapaniwala. Basta natulala nalang ako at wala ng nasabi pa.

I mean, busy siya e. Ano kayang trip non ni Tristan? Seryoso kaya siya don? Kasi kung hindi sasama talaga loob ko.

Ilang oras na ang nakalipas pero hindi parin siya mawala wala sa isipan ko. Hindi ko na nga rin maintindihan kung anong nararamdaman ko. Parang may bumabaliktad at umiikot na kuryente lang naman sa loob ng tiyan ko. Hindi naman masakit pero first time ko lang tong maramdaman kaya nakakapanibago.

Ito na ba yung tinatawag nilang butterflies in the stomach? Dalaga na ba ko? Or baka lumalala lang yung acid ko?

Bukod sa wala akong maireply, nahihiya parin ako sa nangyari kanina kaya naisip kong mamaya nalang gabi magreply para sure na hindi ko siya maaabala. Sabi niya naman during day time siya busy kaya pagkalubog na pagkalubog ng araw mamaya, ichachat ko na siya.

Sabi niya din naman magchat kami ulit later. May SS ako kaya hindi na siya pwedeng mag maang maangan mamayang gabi. Panagutan niya yung confusion na dinulot niya sa peace of mind ko.

Pero bakit kaya no? I mean, hindi ko talaga yun ineexpect from him. Busy siya e tapos di rin kami magkakilala. Iilang beses palang din kaming nagchachat. Napapansin niya na kaya ako?

Or baka naman, kakausapin niya lang ako ng maayos para sabihing wala siyang time sa pangungulit ko at tigilan ko na siya? What if nakukulitan lang pala talaga siya sakin?

Nakakatakot tuloy bigla. Kinilig na ko e. Ngumiti na ko. Tumawa na. Ganun ganun nalang ba yon, Tristan? Pagkatapos ng pinagsamahan natin ng dalawang araw?

Grabe. Parang ayaw ko na tuloy siyang ichat mamaya. Hindi pa naman ako magaling maghandle ng rejection.

Hays. Ano ba kasi tong pinasok ko? Bored na bored na ba talaga ko sa buhay ko? Kasalanan talaga to ng COVID e. Ang tagal narin ng pandemic. Hindi na nakakatuwa. Kahit sanay naman akong sa kwarto lang araw araw, hindi ko pa rin maiwasang hindi maapektuhan.

Sanay ako at naeenjoy kong mag isa pero dahil nga pandemic at bawal pang lumabas, sama sama tuloy kaming lahat sa bahay. Malaking pamilya kasi kami. Bukod saming apat na nakatira sa bahay namin ngayon, meron din kasing mga naunang anak si mommy sa una niyang asawa na may mga asawa at anak na din ngayon.

Hindi naman kami magkakasama iisang bubong pero nasa iisang compound lang kasi kami kaya labas masok din sila samin. Lalo na yung mga pamangkin kong bata na lato lato gang.

Medyo nakakawala ng peace lalo na pag gusto kong matulog sa umaaga. Hays.

Mabilis na dumating ang alas singko ng hapon at tapos narin ako sa mga gawain ko sa bahay. Nakahiga lang ako sa kwarto at nakatingin sa labas ng bintana. Ang ganda kasi ng kulay ng langit ngayong malapit ng mag sunset. Mas maganda pa sana to kung malinaw lang ang mga mata ko pero okay lang naman. Ginagamit ko nalang yung camera ng cellphone ko at dun nalang ako tumitingin para malinaw. Sinu-zoom ko nalang.

My Pandemic Love TaleUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum