Chapter 7: Sister

960 42 10
                                    

SISTER


At Nathalie Mae pala yung name ng sister niya. Yun yung huling reply niya sakin na gabi ko na nakita dahil pinilit ko talagang wag icheck ang cellphone ko.

Ewan ko, medyo di lang talaga ko masaya sa nangyari. Sa lahat naman ng hulang tatamaan ko bakit naman sa ganung situation pa. Sana sa mga exam ko nalang dati sa Math. Nakakabitter tuloy lalo.

Pero okay lang. Ako lang naman kasi talaga yung nagexpect sa kaniya. Siya naman naging mabait lang at pinagbigyan lang siguro ako. May work siya e, tapos di ko alam baka busy din pala siya sa personal life niya.

Hay nako. Akala ko dati pagdating ko ng 19 years old makulay na yung love life ko pero mukhang impossible pala. Parang yung outing niyo ganon.

Sabi ko pa, kung sinong boyfriend ko pag 20 na ko yun na yung papakasalan ko. Kaso gaya nga ng outing niyo, mukhang malabo din yon.

Mali ko din naman kasi na dito ako sa social media nag eexpect ng true love. Pwede siguro sa iba pero parang hindi siya para sakin e.

Pano naman kasi ako magkakajowa? Di naman ako lumalabas ng bahay. Pandemic pa tsaka san naman ako pupunta e hindi nga ako marunong mamasahe. Wala ding pamasahe. Wala ding pupuntahang kaibigan. Si Loise, ilang years ko ng bestfriend pero hindi ko parin alam san siya nakatira. Sa school sana kaso online naman yung classes. Hays!

Sinearch ko nalang yung sister niya sa Facebook. Although I don't like the idea na ichachat ko lang siya dahil pinasa ako ng kapatid niya pero naisip ko na baka okay na din yon. Kung hindi man ako makahanap ng ka-internet love dito, kahit ka-internet friend nalang sana.

Pagkasearch ko ng Nathalie Mae, may isang account na nag-stand out dahil familiar ito sakin. Siya nga yung nagpost sa group. Niclick ko na agad yung account niya at inistalk.

Una kong napansin at pumukaw sa mga mata ko ay ang dp niya. Pinindot ko yon at tiningnan ng mabuti.

Wow. She's also very pretty. Selfie ang dp niya kaya kitang kita kung gano siya kaganda. She's not smiling din sa picture and she doesn't look friendly too gaya ng kapatid niya. Medyo makapal kasi ang make up niya lalo na sa eyes. Para nga siyang beauty queen. Meron siyang resemblance ng kaunti kay Tristan at hindi rin siya mukhang pinoy. Mas mukha silang Thai dalawa.

Grabe. Magkapatid nga sila. Ang gaganda ng genes. Sana all nalang talaga. Now pati tuloy insecurity ko about my looks natitrigger na din.

Hays!

Pagkatapos kong icheck yung dp niya ay dumiretso na ko sa timeline. Di gaya kay Tristan, meron siyang ilang post doon. Naexcite naman akong magscroll sa hindi ko alam na dahilan. Or maybe alam ko talaga pero dinedeny ko lang kasi bitter parin ako sa kapatid niya.

Oo na, gusto kong makita kung may post ba siya kasama si Tristan. Ewan ko nga bat gusto ko parin alamin e. At ewan ko din kung bakit ginagawa ko parin to kahit di ko naman sure kung mag uusap pa ba kami non or kung kakausapin ba ko nitong si Nathalie Mae.

Hay nako. Bahala na. Malapit naman na magpasukan. Pag busy na ko makakalimutan ko din lahat ng ito. Lahat ng pinaggagawa ko ngayon at lahat ng possible ko pang gawin sa mga susunod na araw.

Luckily, halos lahat pala ng public posts niya ay nakatag si Tristan. Meron pang ibang nakatag na baka friends niya or relatives dahil close na close silang mag usap sa comments.

At wow. English silang lahat mag usap. Tipong wala akong maintindahan sa sinasabi nila kahit nakakaintindi naman ako ng English. Iba kasi yung words nila e. Parang ang fluent fluent nilang lahat don na parang yun talaga yung first language nila. Mukha nga silang hindi marunong magtagalog dahil kahit isang word man lang na tagalog wala silang nabanggit.

My Pandemic Love TaleWhere stories live. Discover now