Chapter 8: Past

940 38 14
                                    

PAST


Pang isang libong beses ko na atang inoopen tong link ng entrance exam results ngayong araw. Inannounce na kasi kahapon ng university president na ngayon daw sila magrerelease ng list of passers pero walang sinabing oras kaya buong araw na kong nakaabang at naghihintay.

Hindi sa excited ako. Gusto ko lang talaga malaman kung pasado ba ko o hindi para ngayon palang nakakapaghanap na ko ng school na papasukan. Sa August na kasi yung pasukan at second week na ng June ngayon kaya medyo nakakapanic na.

Meron naman na kong other options pero hindi ko pa sila macheck out ng maayos dahil baka majinx ko naman yung inapplyan ko ngang university which is ito ngang inaabangan ko.

Sobrang hirap pa naman sa college. Kapag di ka nag enroll on time hindi ka talaga tatanggapin unlike kapag highschool ka, isama mo lang nanay mo sa school tapos ipakausap mo sa teacher, okay ka na. Kahit late enrollee ka magkakasection ka parin.

Hay nako. Ang sarap nalang tuloy bumalik ulit sa pagkabata. Promise hindi ko na talaga pepekein yung tulog ko sa tanghali. I swear.

Pagsisisi nga naman no? Laging nasa huli talaga.

Kaya buti nalang talaga at nagccome out na ko sa shell ko ngayon at nagtatry na na ibat ibang bagay. Isa na nga dyan yung pagmemessage ko kay Tristan at sa ate niya.

Oo, ate niya nga si Nathalie at ate narin ang tawag ko sa kaniya dahil 10 years pala yung age gap namin at 7 years naman kaming dalawa ni Tristan. Ilang araw narin kaming nag uusap kaya medyo marami narin akong alam sa kanila.

Nagulat nga ako nung sinabi niyang she's married na at meron na din siyang toddler. While si Tristan naman, nalaman kong kaya pala siya mukhang busy ay dahil busy pala talaga siya sa career. Isa pala siyang Head Director sa isang malaking global company sa UK kaya most of the time hindi talaga siya available. Hindi ko alam kung anong position yon pero mukhang mahirap nga yung work.

Hindi nga makapaniwala yung ate niya na nagawa niya pang magreply sakin e. Kahit ako naman. I mean, talagang sobrang swerte ko pala? At syempre pati narin yung mga kasabayan kong nireplyan niya. Swerte ng batch namin. I wonder kung meron pa kaya siyang kinakausap hanggang ngayon?

Tinanong ko naman si Ate Nathalie kung meron pa bang ibang pinasa sa kaniya pero sabi niya ako lang daw. Yung iba daw na nagchachat sa kaniya puro sumbong at reklamo lang daw na hindi daw nagrereply si Tristan Andrei sa kanila. Seen lang daw ito ng seen kahit araw araw nilang ichat.

Nagtataka tuloy kami parehas kung bakit nagreply siya sakin kahit isa't kalhating makulit din akong mag-chat. Impossible namang nagandahan siya sakin dahil hindi ko naman picture yung dp ko. Ni hindi nga yon totoong tao e. Vector art lang yon na nakita ko lang somewhere sa Facebook.

Kinailangan ko pa tuloy magsend ng screenshot ng convo namin ni Tristan para lang maniwala siya ng tuluyan.

Simula non, nagsimula narin siyang magkwento about kay Tristan. Hindi ko nga alam kung okay lang ba yon kasi sobra na talaga siyang nagsheshare about their life. Wala pang 1 week kaming magkakilala pero alam ko na yung family history nila. Kilala ko na nga din mga pinsan nila e. Ganun lang naman siya kadetalyado.

At oo, hindi nga daw marunong magtagalog si Tristan. Nakakaintindi ng konti sa chat pero in person daw, wala daw talagang aasahan.

Speaking of chat, mukhang tapos ng magwork si Ate Nath kaya nakapagchat na siya ulit sakin.

My Pandemic Love TaleTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang