Chapter 8: Past

Magsimula sa umpisa
                                    

She's working din kasi e. Same sila ng company ni Tristan pero magkaiba sila ng department at position. Work from home din sila since 2018 pa dahil yung main office nga nila ay nasa UK. Meron naman silang office dito sa Makati pero madalang lang daw silang magpunta don. Depende nalang kung may importanteng meetings or kaya may bisita silang partners na galing abroad.

Habang nagkukwento siya, hindi ko naman mapigilang pagkumparahin yung mga buhay namin. Halata kasing sobrang layo kaya nacoconscious ako minsan pag naiisip ko. Wala nga ata kaming kahit isang common denominator sa buhay e. Yung pagiging buhay lang talaga.


Nathalie Mae:

Sizzz, dyan ka ba?


Me:

Hi ate!

Yes po.


Pag gantong tanungan to si ate Nath meron na naman siyang isheshare e. At sure ako na about ulit kay Tristan yon. Kung ano man yon.


Nathalie Mae:

Done na kami work. Sobrang busy kanina jusko.

Chat mo na si Tristan.

Free na yon.


Oh diba. Sabi ko na e. Magsheshare nga siya. Magsheshare ng kapatid.

Natawa tuloy ako habang nagtatype ng reply. Simula kasi nung naging close na kami palagi na niya ding pinapachat sakin si Tristan na hindi ko naman magawa dahil mas lalo lang akong nahiya ngayong alam ko na yung pinagkakabusyhan niya sa buhay.

Nakakaanxiety pa kasi pano kung di na talaga siya magreply diba? Tsaka baka di rin talaga niya afford makipagdaldalan.


Me:

Uhm, hiya me hehe


Pagkasend ko palang niyan, alam ko na agad na di siya matutuwa. Ewan ko ba don kay ate. Alam niya namang 19 lang ako at nag aaral pa pero wala daw issue sa kaniya yon.

Actually wala naman talagang dapat malisya yung pagpapachat sakin ni ate Nath kay Tristan kasi kahit makipagfriends lang daw naman ako kaso ang problema ako yung may issue. Parang hindi kasi bagay na maging friends kami. Hindi pa ako nagkakacollege e tapos si Tristan nasa corp world na at successful na siya don. Parang ang bata bata ko masyado kung itatabi sa kaniya.

Pero sa isang banda, natutuwa at kinikilig din talaga ako kasi sino ba namang hindi magkakainteres sa kapatid niya diba? Gwapo, matalino, maayos ang buhay, mature, independent, englishero, hardworking, at talagang gwapo. May sariling properties na din daw at marami naring napatunayan. And again, talagang gwapo.


Nathalie Mae:

Bakit??

Nakachat mo na yon dati jusko ka?

Lakad na siz.


Natawa naman ulit ako. Ramdam ko kasi yung tuldok sa reply niya.

Ganito na nga pala kami mag usap ngayon after ng ilang araw naming magkakilala. Wala na kaming preno preno sa gusto naming sabihin pero I treat her as an ate parin kahit para lang kaming magkumare mag usap.


Me:

Baka meron pa siyang gagawin afterrr

My Pandemic Love TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon