" Hindi ba puwedeng huwag na lang akong pumunta. Ang sakit ng ulo ko ngayon eh" Pagsisinungaling ko.

" Hoy Makky. Huwag mo kong niloloko ha. Sabihin mo kay Gray ako na ang sususndo sa 'yo jan." Bash told me.

Ilang sandali pa ng marinig ko ang boses ni Gelo

" Makky, tapos na ba klase mo. Susunduin ka na lang namin ni Dave at 'tong si Bash kase, ang init masyado ng ulo." I heard Gelo said in the other line.

" E paano naman kase, ihahatid daw nung Gray na 'yun" Rinig kong saad ni Bash sa kabilang linya.

" E bakit naman sana kung si Gray ang maghahatid sa kaibigan natin, wala na mang mawawala" Rinig kong sagot ni Bash kay Gelo.

" Ikaw nga hinatid ni Red" Sabat ni Dave na rinig na rinig ko.

" Makky, sige na, pumunta na lang kayo pareho dito ni Gray" Saad na lamang sa akin ni Gelo.

" Sige, salamat" Saad ko bago ko pinatay ang tawag.

" Babe, tara na ba?" Tanong sa akin ni Gray.

" Gray, huwag mo nga akong tawaging Babe. Hindi ako bata okay" I told him.

Napatingin siya sa akin.

" Baby naman talaga kita ah." He said

" Tatawagin kitang Babe kung gusto ko. Ikaw din puwede mo 'kong tawaging babe kung gusto mo." Parang wala lang sakanya 'yun.

" Alalahanin mo Makky, Oo mo lang naman ang hinihintay ko eh. Ang tagal mo din kaseng umamin" May panunuya sa boses niya.

" Tara na nga, hatid mo na ako at ng makauwi ka na din." Saad ko sakanya ng tuluyan na kaming pumasok sa kotse niya.

" Hindi mo manlang ako iimbitahin?" Tanong niya.

Damn it!

" Pagod ka na, Gray. Masmabuti pang magpahinga ka na. Mga kaibigan ko naman ang kasama ko" I told him as a matter of fact.

" Gusto ko ding makilala ang mga kaibigan mo, Makky. Siguro naman sapat na ang halos tatlong taong panliligaw ko sa 'yo upang maipakilala mo ako sa mga kaibigan mo" May kung anong ibig sabihin siya sa tono ng kanyang boses.

" Gray" I called him

" O baka naman kase ayaw mo 'kong makilala siya" May tinig ng panunuya sa kanyang boses.

" I told you Makky, I want to meet that Josh Blue Alvarez everyone is saying" Sa halip na magsalita ako, parang nawalan na ako ng masasabi sa sinabi niya.

I told you Makky, I want to meet that Josh Blue Alvarez everyone is saying

Bakit ba iba ang dating ng pangalan ng Alvarez na 'yun sa akin.

" Alam ko na mang mahirap kalabanin ang nauna na. Pero gusto kong malaman mong masmahirap makalaban ang panghuli." May tinig ng kung anong hindi ko maintindihan ang boses ni Gray.

Bahagya akong napatingin sa aking orasan.

It's almost seven.

Ten minutes more and it's seven.

Napatingin ako sa labas. Gabi na nga talaga. Halos rush hour na kase. Hindi ko rin maikakailang ang daming mga kotse.

Kung talagang uuwi si Blue, wala namang problema 'yun sa akin eh.

Ang nakalipas ay tinadhana ng kalimutan.

Ang tapos na ay tapos.

At tanging pagkakaibigan lamang ang natitirang ugnayan naming dalawa.

The Break up Plan (Completed)  [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon