Kabanata 34

107K 3.3K 1K
                                    


Kabanata 34

Start


Pinagmasdan ko ang magandang tanawin, nagpalipas ako ng oras sa falls na parati kong pinupuntahan kapag nalulungkot ako at walang magawa.

The falls looked so peaceful and mesmerizing as always, iginuhit ko sa aking sketchpad ang bawat detalye ng falls. Wala akong pake kung mahirap iyon o hindi, I just want to draw everything about this because this is my calming place everytime.

Iginuhit ko lamang ang mga mararahang detalye roon, huminga ako ng malalim at tinitigan ang marahas na pagragasa ng tubig talon.

Naramdaman ko ang pagkulong sa akin ni Spiral mula sa likuran, marahan siyang umusog para ikulong ako sa kanyang mga binti. He's hugging me from behind, halos panawan ako ng hangin sa ganitong posisyon namin.

Marahan siyang humawak sa aking braso, he kissed my shoulder gently.

"Are you hungry?" he said while kissing my shoulder. Tumindig ang balahibo ko.

Ngumuso ako at nailing. I continued drawing the falls. Kahit wala si Spiral roon ay gumuhit ako ng isang hulmadong tao na naliligo. Masyado lang siyang mabilis na naligo roon kaya hindi ko na naabutan.

"I'm hungry..." pamaktol niyang bulong.

Bahagyang nilingon ko siya, his lips protruded and fake sad eyes while looking at me. He slid his arms to snake around my waist.

"E, 'di kumain ka. May dala naman tayong pagkain diyan." umirap ako at bumalik sa aking pagdodrawing.

Napakaarte. Pasimpleng nangingiti ako.

"Hungry for your kisses..."

Umangat ang dalawang kilay ko sa gulat at pagkamangha, gustuhin ko man siyang lingunin ay hindi ko magawa dahil sa kaba.

"Hindi mo ba sasabihing, e, 'di humalik ako?" he chuckled after a moment of silence.

"Manyak." I hissed. Nawala na ang concentration ko sa ginuguhit. "Baka nakakalimutan mong hindi pa tayo ayos..."

He lazily groaned.

"Hindi pa sa lagay na 'to?" sinikop niya ang aking buhok at itinabi iyon sa kabilang gilid bago ko naramdaman ang kanyang paghalik sa kabilang gilid ng aking leeg.

Bumilog ang mga mata ko, I shrugged my shoulders and pushed his face to stop. Humalakhak siya. Padabog ko siyang tiningnan, he stopped laughing and pouted.

"Tigilan mo 'ko!" pinandilatan ko siya.

"No, that won't happen. You are mine."

Noon, kanyang kanya. Ngayon hindi ko na pwedeng gawing tanga ulit ang sarili ko sa kanya. Maraming nagbago pero ang pagmamahal ko ay hindi, maari iyong katangahan lang.

"Mine mo mukha mo! Ayoko na sa'yo, noon lang ako tanga. Ngayon hindi na." umiling ako.

I won't let myself drown... because I'm already drowned deeply, pero umaahon ako. Wala pa rin akong kasiguruhan sa ganito, I want him to prove me everything. That something I wanted for years, prove me that he's mine...

I wonder what he's been doing for the past years, kung hindi na pwede si Asthreya. Sino ang mga naging nobya niya sa tatlong taong iyon? Sino ang mga naging babae niya, ilan kaya? Sumaya ba siya?

Nilingon ko siya nang hindi siya nagsalita. His expression turned grim and dangerous. My heart leaped as his eyes darkened. Hindi siya nakatingin sa akin, nasa harapan lang. Kita ko ang lagalag ng falls sa maitim niyang mga mata.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon