Kabanata 17

83K 3K 1.5K
                                    


Kabanata 17

Hope


Umihip ang malamig na simoy ng hangin kasabay ng alon ng dagat na humahampas, huminga ako ng malalim at mabagal na naglakad sa dalampasigan. Tumingala ako sa kalangitan at nakita ang mga ibong masayang nagliliparan doon.

Napangiti ako.

"Crayon!" sigaw ni Kurt sa 'di kalayuan.

Lumapad ang ngiti ko, I stopped walking and waved my hand.

Natanaw ko sa malayong likuran niya ang aming mga kaibigan, ngunit hindi katulad kay Kurt na lumapit sa akin. Kumaway lamang sila at sinenyas ang aming cottage na pinwestuhan.

"Happy birthday," Kurt greeted me with a hug.

Huminga ako ng malalim.

"Salamat, Kurt!"

"And Merry Christmas!" humalik siya sa aking noo na bahagyang ikinagulat ko.

Today is my 18th birthday, nalulungkot ako sa hindi malamang dahilan. It's my birthday and Jesus' birthday, yet I'm sulking here. Ang bigat ng pakiramdam ko, lahat ng nararamdaman ko ay hindi pa rin nawawala.

Ngumiti ako.

"Salamat, may handaan sa amin mamaya. Pagtapos ng sa inyo ay pumunta ka sa amin sabi ni Mommy."

He smiled genuinely as always, gumagaan ang pakiramdam ko sa paraan ng kanyang pagngiti.

"Okay, I will."

Naputol ang pagtingin ko sa kanya nang tumunog ang aking cellphone. My heart raced when I saw his name, sandaling namaalam ako kay Kurt para sagutin ang tawag. Tumakbo ako sa isang malaking bato para maupo roon.

Nakaharap ako sa mapayapang dagat na maganda ang pag-alon ngayon. May iilang batang naliligo at nagsasayaw sa dalampasigan.

"Hello?" malamig kong sagot sa tawag.

I heard him sighed on the other line.

"Jeziah..."

Napahugot ako ng malalim na hininga kasabay ng aking pagpikit para damahin ang kanyang boses na nagpapagaan sa aking puso.

Hindi ako nagsalita.

"Please, talk..."

Inawang ko ang labi para pigilan ang ngiting lumabas.

"Why..." I said flatly.

He groaned softly.

"Happy birthday..."

Wow, this jerk!

Hindi niya ako sinipot kahapon at umaakto siyang walang nangyaring ganoon ngayon? Ano ang tingin niya sa kanyang sarili? Ano ang tingin niya sa akin? Pwedeng balik-balikan kung kailan lang niya gusto?

"Can you please tell me straight to the point, what are we?" malamig kong tanong. "Spiral, hindi na ako 'yong dating Crayon na binabata-bata mo."

I'm starting to realize how things work now, hindi ko namalayan na ganito na ako. Hindi ko namalayan ang lahat sa nagdaang taon at mga buwan na lumipas sa akin. Sa amin.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon