Kabanata 3

97.9K 3.8K 995
                                    

Thank you for this beautiful cover, FACEMEBITCH

Kabanata 3

Sunset

Masaya akong naglalakad sa likurang bahagi ng La Riva na kung tawagin ko ay Greenside sapagkat kung titingnan iyon ay parang forest na sobrang ganda, La Riva's Greenside...

Ang bandang likuran kasi ng La Riva ay open na, gubat na iyon at sa pinakadulo noon makikita ang isang lawa na malinis at may mga gold fish, napakaganda at payapa dahil walang nanggugulo. Kadalasang tambayan ko iyon kapag walang pasok.

Katulad ngayon ay walang klase kaya naman naisipan ko lang pumunta rito, since napunit at hindi ko na mabuo ang sunset na nasa sketchpad ko.

This time, I'll wait 'till the sunset again and draw it. I want it perfect, maganda ang naidrawing ko noon pero hindi ganoon kaperpekto. Ewan ko, parang may kulang...

Huminga ako ng malalim at nakangiting umupo sa isang puno na malaki ang ugat. The green grass is always peaceful, as well as the lake in front. Huni ng mga ibon at tunog ng mga hinahanging dahon ang nadidinig ko.

I feel relax, nakakagaan ng dibdib. Parang walang problema kapag nandito ko. I don't have a problem, anyway. Bata pa ako para mamroblema sa mga walang kwentang bagay.

Wala din naman akong problema sa mga magulang at kaibigan ko. These past few weeks, I was feeling something I don't even know what it is. Masyadong magulo.

Pero nararamdaman ko ang emosyon, emosyong kakaiba sa akin. Iyong emosyon na parang kahit kailan ay hindi ko pa naramdaman noon. Nararamdaman ko lang iyon kapag may nakukuha sa akin na talagang ikinalulungkot ko.

Hindi ko rin alam kung bakit ako malungkot, basta sobrang magulo talaga nitong mga nakaraang linggo.

I was flipping the pages of my sketchpad, my heart raced as I see Spiral's name. I smiled unconsciously and ran my fingers there slowly feeling every letters of my calligraphy.

Ni-lettering ko ang kanyang pangalan sa isang malaking blankong pad, nasa last page iyon syempre. I breathed in and pouted a bit while looking at the name.

"Ilang beses na ba kitang nakikita?" I whispered. "Nakikitang malungkot, 'di ngumingiti at walang emosyon? Kailan ko naman makikita ang pagngiti mo?"

Marahil parang baliw na ako, hindi ko alam kung bakit kada araw na nakikita ko si Spiral kahit sa malayo lang ay isinusulat ko ang kanyang pangalan sa maarteng paraan at nilalagyan ko iyon ng dates sa ibaba.

"One, two, three, four, five... twelve, thirteen, fourteen and fifteen... Gosh! Ang dami na pala!" I gasped in awe when I counted the pages with his name.

Ngumuso ako at tiningnan ang aking wristwatch, hinanda ko na ang aking lapis at sketchpad na pagguguhitan ko ng sunset. Unti unti ng nagiging kahel ang kalangitan, ilang minuto pa bago ko masilayan ang napakagandang sunset.

Kumunot agad ang noo ko nang makita ko mula sa malayong harapan ko ang isang bulto ng lalake!

My eyes narrowed upon knowing whose built it was.

Damn it! I cannot believe this moment...

My hand slowly moving, drawing the exact view in front of me. Hindi ko alam kung paano ako nakapagdrawing habang nakatingin sa lalakeng iyon.

This time, hindi na pangalan niya ang iginuguhit ko... ngayon ay siya na mismo kasama ang sunset na pinapanuod namin ng sabay.

Nakatalikod siya sa akin, ang isang tuhod niya ay nakatupi at doon nakapatong ang kanyang braso. Ang isang kamay niya ay nakalapat sa kanyang gilid bilang suporta.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon