Kabanata 26

37.7K 1.2K 503
                                                  


Kabanata 26

Comfort

I locked the door of the guestroom where I'm staying. Humihingal pa ako sa pagtakbo sa mahabang pasilyo para lang makarating dito, I quickly answered Spiral's call.

I breathed. "Uh. Hello,"

Pinilit kong ayusin ang aking boses, ang hingal ko ay impit ngayon at pinipigilan.

"Where are you?" iyon ang kanyang pambungad na pinakaba ako ng sobra.

"Uh. Andito ako kila Nathalie, m-mag movie marathon kami." I lied so smooth! Damn.

Siguradong alam na niyang wala ako sa aming bahay dahil ganoon parati ang kanyang tanong tuwing malalaman na wala ako sa bahay. Marahil ay tumawag siya sa roon at tinanong ang mga kasambahay kung nasaan ako.

Hindi naman alam ng kasambahay na tutulak akong pa-Maynila, ang alam nila'y papasyal lang kami ni Spyder kung saan sa Isla Verde.

He sighed.

"Till what time? May wi-fi ba diyan? I wanna see you..."

Namilog ang mga mata ko, medyo natagalan ang aking pagsagot at pag-iisip ng sasabihin dahil doon.

"Magsleep over ako dito, e. A-Ano, minsan lang kasi..." I flinched as I said that. "And there's no wifi here."

Shit, Crayon! What the hell?

Napakasinungaling ko na, white lies pa rin ba 'to gaya ng parating pampalubag loob ko? Sobrang kabado ko tuwing tatawag siya sa mga oras ngayon dahil hindi ko na alam kung kaya ko pang magsinungaling.

Ayaw ko rin sabihin sa kanya na narito ako sa Maynila at iisa ang polluted air na hinihingahan namin. I can't tell him, natatakot ako na magalit siya. Alam kong ayaw niya talaga akong mapunta rito at kahit hindi ko alam kung bakit ay naiintindihan ko nalang.

I also don't want to tell lies but it's my mind screaming not to tell him the truth because of our situation. Ginagawa ko ang lahat para mahalin niya pabalik pero itong Maynila ay hinihila ako na maging kuryoso kung anong meron.

Kaya ngayon ay gusto kong itago na lamang itong pagpunta ko rito, kung gugustuhin ko man siyang makita ay pwede ko naman hilingin kay Spyder na abangan namin ang kanyang paglabas ng school. Kahit masilayan lang saglit.

"Really?" parang nang aakusa na agad iyon.

Don't tell me...

I bit my lower lip. "Yes,"

Nagsisinungaling na ako, lulubusin ko na lang basta hindi ako mahuli na narito sa Maynila at hindi man lang nagsabi sa kanya.

He heavily sighed.

"Hm..."

Napangiti ako. Sobra ang kilig ko tuwing nadidinig lang ang kanyang boses, ano pa kaya kung nakikita ko ang kanyang mukha?

"So..." I trailed off. "What are you doing? Nasa school ka ba?"

Kahit dinig ko ang ingay sa kabilang linya ay nagtanong na lang ako. I know he's at school right now, lunch break lang siguro kaya nakatawag siya. Ang sabi ni Spyder ay aalis kami mamayang hapon para pumunta sa bahay ng kanyang kaibigan.

They will have a mini pool party there since Spyder just came back here in Manila. Hindi ko alam kung sasama pa ba ako o mananatili nalang rito dahil meron naman akong nakitang pagkakaabalahan, I want to draw someone's protrait downstairs!

Isa iyong babae na batid ko'y modelo sa ibang bansa, hindi ko lang kilala kung sino pero sobrang ganda niya. I wonder if she's a relative or they just put her picture there to be a display?

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon