Kabanata 6

84.8K 3K 1K
                                    


Kabanata 6

Hate


"Ba't malungkot ka lagi these past few days?" parang nag-iinterview na tanong ni Nathalie.

Nakita ko ang paghinto ni Kurt sa pagsusulat, parang nakuha ni Nathalie ang kanyang atensyon roon.

Huminga ako ng malalim at umiling.

"Wala, baka tinatamad lang akong pumasok..." I said. "I hate waking up early," nakangusong dagdag ko pa.

I really hate waking up early, lalo na kapag walang gumigising sa akin o wala akong kausap kapag gising ko. Wala lang, parang lahat kasi nagsisink in sa isip ko tuwing wala akong kausap.

Pakiramdam ko phobia ko na ngayon ang walang kausap oras-oras, ayaw kong maiwan sa tahimik na lugar. Ayaw kong maging mag-isa dahil naiisip ko lang siya at ang mga salita niya.

"Ngayon mo lang na-hate 'yan kung kailang malapit na ang graduation, huh?" si Jean, nahinto rin ang kanyang pagbabasa ng wattpad sa phone niya.

Yeah, months have passed just like that. Sobrang bilis ng mga oras, araw, linggo at buwan na dumaan. Sa ilang buwan na iyon ay hinding hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyaring pinakamasakit sa akin.

I'm always crying at night, I didn't expect. Basta pag mag-isa ako nakakaramdam ako ng kung anu-anong bagay, maraming bagay. Lahat ng mga bagay na nakakapagpainis sa akin naiisip ko kapag mag-isa ako.

Wala, e. Masyadong masakit iyon. Pakiramdam ko sobrang bata ko pa para maranasan ang lahat ng ito. Lahat ng iyon.

Pagkatapos ng huli naming pag-uusap at pagkikita noon ni Spiral ay hindi ko na siya parating nakikita sa bahay na sinusundo si Ate Clarine, umaasa ako na pati si Ate ay iniwasan niya noon pero hindi pala.

Ako talaga ang iniiwasan niya dahil lagi ko pa ring nakikita ang mga Instagram posts ni Ate na siya ang kasama, umasa lang talaga ako. Pinanghawakan ko lang iyong sinabi niya na hindi sila ni Ate Clar.

Napakatanga ko para asahan ang ganoong bagay gayong magkaklase nga pala sila at nakikita pa rin nila ang isa't isa. Hindi ko alam kung bakit kahit nasaktan niya ako ay hindi ako nagsasawa na umasa sa kanya.

I'm hoping that he'd apologize for making me cry, but he did not. I was hoping that he would talk to me, but he didn't. Maybe he really meant whatever he said that day.

He intentionally hurt me, para iwasan siya.

Dahil iyon ang gusto niya, ang iwasan siya ng batang katulad ko. And yes, I did. I avoided him, kapag nakikita ko siya sa cafeteria sa entrance palang ay umaayaw na ako.

Thanks to Kurt who's always there for me, pag kunwaring hindi ako nagugutom ay sasama pa rin siya sa akin at hahayaan sila Angela na magpunta sa cafeteria. Tapos hihilahin niya ako kung saan at siya mismo ang bibili ng pagkain namin.

"Hindi ka na naman nagugutom o talagang tama ang nasa isip ko na may iniiwasan ka?" Kurt's worried voice filled my ears.

Inaasahan ko na siyang magtatanong ng ganito, sa ilang linggo ba naman o halos buwan na atang lagi akong umiiwas sa cafeteria.

I smiled.

"Iniiwasan ko ang cafeteria, Kurt." I sighed. "Baka kasi tumaba ako, ayaw ko..."

He looked puzzled, hindi niya alam kung matatawa ba siya o hindi maniniwala sa aking nasabi.

Damn, I have no plans on telling them about Spiral. That Spiral hurt me, made me cry and broke me. I don't know where's that 'broke' for? Basta, maybe he broke me using his venomous words.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon