Kabanata 2

49.1K 1.6K 396
                                                  


Kabanata 2

Comfort

"Cray, what happened again? Why are you crying?"

Kunot na kunot ang noo ni Kurt nang makita ako, kakababa niya lang sa red SUV at mukhang papasok palang ng La Riva. He was looking at me, he stepped closer and placed his hand on my lower back.

He lifted my face, bigla ay dumilim ang kanyang mukha nang makita ang aking mukha. Bumaba agad ang kanyang tingin sa aking labi na may band-aid.

Hindi ko na napigilan ang maiyak. Mukha kasi siyang galit na galit ngayon at papatay ng tao, his anger is very visible. Huminga siya ng malalim at pumikit ng mariin.

"Who did that, Crayon Jeziah?" he venomously asked.

I sobbed and pouted a bit.

"They bullied me, they hurt me... he slapped me!" I whimpered, and I know that I looked like a lost kid.

I couldn't help it, I was so scared and mad at the same time. They cannot just hurt me like I'm a fucking nameless person, bakit nila ako sinaktan? Pinunit pa nila ang pinaghirapan ko.

Napakasama nila.

His prominent jaw clenched. Madilim ang mukhang luminga-linga pa siya sa paligid namin na parang may hinahanap. I know he's mad right now, I could clearly see his dark expression.

"Who? Where are they? Tangina, they shouldn't hurt you! Stop crying, and tell me where they are..." he said and cupped my cheek, he caressed it gently.

I sniffed, ramdam ko ang mga luha na nagbabagsakan sa aking pisngi. Hindi ko matanggap na mayroong nanakit sa akin.

"Nandoon si Spiral, sa may likod ng school malapit. Kung hindi siya dumating baka tinorture na ako ng mga bad guys na 'yon. Ang sama nila, Kurt. Sinira nila ang sketchpad ko pagkatapos sinampal ako..." naiiyak kong sinabi habang nagsusumbong.

Pinalis agad ni Kurt ang aking mga luha sa pisngi ko gamit ang daliri niya, hinaplos niya ang buhok ko at saka marahang tumango habang nakaigting ang panga.

"Can you walk in? Pumasok ka na, pupuntahan kita sa room ninyo pagbalik ko."

Ngumuso ako at suminghap. Napangiti siya at tumango sa akin, he messed my hair.

"Don't worry about me, I'll be back quick and we'll fix your sketchpad..."

Sobrang sama ng loob ko kaya mabilis akong napapaiyak ng mga concern sa akin, lalo na si Kurt na parati akong pinoprotektahan. Galit siya ngayon dahil sa mga walang hiyang iyon.

"Be careful, Kurt. I'll wait..." nagyuko ako ng ulo, my shoulders are shaking because of crying. Pinalis ko ang aking mga luha.

Inalu naman niya ang likuran ko. "Stop crying, Crayon. Sandali lang ako, anong gusto mong pagkain? Magdadala ako." he smiled tenderly.

I just shook my head. Wala akong gusto ngayon kundi ang umiyak dahil sa sama ng loob.

Huminga siya ng malalim at pinatong ang kanyang mga kamay sa aking balikat at tinalikod na ako patungo sa gate ng La Riva.

"Go in, cry baby..." he teased.

Tumango na lamang ako sa kanya, wala sa sariling pumasok na ako ng gate. Tama ba na nagsumbong pa ako kay Kurt?

Hindi ko kasi mapigilan, napakasama lang talaga ng loob ko. Hindi ko naman sila inaano, pero kung manakit sila sa akin ay parang isa lang akong bata na kakayan-kayanin nila.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon