Kabanata 9

85K 3K 1K
                                    


Kabanata 9

Roscoe

"Cray, watch tayo ng college basketball league!"

Ngumuso ako habang inaayos ang suot kong baby blue dress, wala kaming klase ngayon pero narito kami sa La Riva para ayusin ang aming classroom para sa darating na competition.

Pagandahan ng classrooms, ganoon talaga dito sa La Riva. Uso ang kumpetisyon ng palinisan at pagandahan ng classroom, dapat mga recycle lang gagamitin sa pagpapaganda ng room.

"Huh? Kailan naman iyon?" I asked without glancing at Nathalie.

Abala ang mga kaklase naming babae sa pagpapalit ng kurtina sa bintana, ang iba naman ay nilalagyan ng dekorasyon ang paligid ng blackboard... and the boys? Sitting pretty while talking about computer games.

Wala silang ginagawa, naisip ko tuloy iyong sinasabi lagi ni Manang sa amin ni Ate Clar, oras na mag-asawa raw ay kawawa talaga ang mga babae dahil sila ang parating gagawa sa gawaing bahay.

Paano pala ako mag-aasawa? Wala akong alam sa gawaing bahay, paano iyon? E 'di maghihirap kaming dalawa dahil wala naman akong alam? Hala, kawawa naman pala ako kung ganoon. I should start learning about household chores now!

For the future na rin, mahirap na baka kawawa ako sa future dahil wala akong alam. Simula ngayon tutulong na ako sa maids namin gumawa sa bahay. Kahit sa madali lang muna, like washing the dishes... etc.

"Mamayang alas singko merong practice game ang Lions, want mo ba? O sa eksaktong league nalang tayo manuod? Bukas? Kaso..." she trailed off.

Bumaling ako sa kanya ngayon, umupo ako sa isang upuan malapit sa kanya. Pumangalumbaba siya at ngumuso sa akin.

"Kaso?"

Pabitin naman itong si Nathalie, hindi nalang diretsuhin para matapos ang usapan namin. Naku, minsan nakakaba pa ang ganyang pagpapabitin niya.

"Kaso, magcucutting tayo sa last subject dahil alas tres ang game na 'yon..."

Umangat ang kilay ko.

"Seryoso bang ikaw ang nagyaya magcutting?" I chuckled. "Bago ata 'yan, huh?"

Puro kasi siya pag-aaral, maniniwala pa ako kung sila Angela at Jean ang nagyayang mag-cutting dahil hilig naman talaga nilang dalawa iyon. Pero itong si Nathalie? Parang once in a blue moon lang.

Ngumising aso siya.

"Maglalaro kasi 'yong crush ko, plus naroon rin ang crush mo!" she giggles.

Sinong crush ko sa Lions? Wala akong natatandaan, puro college naman iyon! Tsaka hindi pa ako nakakapanuod ng basketball game 'no malamang wala akong crush doon.

My forehead creased.

"Crush ko? Wala akong crush, ha! Oo na, sasamahan na kitang manuod. 'Wag ka nalang magpauso ng kung sino-sino." umirap ako.

Humalakhak siya at nanunuyang tumingin sa akin, she even pinched my arm.

"Maang-maangan pa! Crush mo si Spiral 'di ba? Yie!"

Napangiwi ako, uminit agad ang pisngi ko dahil doon. Halos magtinginan sa akin ang tatlong kaklase naming babae dahil nadinig nila iyon.

"Nathalie, 'di ko crush 'yon!" giit ko, sinadya kong lakasan para marinig ng tatlong fan ni Spiral dito sa room.

Nakakainis itong si Nathalie, mamaya matsismis na naman ang mga pausong pinagsasabi niya. Hindi niya alam na mabilis kumalat ang tsismis at worst ay makarating pa iyon kay Spiral.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon