Kabanata 31

42.4K 1.2K 152
                                                  


Kabanata 31

Kid

Mabilis na dumaan ang isang buwan, hindi ako nakauwi pa ng Isla Verde dahil sa aking ginagawang plano para sa mansyon. Spiral doesn't seem to mind it, ang sabi niya ay isang linggo lamang ang ibibigay niya sa akin sa pagpaplano.

Hindi ko kinayang magawa iyon ng ganoon kaikling panahon lang kaya humingi ako sa kanya ng palugit hanggang sa umabot na ng buwan, parang wala naman sa kanya iyon.

I wonder if I can go home when I finish the plan?

Sobrang naiinis ako dahil hindi pa rin nawawala ang epekto niya sa akin kahit na ilang beses kaming nagkakasama ay hindi ako masanay-sanay.

Parating tumatawag si Ate at Mommy para kumustahin ako dito, if I was sleeping and eating on time. Nakakatuwa na parang ako pa rin talaga ang baby nila na talagang inaalala pa rin kahit kaya ko na ang sarili.

Sumimsim ako sa straw ng aking kape. Napataas ang kilay ko nang makitang nakatingin si Spiral sa akin, kausap niya ang isang trabahador pero nasa akin ang paningin niya.

Umirap na lamang ako at naglakad patungo sa kanila. Kumunot ang noo niya at tinapik sa balikat ang kausap, umalis naman iyon kaagad at napatingin pa sa akin nang masalubong ko.

"Uuwi na ako,"

Kaninang umaga pa ako rito sa area para magdrawing, hindi ko na namalayan ang oras na tumatagal. Tuwing umaga ay tumutungo ako rito para lang icheck at makaisip pa ng pwedeng idagdag sa plano at sa tanghali ay bumabalik ako sa hotel para matulog.

Tumaas ang kilay niya, nagpamulsa siya.

"Why?"

My lips parted. "What why?"

Ano bang klaseng tanong iyon? Malamang uuwi ako sa hotel para makatulog dahil kinulang ako sa tulog kagabi sa kakaisip sa lahat ng kakaibang kilos niya. Hindi ko maintindihan iyon dahil hindi dapat, may asawa na siya at may anak.

Kumunot ang noo niya.

"Dahil dumating ako?"

"Uuwi ako, masama ba 'yon? Wala naman akong gagawin dito at hindi dahil sa'yo." iritableng sinabi ko.

Ano na naman ang iniisip niya? Bakit naman ako iiwas sa kanya? Bakit niya naisip? Sabihin na nating oo, dahil narito siya. Pero hindi ko naman pinapahalata iyon, huh? At kahit pa iwasan ko siya ay wala siyang pakealam.

His jaw clenched.

"Are you sure? You're always avoiding me, I wonder why? Tuwing lalapit ako ay lumalayo ka... tuwing narito ako ay umaalis ka naman." malamig niyang sinabi.

My chest tightened. Parang punyal iyon na tumutusok sa puso ko.

Why? It's not for him, it is for myself now. Kahit alam kong apektado pa rin ako sa kanya ay gusto kong dumistansya at inagatan naman ang aking sarili ngayon. Iyon na lang ang magagawa ko, e, ang dumistansya at umiwas.

Hindi ko naman matuturuan ang puso na tigilan ang pagmamahal sa kanya, God knows how much I wanted to move on from him. To erase him in my heart, I tried so bad for the past three years. Sobrang sakit ng puso ko pero wala akong magawa kundi ang tanggapin ang katotohanan sa aming dalawa.

Ang katotohanan na hindi kami pwede, kung pwede man ay hindi na ngayon at hindi na maaari. So now I need to take care of myself, I need to think about my stand. I need to stay away and be happy for him even I am hurting.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon