Kabanata 22

84.9K 3K 1.1K
                                    


Kabanata 22

Time

Manghang ginala niya ang tingin sa aking buong kwarto, he gently touch the letters of his name. Huminga ako ng malalim para kumalma ang pagkahiya na nararamdaman.

Nawala ang kainisan ko dahil sa tutang ibinigay niya, hindi na ako makaramdam ng inis ngayon. Ayaw ko na rin naman muna maramdaman iyon dahil pagkatapos ng isa't kalahating linggo ay ngayon lang ulit siya napunta rito.

I was hugging the puppy he gave, it's a brown teacup poodle. Sobrang lambot at liit niya na parang mapipisa kapag mahigpit na niyakap, so I didn't hug her tight even if I want to. She's a girl, napakacute.

Noon pa man ay gusto ko na ng alagang tuta, ayaw ko lang magsabi kay Mommy dahil nahihiya ako. I was actually saving money to buy a pet dog, kaso ay hindi pa rin mabuo-buo dahil masyadong mahal ang ganitong aso.

Sa ngayon ay nag-iisip pa ako ng ipapangalan sa kanya, nawala ang pag-iisip ko nang marahang hilahin ni Spiral ang aking braso. A ghost of smirk was playing on his lips while looking at me, ngumuso lamang ako.

"What?" tamad kong tanong habang hinahaplos ang tuta.

"Ang sungit mo na..." he sighed, umupo siya sa aking kama at hinila ako dahilan kung bakit mapaupo ako sa kanyang hita.

Namilog ang mga mata ko sa sobrang pagkamangha at gulat dahil doon, pinagdikit niya ang aking mga binti at nilagay iyon sa isang gilid niya. He immediately snaked his arms around my waist.

Suminghap ako at bahagyang pumiglas, this is making me weak. My heart is pounding so fast that I can't breathe calmly. Halos mabitiwan ko na ang tuta dahil sa panginginig, I placed her on my lap dahil baka maihulog ko siya.

I breathed. "W-What are you doing?"

Sakop na sakop niya ang aking katawan dahil sa kanyang lapad at laking tao, inayos niya ang aking palda na bahagyang tumaas sa hita ko at doon ipinahinga ang kanyang braso.

"I took an special exam," malambing na panimula niya.

Ngumuso ako, hanggang ngayon ay walang pagkalma ang puso ko pero hindi ko dapat iyon ipahalata sa kanya.

"So?"

Sa tuta lamang ako tumingin, she looks sleepy on my lap. Marahang ko siyang inihiga roon at malambing na hinaplos para makatulog.

Spiral groaned, kinuha niya ang tuta sa hita ko at pinabayaan iyon sa kama na maghanap ng pwesto. Matalim ko siyang binalingan, he just rolled his eyes and sighed.

"So I want your time..." aniya.

I gulped simply, marahan akong nagbuga ng hangin. Pakiramdam ko ay humaplos iyon sa aking puso, pero naiisip ko pa rin na aalis siya at baka ngayong oras lang ang pinatutungkulan niya.

"You have my time, always..." tamad kong sambit.

It's true, all my time is for him. Wala man siya rito o andito, kapag wala siya ay madalas akong magtext sa kanya kahit hindi naman siya mabilis magreply. I would wait.

Ni hindi ako lumalabas ng bahay, kung may oras lamang na buong araw siyang tulog saka palang ako makakapunta ng park para magdrawing at minsa'y kila Nathalie.

Alam ko naman na mahirap ang kurso niya, si Ate Clar nga ay nakikita kong nahihirapan rin kaya naiintindihan ko siya sa parteng iyon. Whenever he gets a free day, I would let him have the whole day to rest kahit pa buryo ako kapag hindi siya kausap.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon