Kabanata 27

79.2K 2.4K 283
                                    


Kabanata 27

Blame

Kinagabihan noon ay may tumawag kay Spyder kaya kinailangang umuwi. Papalabas kami nila Spyder at tawanan sila ng tawanan ng mga kaibigan niya.

"Hindi ko alam, dude!"

"Ulol, fucker ka."

"Gago, natalo sila. Hindi kasi marunong dumepensa si Devyll." humalakhak si Theo.

Umismid si Devyll at nagtaas ng middle finger.

"May tinulong ka ba sa Elitians? Wala naman, nagbutas ka lang ng bench."

Humagalpak sila sa tawa. Theonoah made a face.

"Atlit panalo kami sa Rockwell na walang bilang."

"Bromance na naman kayo?" panunuya ni Spyder sa kanilang dalawa na kanina pa nagtatalo.

Nakakatawa si Theonoah masyado, siya ang nagbibigay ng kulay sa kanilang magkakaibigan ganoon rin si Lander. Sila Spyder naman ay sakto lang, nakikitawa kung may nakakatawa at nakiki-asar din kung minsan.

Well, as for Matrix and Ten? They wouldn't participate in fun, may sarili silang mundo. I kind of think Ten is secretly fond of Cloudnine. Paminsan minsan kasi ay nakikita ko siyang sumusulyap sa kanyang mga reaksyon tuwing natatawa o nakikinig sa mga usapan.

I wonder if Cloudnine is their princess of the group? Ang cute lang kung ganoon pero may iilan akong babaeng nadidinig sa kanila at batid kong mga kaibigan rin naman nila.

Sumunod na araw ay ganoon ulit ang aming naging routine, Spiral texted me that he'll be in Isla Verde later when the classes are done. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya kaya naman iniba ko na muna ang aming topic.

He called.

"Ang sakit ng ulo ko." I faked a growl.

"Do you have anything? Meds for headache? Pwede mong ipag-utos iyon sa kasambahay. Huwag mong tiisin 'yan." mahinanong aniya.

I smiled unconsciously.

"Ayos lang ako, kailangan ko lang siguro ng buong araw na pahinga ngayon." Oh come on, Crayon here you go again, lying on the love of your life.

I'm sorry...

"Hmm, that's a great idea. You should get the whole day to rest. I'll visit you later night or midnight. Hindi na muna kita guguluhin."

"Uh, salamat. Mabuti na siguro iyon para sa susunod na araw ay buong araw tayong magkasama?" I bit my lower lip and sighed simply.

Bumubuti ako masyado. Bumubuti sa pagsasabi ng kasinungalingan, ang sabi ko ay ayaw kong magsisinungaling sa kanya dahil malayo ako sa ibang babae o sa kanyang mga past relationships kung sakali mang meron pang nauna kay Asthreya.

He heaved a sigh and chuckled.

"I miss you is all I wanna hear, Jez."

Parang haplos iyon sa aking puso na hindi maipaliwanag. Sobrang sarap sa pakiramdam, sana lahat. Sana lahat ng oras, lahat ng araw at wala ng pagtigil ang ganoong concern niya.

Napahagikgik ako.

"I miss you so much, Spiral Theius Roscoe." malambing at parang batang sinabi ko.

He chuckled huskily. "I miss you... rest now, papasok na ako sa klase. Uminom ka ng gamot para sa headache, clear?"

"Opo..."

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Where stories live. Discover now