Chapter 42

4.2K 105 2
                                    

    Walang nakapagbuka ng bibig sa kanilang lahat na naroroon ng maglakad palapit sa kanila ang bagong dating kasunod ng mga nakatuxedo ding mga kalalakihan. Tantiya nila ay mga body guards iyon ng lalaki.
    Kung di pa ito nagsalita sa kanilang harapan na di nila namalayang nakalapit na pala ay di pa sila makakatinag sa kanilang kinatatayuan.
"I'm looking for Aeona. And somebody told me she's living here and that you're related to her too. "Seryoso, malagom at puno ng awtoridad ang tinig nito ng magsalita.
Ni hindi lang man ito ngumiti sa kanila.
    Lahat ng nanduroon ay muling napatanga sa lalaki maliban sa mga lola nila. Di ata naapektuhan ang dalawang matanda sa presensya ng lalaki.
"Ah eh, mawalang galang na nga po anu, Amang? Bakit nyo ba hinahanap ang aking apo? Napakabait na bata ang aking apo at di nya magagawang gumawa ng masama."Wika ng lola ni Beeya na agada ipinagtanggol ang apo kahit di pa alam ang pakay ng lalaking kaharap nila. Ito ang unang nakabawi sa kanila sa pagdating doon ng lalaking estranghero.
Ngunit di sya sinagot ng lalaki dahil nga di nito naiintindihan ang sinabi nya bagkus binigyan sya nito ng poker face, tight lips at cold shoulder. Medyo nawawalan na din ng pasensya ang lalaking nakamata lamang sa kanila dahil nga di nito naintindihan ang sinabi nya. Dahil nga di nito maintindihan ang lenggwaheng ginamit ng matanda lalong nangunot ang noo nito, halos mag-isang linya na nga lang ang gatla sa noo.
   Kinabig ito ng lola ni Carly na si Gracia saka binulungan.
"Baka di iyan nakakaintindi ng wika natin Alberta. Tingnan mo nga walang reaksyon sa sinabi. Bakit di mo kaya kausapin sa ingles? "Anito.
"Nakow! Eh paano siya maiintindihan dito sa atin kung di pala marunong magsalita ng lenggwahe natin ang hinayupak na ere! "Pagmamaktol bulong ng matanda sa kaibigan.
Dahil nagbubulungan nga ang dalawang matanda at walang pumapansin sa lalaki lalong dumilim ang pagmumukha nito. Di rin nman naiintindihan iyon ni Greeco kaya pigil ang sariling wag humalagpos ang kanyang galit na nakisingit sya sa usapan ng dalawa.
"Do you mind if you translate it in English? So we can understand each other."Mahinahong wika nya sa dalawang matanda.
"Anu raw? "Tanong ni Alberta sa katabing si Gracia.
"Inang, sabi nya magsalita raw kayo ng ingles! "Sabad naman ng ina ni Beeya.
"Ingles ba ikamo? Eh panahon pa iyon ng mga Amerikano. Wala na tayo ngayon sa pananakop ng mga dayuhan! Dapat magsalita sya ng tagalog na  wika natin  rito. "Anitong muli,lumalabas na nman ang pagkaulyanin nito.
"Oo nga! "Sang-ayun ng katabing si Gracia sabay taas ng isang kamay na animo susulong sa gyera.
  Napapailing nman ang ibang nanduroon dahil umandar na nman ang pagiging ulyanin ng dalawang matanda na minsanang lang nman lumabas sa dalawa.
"Naku!  Mga inang ,tumabi na muna kayo at kami na lang ang kakausap sa kanya"wika ng ina ni Carly.
    Tahimik nmang nakikinig ang mga lolo at tatang ng magkaibigan. Pero di inaalis ang tingin sa mga bagong dating. Pinag-aaralan nila kung mabuting tao ang kaharap. Hinayaan muna nilang kausapin ito ng dalawang ilaw ng kanilang tahanan dahil nga pareho din nmang nakapagtapos ang mga ito ng kolehiyo. Kaya pinapaubaya na ng magkumpareng harapin ng mga ito ang kanilang unexpected panauhin sa kanilang bahay.

"Why you wanted to see our daughter,Sir? "Medyo pormal na tanong Ni Elominada kay Greeco. Pabitin pa nga  dahil di nya pa alam ang pangalan ng lalaking kausap.
    Anak na ang turing nito kay Beeya noon pa kahit di pa napagkakasunduang ipapapakasal sa bunsong anak nya ang kanyang inaanak.
"It's because she's hiding from me. "Seryosong sagot ng lalaki sa mga ginang na kaharap.
"And who are you sir if you won't mind? We just wanted to know why my daughter is hiding from you? Did she did something terrible?"medyo nabahalang tanong ni Franceska.
"How did you know my daughter? "Muling sunod nyang tanong rito.
"She works for me. "Tipid na tugon ni Greeco.
"And what's the reason why you are hunting her in our province? My daughter is not here. She's in Manila,working. "Di na napigilan ni Hilton na hwag makisali sa usapan ng mga ito.
"No. She's here. My men confirmed it. She and this guy she always with are here. They flew here yesterday and then we follow them after. "Baling nya sa lalaking nakisali sa usapan nila.
"How sure are you ? They aren't here now! We should have known if they are here!" Pagsali din ni Gilbert sa usapan ng dalawa.
"Sir, were hundred percent sure they're here. Because they check-in in one of your logding Inn here  in the town."pigil ang sariling hwag makipagtalo sa mga kaharap.
   "I'm sorry sir but we don't know where they are right now. Why you are so anxious to find her? Did she did something seriously and unforgiving? " napaseryosong tanong ng ama ni Beeya. Blanko ang expression sa mukha nito.
" Yes"mabilis na sagot ng lalaki.
"And what it is? "Mabilis ding tanong ni Gilbert.
"She's running away with my unborn child! "Rebelasyon ng lalaki sa kanilang  lahat na nagdulot ng matinding  pagkagulat sa lahat. Napasinghap naman ang mga kababaihan.
"Unborn child lang pala--What?!"napasigaw na wika ng dalawang lalaki.
"Anu?! "Sindak ding sigaw-bulalas ng mga kababaihan.
"How did it happened?!Why she's carrying your child which is she should be carrying Carlitos child! Because those two are going to get married  in the end of this year! ""Galit na isinatinig ng ama ni Beeya.
Di sya makapaniwalang buntis ang kanyang anak at ibang lalaki nagmamay-ari noon! Di man lang nila napansing nagdadalantao ito ng mga nagdaang buwan na nandirito ang anak sa kanilang probinsya.
    Shocked at di nman nakapagsalita ang mga nandun na nakikinig sa mga pag-uusap nila. Magkakaroon na sila ng bagong baby sa  pamilya.

   Habang sina Beeya at Carly ay binaybay nman ang daan patungo sa likod-bahay nila para di agad sila makakakuha ng pansin ng mga naroroong mga kasambahay.
"Bakit tila napakatahimik ata ng mga bahay natin Bee? Saan ang mga nakatira dito? Pakinggan mo oh ni isang kaluskos sa kusina or tunog ng mga plato wala akonh marinig."Nagtatakang nawika ng kaibigan.
"Oo nga at mukhang inabandonang,nakatiwangwang ang ating mga bahay! Gala ka best baka nagkaroon ng problema at nagsilikas na sina inang at itang!"Aniya saka napaawang ang bibig sa tumatakbong scenario sa kanyang utak.
"Kung ganun, solo na natin ang bahay best! "Tili nito.
"Maghunus-dili ka nga Carly! Wait, tara muna sa harap ng bahay. Baka may makita tayong tao doon"Pagkasabi walang babala syang hinila nito patungo sa harapan ng bahay nila para malaman  kung bakit walang Tao sa loob ng Kanilang mga bahay. Ganun na lang ang panlalaki ng kanilang mga mata ng matunghayan ang nangyayaring kaguluhan sa harapan ng kanilang bakuran.
   "Kalokohan iyang mga pinagsasabi nya sa ating mga apo Berteng! "Narinig nilang wika ni lolo Ignacio.
"Oo nga di totoong buntis ang aking apo! "Wika nman ni Berteng na napailing -iling pa.
Napaawang nman ang bibig ng dalawang bagong dating at di napigilang hwag mapasinghap ng malakas ng marinig ang usapan kaya biglang napabaling ang atensyon ng lahat sa kanila.
"Aeona! "Ani ni Greeco
"Apo! "Sabay na wika nman ng mga lolo at lola nila.
"Anak! "Makakasabay na wika ng kanilang mga magulang.
  Nagkatinginan nman ang dalawa at guilty na napakagat labi dahil wala na silang lusot na dalawa. At kahit tumakbo sila pabalik sa loob ng bahay muli mahuhuli at mahuhuli din silang dalawa dahil nakita na sila ng lahat doon. Mukhang inerebel na ng lalaki sa pamilya nila ang kanilang big problem na tinatakasan.

$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)Where stories live. Discover now