CHAPTER 27

3.7K 104 0
                                    

    Maagang nagising si Beeya. Nakangiti nyang pinagmasdan ang mahimbing pang lalaking natutulog sa kanyang tabi. Maingat nyang inangat ang isang kamay at hinaplos ang maamo nitong mukha.
   Kahit anung tikis nya ng sariling damdamin para dito di nya iyon makayanang labanan ng matagal. Nag-uumapaw pa rin ang kanyang nararamdam dito.
    "You really don't know what's your doing to me Greeko... "Mahinang wika nya rito habang hinahaplos pa rin ang pagmumukha nito na tanging sya lamang ang makakarinig noon.
Nang gumalaw ito, bigla syang nanigas sa kanyang kinahihigaan sa pag-aakalang magigising na ito at mahuli syang pinagmamasdan ito. Sigurado syang lulubo ang ulo ng lalaki. Ayaw nya pang ipakitang maayos na talaga ang sitwasyon nilang dalawa kung maaari. Anu ba nman ang magiging problems kung magpapakipot sya ng kaunti diba. Kausap nya sa sarili. Sa ganoong sitwasyon maiisalba nya pa ang kaunting pride nya na nasagasaan ng pison. Ngunit kapag ang puso na ang pumaimbabaw lahat ng mga agam-agam, alinlangan, pride or kahit katiting na protesta sa kalamnan nya ay nawawalang lahat kapag nasa bisig na sya ng lalaking magpapawala pa ata ng kanyang katinuan. At wala lang man sya mapagsabihan sa mga nasasaloob ng kanyang puso.  Nangangamba syang baka sumabog iyon kapag sumubra na.
Kung saan nya kelangan ang baklitang kababata noon pa ito nawala sa kanyang tabi.
Ninakaw sya ni Greeko sa kababatang si Carlos. Paano na ang mga di pa nila na-achieve na mga pangarap na dalawa? Mabubura na lamang ba iyon sa kanilang mga isipan. Di pwede kelangan nyang makaisip ng paraan para makawala muna sa mga kamay ng lalaki. Hindi nman habang panahon sya niyong hahayaan sa tabi nito.
Ni wala nga itong inioffer sa kanya. Ni hindi nya nga makonsider na boyfriend ito eh. Mistress pa rin sya sa paningin ng mga taong naririto sa chateau nito. Ni walarin itong binanggit na pwede nyang panghawakan na parte sya ng buhay nito.
Ipapahiya nya lang ata ang sarili kapag may magtanong ng status nya sa buhay nito. Sino ba naman sya kumpara kay Vettina. Looks and money, with proper etiquette and so on. Napabuntong hininga sya mabuti na lamang at di ito nagising, nag-iba lamang ito ng posisyon saka muling nakatulog uli. Nakatalikod na ito sa kanya kaya napahugot sya ng malalim na hininga. May panghinayang na di nya na mapagmamasdan ang gwapong mukha nito.
Nang biglang sumagi sa kanyang isipan ang tagpong nadatnan nakaraang araw biglang sumulak ang kanyang dugo  sa Vettina na iyon. Gusto nya itong sabunutan at kalbuhin para di na ito maging maganda sa paningin ng lalaki.  Asal buntok na ang itinatakbo ng isipan nya. Kapag katabi nya sigurp ang kababata baka pinagplanuhan na nila kung paano buburahin ang bakas ni Vettina sa buhay ng lalaki. Tila gusto nyang mapahalakhak sa kanyang naisip napakasama nman nya kapag nangyari iyon. Sigurado syang di sya patatawarin ng lalaki sakala.
Ayun sa kanyang naririnig sa malapalasyong bahay na ito. Labas-masok si Vettina sa bahay ng lalaki. At lahat ng kawaksi doon takot sa galit ng babae. Perfectionist raw ito masyado at pinatatanggal nito sa lalaki ang mga katulong na ayaw nito. Ni wala nga raw makatuntong sa bahay na iyon na ibang babae. Tanging sya pa lamang na di nakaabot sa radar ng babae siguro dahil pilit syang itinago ni Greeko dito. Ang kalkula nga ng mga nagtatrabaho doon si Vettina raw ang maaaring gawin ni Greeko na reyna ng bahay nito. Super close daw ang family ng dalawa. Masakit man iyong tanggapin pinilit nyang di sinapuso iyon. Dahil wala nman talaga silang seryosonv relasyon ng lalaki. Sex lang ang tangi nyang rason kung bakit silang dalawa ay nagkasama.
   Tila sya napaso na biglang binawi ang kamay sa mukha nito at agarang napababa sa kama. Mabilis syang lumayo sa lalaki at pumasok ng banyo. Nagkulong sya doon ng ilang minuto. Nangingilid ang mga luhang napatingin sya sa sariling repleksyon sa salamin.
"Ang boba mo Beeya! Kapag nakita ka ni Carly sa ganyang ayos siguradong masasabunutan ka noon! Lalaki lang nman ang naging sanhi ng pagkakaganyan mo. At may panahon pa para wag kang tuluyang bumalasok sa kumunoy ng pag-ibig nito. Habang maaga pa lang mahabag ka na sa sarili mo at kalimutan ang iyong damdamin para sa lalaki. Dahil sa oras na pinagsawaan ka nya sa kangkong ka mahahanap ni Carlos! "Ang usig ng kanyang isipan sa kanya.
May point din nman ang pag-uusig ng kanyang isip sa kanya. Dahil tila sya nananaginip sa nangyayari sa kanya ngayon. Nasa palasyong bahay sya, may makisig at gwapong prinsipe. Ngunit kailangan nyang itatak sa kanyang kukute na di sya si Snow white, Cinderella o si Sleeping beauty na maaaring kumarga sa kanya at ibigin sya gaya ng mga nababasa nya at napapanood sa mga movies.
"Geez! Girl, wake up in your fantasies. Be real. You're nothing but a farm girl. At kapag nakabalik ka ng pinas may sasalubong pa ring problema sa iyo. Problem with your families.! "Muling sita ng isang parte ng kanyang isip.
Naipalo nya tuloy ng wala sa ang sariling ulo sa dingding ng banyo.

$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)Where stories live. Discover now