Chapter 38

3.7K 98 0
                                    


   "Alin ba talaga ang gusto mong kakainin dyan Beeya? Eh ,mag-iisang oras na ata tayong tinititigan ng tindera dito sa shop ngunit di ka pa rin nakapag-decide which to buy noh."Napapagod na muling tanong ng bakla nyang kaibigan sa kanya.
    Kasi nga papalit-palit sya ng choices sa mga cakes na bibilhin. Marami kasi ang nakakakuha ng atensyon nya. Para bang gustong magpabili ng mga iyon sa kanya. Natatakam talaga syang titigan ang mga iyon sa cakes display ng shop.
     Kaya nman aburido na ata ang kanyang kaibigan dahil paulit-ulit nyang pinapalitan sa tindera ang bibilhing cakes.
   "Eh kasi nman girl. I don't know what to take eh! They're all looking yummy. So delicious to eat pa. Can I take three small size of that yummy looking cakes? Please Carly, baby... I wanted the three cakes so much "paglalambing nyang wika rito na tila batang paslit pa kung umasta sa harap ng tindera at ng lalaki.
    Iyong medyo busangot na mukha ng tindera ay napalitan ng ngiti dahil sa acting nyang binibenta sa kaibigan.
   Di pa sya nakuntento pinapungay nya pa ang kanyang mga mata para bilhin lahat ng kaibigan nya ang natipuhang cakes.
    "Sige na Carly... If you won't buy me those delicious cakes I won't ever talk to you or eat my meals. I S-W-E-A-R! "nagpapadyak nyang turan sa kaibigan.
Di na rin maipinta ang kanyang mukha dahil sa pinaghalonhg lungkot at tampo sa kanyang kaibigan.
  Tinalikuran nya na ito dahil di agad ito nakasagot sa kanya. Akmang lilisanin nya na ang shop nang mapatda sya sa kanyang nakita sa entrance ng malaki at sikat na shop sa buong maynila.
    Tila sya itinulos sa kanyang kinatatayuan ng mapagsino ang taong papasok sa loob ng shop at may kasamang mga socialites. Anumang oras makikita at makikilala sila ng taong iyon kapag nakita sila at nagtama ang kanilang mga mata.
     Unti-unti syang napaatras pabalik sa kaibigan na ng mga sandaling iyon ay abalang pinababalot ang mga cakes nyang inungot rito.
    Malakas ang kabang hinila at niyugyog nya ang damit ng kaibigan.
"Anu ba nman Beeya, para mo ng awa. Binili ko na iyong mga cakes na gusto mo. Please nman hwag ka ng magalit pa sa akin. "Anito na nginitian ang tinderang nag-abot ng sukli nito. Hawak na ni Carly ang cakes sa isang kamay at akma na sya nitong aalalayang lumakad palabas doon ng makuha nyang ibuka ang bibig.
    "C-car-ly--"nautal nyang turan rito sabay muling hila-yugyog sa damit nito. Sa main entrance pa rin ang pansin nya sa takot na baka malingat sya at sa muling paggalaw ng mata nya ay nasa harapan nya na pala ito.
"What's happening ba sayo?! "Medyo inis na saad ng baklang kaibigan.
"C-carly look at the entrance way. You won't utter a single word when you find out who's there! "Medyo iritang sagot nya rito.
"Who's there ba? Am sure he's not important --!! OH-MY-GOD!! IT'S HIM!!! "nawindang na sigaw-tili nito na agad nyang natakpan ang bunganga nito ng sariling kamay para di sila makaagaw ng pansin ng mga papasok na customers.
    Mabilis nya itong nahila sa isang tabi at kumubli sila doon.
"How he found us?! "Nandidilat ang matang tanong nito.
"He hadn't known we're here at this moment. I guess he didn't saw us yet. "Medyo kalmado nya ng wika rito.
"Are you sure?! If you didn't keep on changing mind choosing those cakes he won't catch us here! "Gigil na wika nito dahil sa pagkataranta. Tila sila nasukol na mga daga ng malaking pusa sa isang silid.
"Am sorry na. Alam mo nman how much I love those cakes eh. "Nakatulis ang ngusong saad nya.
"Yeah, yeah.  Now. Don't say a word. Just keep quiet for a while and let me think of something to escape from here. "Pagkawika nito. Nakayukong lumigid sya sa gawi ng cashier para kausapin ito sandali. Mabuti na lamang at nakasuot ito ng hoody sweatshirt.
   Pagkaraan muli itong bumalik sa pinagkublihan nya at inakay sya paalis doon. Dahil nakasuot sya ng blazer on top of her preggy dress medyo nakubli noon ang kanyang tiyan.
   Paakap sya nitong inakay palabas habang nakatalikod pa ang lalaking pinakaiwas-iwasan nilang dalawang makasalubong. Kausap nito ang may-ari ng naturang shop.
  Nasa exit na sila ng biglang nyang nilingon ang gawi ni Greeco at di nya aakalaing magtatama ang kanilang mga mata.
"Aeona? "Di makapaniwalang tawag nito nito sa pangalan nya. Nanlaki ang mga mata nya.
"Aeona!! Wait!! "Muling sigaw ng lalaki sa pangalan nya sabay nagmamadaling humabol palabas.
Agad nyang hinila si Carly papasok sa nakapardang taxi sa labas at natarantang sinabihan ang driver na paharurutin ang sasakyan nito palayo roon . 
   Kabado at di malaman ang  kanyang gagawin dahil nakilala sya ng lalaki kahit may kalayuan na  sya sa kinatatayuan nito.
"God Carly! He saw me! "Natatarantang wika nya.
"What?!! How?! "Biglang nabahala din ito ng marinig ang sinabi nya.
"Because I look back inside! "Aniya. Apologetic ang mukhang tiningnan ito.
"Naman Beeya! You're the one who creating big mess here! "Galit nitong wika.
"Am sorry na bakla. Akala ko kasi di sya nakatingin eh."Nakayuko ang ulong nawika nya.
"Anu pa nga ba ang magagawa ko eh nangyari na nga. Mabuti na lang at nakaalis agad tayo roon! "Napapabuntong-hininga nitong saad.
Pinili nya na lamang na tumahimik. Di na sya nagsalita pang muli. Bigla syang nabagabag sa nangyari.

$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)Where stories live. Discover now