CHAPTER 8

4.1K 126 0
                                    

     Magdadalawang linggo na simula ng mangyari ang di magandang karanasan nila ng kaibigan sa ibang bansa.
Kaya nman ng mga sumunod nilang flight palabas ng bansa ay behave na silang dalawa. Ni hindi na nga sila lumalabas ng kapag may pagkakataon pang makapamasyal sila sa ibang bansa.           
Nagsilbing leksyon sa kaibigan ang nangyari. Kahit makipagkaibigan sa mga lalaki ay naging ilag silang dalawa.
Paranoid feeling na baka bigla na lang silang hilanin. Isakay sa sasakyan at gawan ng masama.
Bihira na din silang gumigimik kapag nasa pinas sila.
"Hoy bruha! Nakita mo ba ang mga bagong lipat dyan sa dalawang bakanteng apartell? "Maganda ang pagkakangiti ng baklita nyang kaibigan ng mag-angat sya ng tingin rito.
May binabasa sya na book ng tabihan sya nito sa sofa.
Katatapos lang nilang maghapunan noon.
"Bakit dalawa ba ang bakante? Isa lang nman ah. Yung sa old maid na nasa harapan natin. "Aniya.
"No! Pati yung kay Mr nice guy sa tabi natin bakante na pala. "Anito. Nakapout ang nguso nito habang binubutingting ang daliri.
"Oh? Wala nman kabalak balak umalis yun ah but naging rush ata? " napakunot noo nyang ibinaba ang hawak na libro sa lap at hinarap ng tuluyan ang kaibigan.
"Yun nga din ang ipinagtaka ko eh.  Bago tayo umalis last week nandyan pa sya kausap kami. "Kinilig pang wika nito.
"Ewan bakit kaya bigla syang umalis dyan. Akala ko ako ng susunod sa ex nito sa buhay nya! "Ang wika nito sabay tawa.
"Assuming ka rin anu?! Baka gusto mong matali sa durian ng tuluyan Carlos! "Pinandilatan nya ang naglalanding kaibigan.
Napatawa lang din ito ng maypagkalanding tawa.
"But in fairness ha, ang gagwapooo... nilang apat sa dalawang unit ng apartell!!! "Kinikilig pa nitong bulalas.
Wala sa loob na pinatirik nya ang mata pataas sabay tampal ng kanyang noo. Akala nya kung anung sasabihin nito. Gwapo lang pala.
"Umayos ka nga Carlito! Wag kang pahahalata na binabae ka kasi di pa  natin sila kilala.
Paano pala kung mamatay tao yang apat dyan? "Sabi nya.
"Hmmmp! Kj ka talaga Beeya. Na divirgin ka lang naging kj ka na?! "Pagtataray nito.
"Wait, sabihin mo nga ,nakailang rounds kayo nung guy? "Pilyong tanong nito.
Pinamulahan nman sya ng mukha sa tanong na iyon ng kaibigan.
"Pwede ba, tigilan mo ako! Wala ka na doon. Basta kapag di ako nagbuntis ikaw gagawa mg paraan sa susunod na gagawin natin. Di ko na ipapahamak ang pagkababae ko noh?! "Nakalabing wika nya.
"Ok fine. Ako nman ang magpapabuntis! "Ang malandi nitong wika sabay tawa.
"Gosh Carly! Tuluyan ka na talagang mabibitin sa durian sabay pausukan! "And naeskandalong wika nya rito. Pinanlakihan nya pa ito ng mata na ikinangisi lang ng katabi.
Napahalakhak na ng tuluyan ang kaibigan nya. Ng mapasimangot sya bigla.
"Magpa artificial insemination na lang tayo. At ikaw dapat ang gumastos noon! "Sabi nya uli.
"Grabe ka beeya! Ang mahal noon tapos akin pa ang sperm ha! "Anitong pinanlakihan sya ng mata.
"Aba! Ako ang unang gumawa ng hakbang kaya kapag nabulilyaso, its your turn na anu! "Mataray na Saad nya saka muling binuklat ang librong hawak.
"Hmp! Oo na! Ako na kong ako lang! "Sabi din nito saka binuksan ang television.
Natahimik na silang dalawa dahil sya nakatutok na muli ang atensyon sa binabasa.  Samantalang ito ay naaliw na rin sa pinapanuod ng may kumatok sa kanilang unit.
Nagkatinginan silang magkaibigan. Di mahilig kumatok ang kanilang mga katabing unit. Nasanay na silang sa labas lamang ng unit mag-usap.
   Bigla syang kinabahan.
"Baka ang mga naghahanap na yan sa atin Carly.! "Ang nahintakutan nyang sabi sabay kapit sa bisig nito.
"Ay gaga! Panu pa tayo masusundan noon rito aber?! Kung sumunod sila sa atin. Dapat sa airport pa kang humabol na sila. Forget about those bastards! "Wika ng kaibigan sabay tayo.
"W-wait! Silipin mo muna kung sino. Wag mo agad buksan ng malaki ang pintuan !"aniya.
"Haller beeya! Safe itong apartell natin anu! Kaya pwede wag kang mapraning! Baka yung mga hot guys na bagong lipat ang kumakatok! "Anitong pinatigas ang mukha nito sabay tungo sa nakapinid nilang pintuan.

$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)Where stories live. Discover now