CHAPTER 23

3.7K 103 0
                                    

     Malalaki ang hakbang na ginawa ni Greeko para lamang marating ang silid ni Aeona. Lalong nadagdagan lamang ang kanyang galit ng wala syang narinig mula sa kawaksing itinalaga nya sa babae. Katatapos lamang ng dinner at ang ibang mga guests nya ay nakauwi na.  Si Vettina nman ay nasa silid na nito na nasa west wing ng palasyo. Masyado itong maraming nainom kaya di sya nito nakorner.
   Maingat nyang binuksan ang pintuan. Bumulaga sa kanya ang nakatulog na kawaksi sa sofa na malapit sa master bedroom. Nilapitan nya ito at bahagyang niyugyog sa balikat.
"Wake up Lila and go downstairs. Have a rest now. How is your mistress doing? "Tanong nya rito na pupungas -pungas pa ng mata.
"Err, she didn't wake up when I called her sire, so I didn't disturb her again. "Anito. Tumango sya rito pagkatapos mabilis na nitong nilisan ang silid.
Maingat nyang binuksan ang pintuan ng master bedroom saka pumasok. Madilim ang buong silid. Nang makapag -adjust sya sa dilim nag-isang guhit ang kanyang mga kilay ng makitang empty ang bed nilang dalawa. Wala ni anumang bakas na nagalaw o may natulog doon . Maayos pa rin ang unan at bed sheet niyon.
  Inis at nangangalit ang kanyang bagang na muling lumabas ng silid at tinawagan si Lila.
"Where is your mistress Lila?  I swear am gonna fire you if you won't find her now! "Galit nyang sigaw sa telepono na nagpataranta sa pobreng dalaga.
"Yes, yes, sire. We'll find her now. But she didn't go out from her room sire. "Paliwanag nito na bakas sa tinig ang panginginig nito.
"Search the place! Tell others right now!! "Sigaw nyang muli na nagpalundag sa dalaga. Nabitawan pa nito ang hawak na telepono.
     Napakuyom kamao syang pinagbubuksan ang mga silid na naroroon. Ang pinakahuling guests room na pinilit nyang buksan ay nakalock sa loob. Usually naka-unlock lang nman iyon.
Hiningi nya ang susi sa butler nyang agad tumungo sa kanyang kinaroroonan ng malaman ang nangyari. Nagkagulo ang kanyang mga kawaksi sa paghahanap kay Aeona.
   Nang mabuksan nya ang silid magkasunod sila ng kanyang butler sa pagpasok. Tumambad sa kanya ang nakahigang babae na walang pambaba na suot kundi panty lamang. Nakalihis na ang suot nitong malaking T-shirt at tumambad sa kanila ang belly nito.
  Maagap na tumalikod ang butler ng makita ang ayos ng kanilang mistress. Mabilis nmang kinumutan ito ng lalaki at inutusan ang butler na si George na maaari na itong magpahinga at sabihan ang ibang kawaksi na nakita na  si Aeona.
  Nang makaalis ang lalaki maingat nyang  kinarga ang babae pabalik sa master bedroom. Di nya malaman kung anung pumasok sa utak nito at di nagpakita sa kanya. Ni hindi ito natulog sa sarili nitong silid.
   May galit sa mukhang pinagmasdan nya ito. Napakatigas ng ulo nito. Ang sarili nitong desisyon at ang pagkamatigas ng ulo nito ang parating sinusunod nito. Na lalong nagpapaubos sa kanyang pasensya.
  Gumalaw ito ng ilapag nya sa kama. Pero di nman nagising matapos nya itong kumutan. Tumayo sya at pumasok sa bathroom para maligo. Nagpalagay sya ng mga pantulog na damit sa silid ng dalaga dahil mas comfortable syang matulog katabi ito. Di nya malaman ngunit mahaba ang oras ng nagiging tulog nya simula ng dumating ito sa kanyang chateau.
     Napabuntong hininga sya ng muling pagmasdan ang maamong mukha nito pagkalabas ng bathroom. Nakasuot lamang sya ng puting cotton trousers bago sumampa sa tabi ng dalaga. Maingat nya itong niyakap palapit sa kanyang katawan bago ipinikit ang kanyang mga mata. Wala pang fifteen minutes nakatulog na sya sa tabi ng babae.

Maaga pa ng magising si Beeya. Napasulyap sya sa orasan na nasa taas ng bed side table.  Alas singko pa lamang ng umaga. Gumalaw sya pababa ngunit may mga bisig na nakapigil sa kanyang bewang. Mahigpit iyong nakakapit. Sinulyapan nya ang mahimbing na lalaki sa tabi. Akmang hahaplusin nya ang mukha nito ngunit ng maalala nya ang ginawa nito kasama ang Vettina na yun. Kinain sya ng kanyang selos at galit.
   Inis nyang binaklas ang mga bisig nito di man lang ito nagising.  Gumalaw lamang saka muling nakatulog uli. Bumaba sya ng kama at nagtungo sa bathroom. Naligo sya pagkatapos nagbihis at maingat na lumabas sa silid.

"Good morning Miss Aeona. How was your head?"masiglang bati ni Lila pagkapasok nya sa kitchen.
Di pa rin sya nKakarecover sa pagkamangha nya tuwing papasok sya sa malaking kitchen ng lalaki.
Modern kitchen iyon. Napakalinis at magandang tingnan. Ito ang paborito nya sa lahat na bahagi ng palasyo.
Malapad ang island table nito. Sensor ang lahat ng gamit na naroroon. Upgraded lahat ng appliances na naroroon.
Maraming antique glasses at plates na nakadisplay. Kalimitan mga china wares, simula sa plates, glasses, tea sets, coffee mugs at iba pang mga glass wares and utensils.
Nandoon din ang lahat ng rekado na kalimitang ginagamit all over the world ng mga famous chef.. Mabait ang chef ni Greeko na isang Italian.
  Isang French-italian si Greeko na may 1/3 na lahing Filipino. Ngunit di marunong magtagalog.
"Am fine now Lila, thank you."nakangiti nyang tugon rito.
Agad sya nitong hinila paupo sa gilid ng island table saka sila hinarap ng chef.
"What's you gonna have for breakfast sweet pea? "Malambing na wika ni Grey. Nasa mid forties na ito at masarap magluto. Parati sya nitong ginagawaan ng mga favorite pastries nya.
Masarap din ang mga pasta nitong niluluto.
"I'll have coffee for now. I'll wait for Greeko then we'll have breakfast together. "Aniya kahit may inis at galit pa rin sya dito.  Ayaw nyang kumaing mag-isa dahil alam nyang pagsisimulan na nman iyon ng kanilang debate mamaya.
"Ok then, just sit there for a while I'll make you my infamous coffee latte. "Nakangiti nitong wika na ikigalak nya nman. Paborito nya kaya ang kape. Kahit anung klase pa iyon basta lasang kape pa rin. Ang pinakapaborito nya sa lahat ay ang white creamy coffee na specialty ng Malaysia. Their famous old town white coffee. She love it very much. Every time they land on Malaysia airport that's the main thing she ordered in any coffe shop in the airport.

$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon