CHAPTER 9

4.2K 122 0
                                    


"Hi! "Ang narinig nyang wika ng isang lalaking may baritonong boses.
Di nya nakikita ang mukha nito dahil nakatakip sa vision nya ang malapad na katawan ng kaibigan.
"Yes? "Ang serious na wika ng kaibigan. Boses lalaki na ito. Gusto nyang mapabunghalit ng tawa ng makita nyang sumenyas ang daliri nito sa likuran.
Hot ang lalaking kaharap base sa senyas ng daliri nito.
"We just want to ask if you could help us where to buy some..... stuffs? "Ang muli nyang narinig na sabi ng lalaki.
Napataas ang kilay nya ng marinig ang sinabi nito  na tila binibitin ng lalaki ang mga katagang sinasabi nito kay Carly. Bigla tuloy syang na curious sa katauhan nito. Alam nyang matangkad ang dalawang lalaking kaharap ng kaibigan kahit pa nga ba di sya tumayo para ma confirm ang nasa isip nya.
Narinig nyang nag-alis muna ng bara sa lalamunan ang baklitang kaibigan saka ito muling nagsalita. Mayroon ng mapang-akit na ngiti sa labi ng baklang kaibigan nya.
Sinabi nito ang pwedeng puntahan ng dalawang lalaking kaharap.  Pagkatapos narinig nyang nagpaalam na ang mga ito at agad ding umalis matapos magpasalamat sa kanyang kaibigan.
"Gosh Beeya! The two men are really sizzling hot! They're both sexy! "Ang nagtitili nitong wika matapos maipinid ang pintuan.
"Halata ngang hot sila kasi kong makatili ka para kang nakalulon ng siling labuyo dyan! Hitad ka talaga kahit kelan! "Ang pang-aasar nya rito.
"Hmmmp! Inggit ka teh? Pero in fairness they're spoken dollars teh!"Ang tili nito at tiningnan sya ng nang-aasar.
"Well, it seems they're natives in our own country sissy! "Aniya
"Of course they are! But I want to go and taste them before they go back in their country! "Palatak ng baklang katabi na sa sofa.
"As if patulan ka noon! "Pang-bubuska nya rito sabay tawa ng malakas.
"Are you challenging me  Aeona Beeya? Wanna bet darling? "Ang nakataas kilay nitong sabi sa kanya.
"No.  Am just stating the facts that you can't be turn to girl! "Ang makahulugang saad nya. Nakuha nman nito ang ibig nyang ipahiwatig. Kaya idinaan na lamang ng kababata sa tawa kahit ang mukha nito ay di na kaya pang remedyuhan ng pintor para mapaganda.
Napapatawa na lamang sya sa kaibigan na kinalaunan ay sinabayan rin ni Carly.

Kapwa sila natigil sa kakatawa Nang sa muli may narinig uli silang katok sa labas ng kanilang pintuan.
"I think ako na ang kakausap this time. "Aniya saka tumindig at agad tinakbo ang pinto bago pa man makatayo ang baklang hitad.
Napahalakhak ito na sumunod sa kanya.
"Yes? "Ang wika nya ng mapagbuksan ng pintuan ang taong kumakatok. Pinaseryoso nya ang ekspresyon ng tingnan nya ito sa  mukha.
Natigilan nman ang taong napagbuksan nya ng pintuan matapos nitong mapagmasdan  ang kanyang mukha. Tumitig muna ito sa kanya ng ilang saglit  saka naghagilap ng sasabihin.
"Can....can you let me use your phone? "Ang napapakamot sa ulong wika nito.
Tumingin lamang sya rito, pinag-aaralan ang expression ng kaharap kaya muli itong nagsalita. Napatikwas ang kanyang kilay dahil tila nag-dalawang isip pa muna ang lalaki sa sunod na sasabihin nito da kanya.
"We just arrived. And I need to call  my brother to inform him that were safely settled here. "Ang malumanay nitong paliwanag.
Napalundag sya sa kinatatayuan ng umakbay sa kanya ang kababata.
"Yes, you can. "Ang pakundangang wika ni Carlos sa kaharap nya. Ito na ang sumagot rito.
Bumaling sya rito at pinandilatan ito ng mata. Nan-uusig ang kanyang titig sa kaibigan
"Oh come on honey be nice to our new neighbor! "Ang malambing na wika uli nito saka sya hinila paalis sa pintuan para makapasok sa loob ang lalaki.
"Come ,come inside. Don't mind her. The phone is beside the television. Feel free to use it though"Ang sweet na ani nito sa lalaki.
Ngumiti ito sa kanila ng matamis saka tinungo ang telepono.
Nang makapasok ito nahagip ng tingin nya ang isa pang lalaki sa labas ng nakabukas na unit ng katabing apartelle at matamang nakatitig sa kanya.
Tila kanina pa sya nito pinagmamasdan kaya napahakbang sya sa loob ng mabilisan at hinarap ang kaibigan. Iba ang pakiramdam nya sa mga bagong neighbor nila. Tila may mystery sa mga kilos ng mga ito.
"Bakit ba pinangungunahan mo akong papasukin sya. Di pa nga natin kilala yang lalaking iyan pinapasok mo na agad! "Mahina nyang sita rito ng hilanin nya ito sa isang tabi. Tama lamang na marinig iyon ng kababata.
"Ang cute kasi nito at super hot nya din eh! "Ang mahina nitong tili sa tabi nya. Kinurot nya ito sa tagiliran ng wala sa oras. Kumakarengkeng na nman ito sa tabi nya. Nagpapacute pa ito habang nakatalikod ang lalaking nakikigamit ng phone.
"Ang landi mo talaga! Paano kung bigla na lang tayo barilin nyan or bigla na lang syang maglabas ng knife tapos pagsasaksakin tayong dalawa?! "Ang nanlalaking mata nyang wika rito.
"You're being paranoid Beeya! Sa gwapo nyan iyang gagawa sya ng masama? No way! Hwag ka kasi consume ng consume ng maraming caffeine!"Anito saka sinulyapan ang lalaking bahagyang nakatagilid sa kanila. At ngayon nga bumaling na ito sa kanila saka ngumiti kaya napilitan din syang ngumiti ng pilit rito.
Parang familiar ang mukha nito ngunit di nya maalala kung saan nya nga lang ito nakita.
Pilit nyang kinakalkal sa isipan kung saan nga ba nya ito unang nakita ng sikuhin sya ng kaibigan. Kaya nawala roon ang kanyang atensyon.
"Bakit ba tila wala ka sa sarili dyan ha?. Yung bisita natin umalis na! "Untag nito.
  Doon nya lang napagtangtong tapos na palang gumamit ng phone ang lalaki. Di nya narinig ang pagsabi nito ng salamat. Likod na lamang ng katawan nito ang tangi  nyang nakita bago lumapat pasara ang pintuan nila.
"Gosh! Aeona, saan ka na nakarating at tila wala akong kasama rito habang nagrorosaryo! "Ang nakangising wika nito. Exaggerated pa ang pagkakasabi ng kaibigan.
"H-huh? "Ang tila wala sa sariling sagot nya.
"May pumasok lang rito nawala ka na agad sa sarili? "Ang pang-aasar nito sa kanya.
"He looks familiar you know... "Aniya
"We haven't met him before so am pretty sure he's a good papalicious! At if ever na meet mo sya noon eh di sana iyon na lang ang ginamit mo sa iyong one night stand drama!"Ang wika ni Carlos na halatang na mesmerized sa gandang lalaki ng nakitawag sa kanila.
"Whatever! Don't you ever voice out those horrible moments!"Ang wika nyang naitirik ang mata sa kisame. Kahit kelan talaga madaling mabighani ang kaibigan nya sa mga gwapong kalahi ni Adan. At tila gusto pa sya nitong ipagtulakan sa lalaki.
'Gee, di nya na uulitin pang makisiping sa kahit kaninong lalaki. Tama na ang isang beses nyang magpapakabaliw noon.

$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)Where stories live. Discover now