CHAPTER 29

3.6K 102 0
                                    

  "Where have you been? "Matigas at mariing tanong sa kanya ng lalaki makalipas ang dalawang oras. Akala nya umalis ito dahil nakita nila kanina na umalis ang limousine na kalimitang ginagamit nito.
    Pagkaalis kasi ng dalawa sa harap ng kanyang pinagtaguan na pintuan saka sya mabilis na binuksan ni Lila. Hinila sya nito paalis roon. Dahil ito ang hinanapan ng lalaki at di sya nakapagsumbong ng totoong nangyari sa amo nito dahil sa mabalasik na tinging ipinukol sa kanya ni Vettina. At alam nitong di sya nito paliligtasin sa malakukong talas ng galit nito sa babae.
        Spoiled brat si Vettina, nag-iisang anak kasi ito ng duke ng England. Ang ina nito ay isang European. At ngayon nga ay naririto sa Europe ang babae nang mabalitaan nitong dumating si Greeko sa Chatuea.
      Mabilis syang pinagpalit ni Lila ng kanyang damit at saka muling hinila palabas ng bahay. Halos kaladkarin na sya nito palabas doon sa pangambang baka makasalubong nila sina Greeko at Vettina. Alinman sa dalawa ay bad news kapag nakita silang pareho.
      Pinalipas lang muna nila ang dalawang oras saka muling bumalik sa loob ng silid si Beeya. Tila ba napagod sya sa hide and seek na laro nila ni Lila sa dalawang tao roon.
    Napalundag si Beeya mula sa pagpasok sa loob ng kanyang silid. Wala sa kanyang hinagap na naroroon pa pala ang lalaki at madilim ang mukhang naghihintay sa kanya.
"God! Greeko you scared the shit out of me! I did an e-early walk around the c-chatuea.  "Tutop ang dibdib at pautal nyang naitugon rito.
Nang tinitigan lang sya nito ng masama napalitan syang buksan ng malaki ang pintuan para makapasok sya ng tuluyan sa loob noon.
      Walang kangiti ngiti sya nitong pinagmasdan, nakasiklop pang mga bisig nito sa harap ng dibdib ng lalaki. Halatang nagtitimpi lang ito ng galit sa kanya.
"How many times do I have to remind you that I wanted you in my bed when I woke up! "Grumpy nitong wika sa kanya na tinaasan nya lamang ng kilay sabay kibit ng kanyang balikat.
"Don't start me right now Aeona. Am not in my best mood. "Mariing sabi uli nito. Tumaas-baba pa ang dibdib nito tanda ng pagpipigil nitong sigawan sya. Nakakuyom ang mga kamao nito ng mapagmasdan nya ang ayos ng lalaki.
"Ok, fine! Am sorry...am kinda bored waiting for you to wake up. "Malumanay nyang saad saka nilapitan ito. Tila ba ito isang poste sa kinatatayuan nito.
Nagdalawang isip sya kung hahawakan nya nga ba ito o hindi.
Nagulat pa sya ng bigla na lamang sya nitong hinila sa bewang sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
"You make me worried Aeona. Even Lila didn't know where you are! Why didn't you wake me up if you wanted to have an early walk. "Nag-aakusa nitong wika sa kanya. Hinawakan nito ang dulo ng kanyang baba at tinaas para magtama ang kanilang mga mata.
  "Am sorry, but you sleep so peacefully and I don't wanna wake you up in that state. So I go downstairs without you. "Ani nyang itinaas ang dalawang kamay pahaplos sa mukha nito.
   Hinuli ito ng lalaki at pinigil saka kinintalan ng halik pareho ang likod ng kanyang kamay. Saka nito pinakawalan at pinigilan sya sa bewang. Yumapos ang mga bisig nito sa bewang nya at tinitigan sya ng seryoso.
   "Whatever you wanted to do please let me know princess. Don't do the stunts that you did today. Please. "Nagsusumamo ang mga mata nito na ikinalusaw ng malabatong galit nya rito kanina. Kahit selos na selos sya kanina kasi nakayapos na nman si sawang Vettina rito ayun kay Lila nawala na bigla.
"Okay. It won't happen again. "Ngumiti sya rito ng totoo. Naantig nito ang kanyang pusong pilit nyang pinatigas para sa lalaki. Kahit gaano kalaki ang kanyang galit kapag ito na ang kanyang kaharap mawawala na tila bula. Di nya alam kung anung meron ang lalaki at ganoon ang nangyayari sa kanya kapag kausap at hawak na sya nito.
   "Did you had your breakfast? "Malambing nitong tanong sa kanya na muling pinataas ang kanyang mukha para makita nito ang kanyang reaksyon.
"Yes. "Tipid nyang tugon.
"Well I didn't ate breakfast because of you. Am so piss this morning. And no one can tell me where you are either. I'd love to fired all my employees because they are so stupid letting you leave! "Galit nitong saad.
Hinawakan nya ang nakakuyom nitong kamao at dinala iyon sa kanyang labi saka masuyong hinalikan. Nakatitig ang kanyang mga mata rito. May nabasa syang emosyon ngunit agad din iyong nawala saglit. Di nya na lamang iyon pinagtuunan ng pansin.
  "Just don't do it again princess, I beg you this time. It's not safe roaming around without escort. Understand me? "Tanong nito na ikinatango nya lamang bilang tugon.
Binawi nito ang mga kamay mula sa kanyang pagkakahawak at hinawakan sya sa dalawang balikat. Masuyo syang tinitigan saka dahan dahang bumaba ang mukha nito patungo sa kanya. Naipikit nyang mga mata bago pa man lumapat ang labi nito. Agad ikinawit ang dalawang kamay sa leeg ng lalaki. Naghinang ng ilang sandali ang mga labi nilang dalawa. Pinagsaluhan ang mainit na halik. Naglulumikot ang mga kamay ni Greeko sa kanyang katawan bago pa man sya nito matanggalan ng damit agad nya na itong pinigil.
"You need to have your breakfast now Greeko. "Muling pigil nya sa pagitan ng mga halik.
"You're no fun Aeona. "Nakalabing wika nito sa kanya na ikinatawa nya matapos sya nitong pakawalan.
Mabilis nya itong hinila palabas ng silid. Nakasimangot na ito ng muli nyang tingnan ngunit di nman nagsalita.
  May matamis pang mga ngiti sa mukha mukha mga kawaksing masalubong nila. Wala syang ideya kung anung ginawa nito sa mga katulong kanina. At wala syang planong malaman pa iyon dahil lalo lang syang makadama ng guiltiness sa mga ito.

$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz