Chapter 39

3.9K 109 0
                                    



    "We already found their location, sire "ang mabilis na salubong ng tauhan ni Greeco sa kanya.
"Good. Tomorrow we'll go there before the sun rises. "Anito saka muling tinalikuran ang tauhan at nagmamadaling tinungo ang kanyang library.
  Marami pa syang aasikasuhing mga bagay-bagay na may kaugnayan sa babae.
   Di sya makapaniwalang makikita ang babae sa ganoong kalagayan. Ayun sa investigation na ginawa ng mga tauhan nya. Buntis nga raw ang babae. At wala nman daw silang napag-alamang nalink sa babae. Kundi ang kaibigan lamang nito na parating kasa-kasama ni Aeona.
     At napakalakas ng kutob nyang kanya talaga ang batang nasa sinapupunan nito. Kahit kasi kinubli nito ang kalagayan. Nahalata nya pa ring nagdadalantao nga ito.
  At masaya syang natagpuan nya na ang babaeng magparamdam sa kanya ng kakaibang damdamin. Noon nya lang napag-alaman ang maganda at masayang dulot ng pag-ibig. Kung dati ay tila balewala lamang sa kanya ang damdamin ng mga babae nitong nakalipas na mga buwan napagtanto nyang kailangan nya din palang magmahal at mahalin.
    Tila ba nanibago ang kanyang puso ng biglang naglaho ang babaeng kasama nya noon sa kanyang chateau. Tinuruan sya ni Aeona na maging affectionate sa ibang tao. Kung paano magbago ang pakitungo nya sa kanyang mga tauhan.
   Lumaki syang di naramdaman ang pagmamahal ng mga magulang sa kadahilanang parehong priority ng mga ito ang napiling career kesa sa kanya. Lumaki syang independent.  Hanging sarili nya lamang ang pinagkakatiwalaan at wala ng iba. Dahil sa kanyang mundong ginagalawan kailangan wala syang dapat pagkatiwalaan maliban Sa kanyang sarili. Iyon na ang nakalakihan nya at ng nakakabata nya pang kapatid na kambal. Pinalaki sya ng mga abuelo nya na tanging sa kanyang sarili lang umasa at isa ibang tao.
     Nasa pangangalaga nman ng tita nya sa London ang kambal na kapatid . Doon kasi nag-aaral ang mga ito. Magkahiwalay ang paaralan ng dalawa. Tuwing summer nya lamang nakakasama ang teenager na kambal.
    Ang mga magulang nya nman ay paroo't parito sa America at Australia. Sya ay piniling magbase sa Europe. Malayo sa mga magulang. Sa edad na 17 may sarili na syang kompanya na minana nya pa sa kanyang lolo at lola sa father at mother side. Maliit pa lamang ay millionaire na sya.  At ngayon nga isa sya sa billionaire bachelor sa larangan ng business world. Dahil na rin sa kanyang kakayahang palaguin iyon. Bago nya matanggap ang kanyang diploma sa college ay busy na sya sa kanyang sariling negosyo. Pinagsasabay nya ang pag-aaral at negosyong itinayo.
    Marami ang nagtangkang siluin sya ngunit mas mautak sya pagdating sa mga babaeng tanging pera nya lamang ang habol.
   Ngayon pa lamang sya humabol ng isang babae. Kung tutuusin di nya nman kelangang humabol ng babae dahil marami nman ang magkakandarapang ipagsiksikan ang sarili nila sa kanya.  Anumang may babaeng magsisilbi sa kkanyang pangangailangan. Ngunit mas nanaig ang kagustuhan ng puso nya. At iyon ay dahil sa isang babaeng naging challenge nga sa kanya.
   Kakaiba kasi ang attitude nito. Masayahin na tipong maldita ngunit nasa tamang pagkakataon nman. Masaya itong kasama o kausap. Natatanggal ang kanyang pagod sa maghapong pagtatrabaho sa kanyang ofis Kapag naiisip nya ang mukha nito. Lalo at kausap nya ang mga boring nyang kliyente. Ngunit kapag naiisip nya ang babae di nya napipigilang hwag mangiti.

   At ngayon nga kailangan nya lang muling kumbinsihin ang babaeng paniwalaan sya. Dahil alam nyang maraming kasinungalingan ang pinagsasabi rito ni Vettina. Sinabing lahat ni Lila sa kanya ang nangyari sa nakalipas na mga araw na nandoon nga ang babae sa kanyang Chateau.
    Kung paano tratuhin ni Vettina ang babaeng mahal. Alam nyang di pa maliwanag sa pagitan nilang dalawa ang totoong relasyon dahil sa sunod-sunod na problems sa kanyang kompanya.
    Pagkatapos sana ng kanyang trabaho ay lilipad sila patungong Paris at doon sana sya magsasabi ng totoong nasasaloob para sa babae. Ngunit bigla na lamang ito nawala. Tanging sulat na lamang ang inabot sa kanya ng isang kawaksi pagkauwi nya.
    Dumagdag pang nagkasakit ang kanyang ina kaya napilitan syang puntahan ito sa Spain. Dahil nandoon ang kanyang ina ng magkasakit. Lahat sila nagtipon-tipon doon.
   At nang biglang magpahayag si Vettina ng pag-ibig sa kanya sa harap pa mismo ng kanilang pamilya agad nya itong pinahindian. Dahil may nagmamay-ari na ng kanyang puso at ngayon nga ay nagdadalantao na ito.
   Excited syang muling makasama ang babae.  Di sya babalik  Europe ng di ito kasama. Dahil di nya hahayaang mawawala pa ito sa kanyang paningin.
  Dahil ito ay para lamang sa kanya at wala itong dapat mahalin kundi sya lang. Sisiguraduhin nya iyon. Sakali mang nawala na ang kaunting nararamdaman nitong paghanga sa kanya. Sisikapin nyang maibabalik nya iyon hanggang matutunan sya nitong mahalin.
   Pero bago iyon kelangan nya munang ayusin ang civil wedding nilang dalawa para wala na talaga itong kawala pa sa kanya. Kapag nagkita silang muli ng babae kelangan pakakasal ito sa kanya sa ayaw at gusto nito.

$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora