CHAPTER 24

3.6K 111 1
                                    

   "Good morning sire. "Panabay na wika ng mga kawaksing naroroon sa kitchen ng pumasok ang lalaki.
    Napalingon si Beeya sa entrance ng kitchen. Nakita nya ang si Greeko na patungo sa kanyang kinauupuan sa may gilid ng island table. Malalaki ang mga hakbang na ginawa nito kaya mabilis itong nakalapit sa kanya.
    "G-good morning. "Mahina nyang wika ng huminto ito sa kanyang harapan matamang nakatitig sa kanya. Di sya makatingin rito kaya bahagya nyang iniyuko ang kanyang ulo.
"Why aren't you in  bed when I woke up? "Seryoso nitong wika.
  Napaangat ang tingin nya ng marinig ang sinabi nito. Anu raw? At kelan pa naging issue ang paggising nya ng maaga rito? Well idiot,  it's your first time to wake up so early and leave him in bed! paalala ng isang bahagi ng utak nya.
Oo nga nman dahil sa kanyang inis at selos rito ito nga ang unang beses na iniwanan nya pang natutulog ang lalaki sa kanyang silid.
Usually sabay silang nagigising at bumababa para mag breakfast. And now he really look pissed! No,  he's mad! Sigaw ng isipan nya na patuloy na tinitigan ang lalaking tila said na said na ang pasensyang nakatingin sa kanya at naghihintay ng kanyang sagot.
    Napabuntong hininga sya bago napalunok ng laway saka nagtanggal ng bara sa kanyang lalamutan. Tila namalat iyon. Siguro sa dami ng sugar na na-take nya sa mga nakaraang araw ng pananatili rito sa Chateau.
    "Well, am kinda want to watch the sunrise. "Kibit balikat nyang wika rito na ikinataas ng kilay ng lalaki at tiningnan sya ng masama. He didn't buy her lame alibi.
"Don't make me so piss Aeona! "Wika nito bg bahagya syang niyuko para silang dalawa lamang ang makarinig sa kanilang pag-uusap although pasimpling lumisan ang mga katulong na naroroon kanina ng dumating ito. Kahit nga ang chef nito lumabas rin.
  "Am not! You're being a jerk Greeko! "Inis nyang turan sabay tulak sa lalaki palayo sa kanya saka tumayo at planong lalayasan ang lalaki ngunit mas mabilis nman itong kumilos sa kanya.
"Not so fast princess. "Anitong hinawakan sya sa kamay at hinila pabalik sa tabi nito.
Tinitigan nya ito ng matalim. Kung makakaputol lamang ang kanyang tingin wala na itong ulo ngayon! Kanina Aeona sya rito ngayon princess na sya dahil sa pagkairitang nakita nito sa kanyang mukha.
  Pilit nyang binawi ang kamay na hawak nito ngunit mas lalo lang iyong hinigpitan ng hawak ng lalaki.
"Let go of me! Now! "Bulyaw nyang di itinago ang galit na sumiklab sa kanya. Maiisip nya pa lang ang kanyang nasaksikan kagabi halos katayin nya na ang kanyang kaharap.
  "Why princess? You love my touch. You can't possibly resist my kiss.  You want me as much as I wanted you know. Naked in my bed. "Nakangisi nitong wika sa kanya na nagpapantig nman ng kanyang tenga.
"Swine! "Galit nyang wika sabay hablot ng kamay at tinulak ito ng malakas. Bahagya pa itong nawalan ng balanse. At iyon ang kanyang sinamantala. Mabilis syang tumalikod at umalis doon.
   Napakuyom kamao nman si Greeko na napasunod ang tingin sa papalabas na babae. Di nya maintindihan kung bakit ito umaakto ng ganoon sa kanya. Wala nman syang maisip na dahilan kung bakit malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Baka meron itong buwanang dalaw sagot ng isip nya na ikinailing iling nya lamang. He will deal with her later after he done his business matter. For now he will let her have her peace of mind but later on they will clear anything between them.

$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)Where stories live. Discover now