CHAPTER 19

3.7K 110 0
                                    

  Muling namangha si Beeya ng marating nila ang sinasabi ni Greeko na East wing room. Di nya akalaing pwede na iyong tawaging east west palace. Napakalawak ng room na iyon para sa isang kwarto. Meron sariling guest rooms at sala. May kanya kanyang comfort rooms at ang huling pinakita sa kanya ni lila ang lalong nagpakamangha sa kanya. Tila iyon master bedroom. May king size bed na may nakasabit na white see through curtains sa apat na poste ng bed. Golden ang comforter noon na pinaresan ng white silk bed sheets. May complete set of sofa na light blue ang color. Mayrong balcony na overlooking sa sea. Di nya naalala kung anung palapag ang room na pinuntahan nilang dalawa. Nawili sya sa kakamasid ng mga magagandang tanawin patungo sa silid na ito.
   Sa sobrang excited nya sa kanyang paligid di nya na naipaliwanag ang kabuuhan ng silid nya ayun kay Lila. It just mean makakalayo na sya kay Greeko sa pagkakataong iyon. Huh! Better be. He's a big pain in thgalit anyway.
Matapos ilagay ni Lila ang kanyang mga gamit sa closet na di nya napagmasdan kasi busy sya sa ibang bagay iniwanan na sya nito. Nagtanong ito kung may kelangan pa sya na agad nyang inilingan at dinimiss ito ng tuluyan. Sinabi nyang magpapahinga muna sya ng ilang minuto.
   Mabilisan syang naligo. Kahit ayaw nya sanang lumabas sa napakagandang bathroom na iyon. Na may malaking bath tub. Complete amenities. Lahat na ata ng klase ng shower gel, bath soap, shampoo, conditioner at iba pang mga gamit sa bathroom naroroon na.
    Naghihinayang syang lumabas doon parang gusto nyang manatili sa banyong iyon. Napakagaan ng ambiance na dulot ng bathroom. May malaking shower na napalibutan ng glass wall na may sliding door. Gold and white ang tiles noon with printed light pink roses prints.
    Binuksan nya ang close-in closet na tinuro kanina ni Lila sa kanya at ganun na lamang ang kanyang pagkamangha ng makita ang laman niyon. Tila sya nasa malaking shopping mall ng mga dresses, jeans, blouses, night dresses and nighties na sexy, shoes, bags, jewelry, perfume and many accessories. Sa drawers naroon ang mga set ng pajamas, maraming underwears in pairs at silk and laces ang klase noon. All in one ang close in closet na naroroon at sa isang sulok nakalagay ang kanyang mga gamit na iilang piraso lamang na kung ihahambing sa mga nakahelira doon tila ito basahan na naligaw.
   Wala sa loob na nahaplos nya ang mga damit na madaanan nya patungo sa dulo kung saan naroon ang malaking mirror. May mga nakasabit pang price tags ang mga damit.
  Newly edition ng shoes and bags ang nakahelira sa stall. Talagang napakayaman ni Greeko kung ganoon. At siguro lahat ng babaeng dalhin nito rito ay dito nya nilalagay. Nakadama sya ng kirot at selos sa kanyang dibdib sa isiping iyon. Lalo syang hinaklot ng selos ng maalala si Vettina na parating kasama ni Greeko sa mga featured business magazines. Nang maisip iyon inis nyang tinungo ang kinalalagyan ng damit nya at galit na humugot ng T-shirt na maluwag na inarbor nya kay Carly kasi maluwag raw dito at short short na kalimitan nyang ginagamit kapag nagpapahinga.
    Matapos magbihis, mabilisan nyang bin-lower ang kanyang buhok at nahiga sa pinakagitna ng malaking bed. Ni hindi na sya nag-abalang magkumot dahil pagkalapag ng kanyang ulo sa unan agad syang nakatulog ng mahimbing dala ng kanyang jetlag.

$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)Where stories live. Discover now